Two

832 18 0
                                    

Since Day One, You are my date...

Hindi pa din nagsisink in sa brain ko yung pangalan na nakasulat sa papel na hawak ko. Pangalan niya ba talaga 'to? Wala naman ng iba pang Kalen Angelo Avilla sa RU kundi siya.

"Pakshet, bakit yung depungal na 'to nabunot ko!" Napatingin ako kay Eunice at sa papel na pinakita niya.

Nigel George Perez
20 years old
College of Architecture

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil hindi pa din ako makapaniwala. Ang tanong papayag ba siya na ako date niya?

"Pogi nga ang akin, pero jusko naman bakit si Vincent Van?" tanong ni Raiven samin at pinakita yung papel na hawak niya.

Vincent Van Carter
19 years old
College of Business Administration

Seriously? Hindi naman sa hate ni Raiven si Van it's just that hindi niya lang talaga bet si Van kaya lagi siyang napapairap pag nakikita niya. At si Eunice naman kay Nigel syempre hindi talaga magkakasundo si Eunice at Nigel. Pikon si Eunice at mapang asar naman si Nigel.

"Ay ako mga teh, Si pula lang naman!" sabi ni Sheka at pinakita sa'min yung hawak niya.

Red Jan Cirera
19 years old
Bachelor of Arts in Literature

Nakita naman namin kung paano guluhin ni Sheka yung buhok niya. Kung ano kasing kinaingay ni Sheka yun naman kasi ang kinatahimik ni pula. I don't know Kalen's friends personally but I know a little bit of their personality base sa mga naririnig ko.

In their group si Kalen ang pinakamasungit proven and tested while Nigel is mahilig mangpikon hindi siya titigil hangga't walang napipikon sa mga sinasabi niya but he is good at drawing next is Van a happy go lucky man na kung mag joke at sumingit laging hindi ayun sa situation pero minsan naman may sense ang sinasabi and last but not the least, Red siya yung pinakatahimik sa kanila. Kalen is also a quiet person pero mas malala si Red.

Kaya alam ko na hindi talaga sila magkakasundo ni Sheka. Hindi mabubuhay yan si Sheka ng hindi nagsasalita sa loob ng isang minuto.

"Ikaw, Saff. Bakit ka naman napa oh my god diyan!" sabi ni Sheka na nakasimangot pa din habang nakatingin sa papel na hawak niya.

Pinakita ko sa kanila yung papel na hawak ko at sabay-sabay nanlaki yung mga mata nila.

"Kalen?"

"As in, si Kalen talaga?"

"Ano ba meron? Bakit sila mga nabunot natin?"

I'm actually happy, pero hindi ko lang alam kung anong magiging reaction niya pag nalaman niya na ako yung nakabunot ng name niya. Sabay-sabay siguro sila nagpasa kaya nasa iisang lalagyan lang yung mga pangalan nilang magkakaibigan kahit magkakaiba ang course nila.

"Syempre walang reklamo ang ate mo Diamond diyan." sabi ni Sheka kaya napangiti na lang ako sa kanila.

"Okay, kindly write here beside your name kung sino ang nabunot niyo." Inis namang tumayo yung tatlo kong kaibigan at ako lang ata ang natutuwa.

"Sino kaya nakabunot kay Kalen?" Narinig kong tanong na isa sa mga classmate ko.

Nakangiti kong nilagay yung buong pangalan ni Kalen sa tabi ng pangalan ko. I watch how my other classmate reacted sa nabunot ko at ng mga kaibigan ko.

Kalen's group is famous here in RU parang sila yung pumalit sa dalawang lalaking Rheinford.

"Anong meron sa inyong magkakaibigan at nabunot niyo yung apat?" Masungit na tanong ni Felicity at nakita ko naman kung paano siya harapin ni Sheka.

Since Day OneWhere stories live. Discover now