Part 56

3.6K 154 8
                                    

Chapter 56 

Denvher PoV 

nagpahinga ulit si Xia kaya di ko maiwasang mapaisip na talagang matapang siya 

"Lalabas na muna ako"paalam ko sa kanila

tumango lang sila kaya agad akong lumabas sa clinic 

siguradong naghahanda na ang mga white hunters ngayon

sana lang makayanan naming labanan sila, mukang malaking gulo ang magaganap

pansin ko si Kaye na nakaupo sa ilalim nang puno at malalim ang iniisip

agad ko siyang nilapitan at tumabi sa pag upo pero di niya man lang ako napansin 

"Anong iniisip mo?"tanong ko sa kanya 

wala akong narinig na sagot kaya tinitigan ko na lamang ito 

'sigurado akong maganda ang kinabukasan nang kaharian mo'

sambit ko sa aking isipan napangiti na lamang ako habang titig sa kanya 

napatingin siya sakin tas bahagyang lumayo sakin 

"A-anong g-inagawa mo dito?"utal na tanong niya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko 

"Masyadong malalim ang iniisip nang prinsesa ko"sambit ko sa kanya 

napaiwas siya nang tingin tas nag ayos nang upo, naka indian sit pa siya 

mula dito matatanaw mo ang napakalawak na Ground magkaiba ang Ground at sa warfield

"tigilan mo ako Den"mahinang sambit niya

mababakas sa kanya ang kalungkutan

ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito, nung wala pa si Xia tahimik lang siya at palaging malamig ang awra pero ngayon malaki ang pinagbago niya

"inano ba kita?"tanong ko napatingin siya sakin nang masama kaya napatawa na lamang ako nang marahan 

"Iba din pala ang epekto nang pagkakaibigan"sambit ko napayuko siya at marahan na tumango 

"Iba din naman pag pagibig ang pag usapan"nakangiti kong saad

"Alam mo dagdag ka lang sa problema ko!"taray na saad niya

"Bakit mo naman ako pinoproblema?"balik ko

nagsisimula na siyang magtaray hahahah

"Lubayan mo ako pwede ba! Hindi ako handa sa pag ibig na yan"sambit niya sabay bunot pa nang damo

"Oh bat napunta dyan ang usapan?"pang aasar ko sa kanya

nakaramdam naman ako nang sapak sa kanya kaya napatawa na lamang ako 

"Tsk yun naman talaga ang gusto mong iparating"taray na saad niya habang ako tumatawa lang

"Hahayaan mo naman ako diba"seryoso kong sambit na nagpatigil sa kanya 

tumingin siya sakin nang masama at parang sasabog na sa galit

"WAG AKO"sambit niya tas akmang tatayo nang hinawakan ko ang kamay niya 

"Kung ganun lang sana kadali Kaye walang problema pero hindi eh"sambit ko sumulyap siya sakin tas tumingin sa kamay ko 

"i'm not ready"tanging saad niya at hinawi ang kamay ko nang marahan 

"maghihintay ako kung kailan"nakangiti kong saad tumayo siya sa harap ko at seryosong nakatitig sakin 

"masasaktan ka lang"usal niya kaya napatingin ako sa kanya tas tumayo rin

LUCKY ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon