11. Harana

67 5 0
                                    

11.




"Bakit napapatulala ang alaga ko?" Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Manang Welma. Ilang minuto ba ako naka tulala?




Iniisip ko 'yung sinabi saakin ni Levi kahapon. Ano daw??? Manliligaw s'ya?! Buti nalang biglang umulan no'n at nag madali agad kaming umuwi.




"Anong iniisip mo anak?" Sabi ni manang at binigyan n'ya ako ng gatas, bago matulog. Umupo namam s'ya sa kama ko at tumabi saakin.




"Uhm..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba 'to kay Manang. Pero kung hindi ko naman 'to sasabihin, I don't know what to do! Never pang may nanligaw saakin, so hindi ko alam kung paano mag rereact kapag may nag co-confess saiyo.




"Manang, uhm... nothing." Minabuti ko nalang na hindi sabihin.




"Sige iha, baba na ang Manang ah, matulog kana d'yan." Tumango naman ako at isinarado na ni Manang ang pinto.




Tinawagan ko naman si Myline, dahil hindi talaga ako mapapakali kapag sinarili ko 'to.




[Cols! Napatawag ka?] Bungad agad n'ya saakin.




[Myline, uhm... Where are you?]




[Ha? Nasa bahay, gabing-gabi na satingin mo nasa galaan ako? Hindi naman ako si, Alliyah!]




[I know, what I mean is where are you exactly in your house? At your bedroom?]




[Oo. Bakit? May chismis kabang sasabihin?]




[I just want to ask you about something but... Uhm... Huwag mo ako aasarihin ha?] Kahit alam ko na wala akong makukuhang matinong sagot sa kan'ya, I just want to know her opinion.




[Ano ba 'yun? Na excite naman ako bigla!]




[Uhm...When someone admits to you that he likes you and he wants to court you? What will you do?] Katahimikan naman 'yung nangyari..




[Hey? Are you still there, Myline?]




[Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!] Bigla naman akong nagulat sa tili n'ya, nilayo ko tuloy 'yung phone ko sa tenga ko!




[Myline? Okay ka lang ba d'yan, anak?] Rinig kong sabi sa kabilang linya.




[Opo. Mommy, sorry po.] Sabi ni Myline.




[Ang ingay mo kasi, narinig tuloy tayo ng Mom, mo.]




[Sorry. Kinilig kasi ako!]




[What?]




[Eh kasi naman nag tapat na pala sa'yo si, Levi!] Nagulat naman ako sa sinabi n'ya.




[A-alam mo?] Gulat na tanong ko.




[Duh?? Cols, obvious na obvious kaya na may gusto sa'yo si Levi!] Hindi ko alam sinasabi n'ya dahil hindi ko naman 'yun napansin akala ko gano'n lang talaga s'ya. Like it's his natural state.




[So, anong sinabi mo? Kayo naba?] Ramdam ko naman 'yung pag ka excite n'ya sa kabilang linya.




[What? No! I don't even know what to do now.]




[Cols, si Levi ba... Gusto mo rin?] Natahimik naman ako sa tanong n'ya. Honestly I don't know!




[Kasi, Cols, Kung wala ka namang feelings para dun sa tao, mas maganda na sabihin mo sa kan'ya ng maaga. Pero mas maganda rin naman na bigyan mo s'ya ng chance. Malay mo naman 'di ba mag ka spark!]




Cypress AcademyWhere stories live. Discover now