Beauty🌾9

3.5K 130 22
                                    

BEAUTY 9

Royalties


"Hindi ka talaga sasama?" may pangungumbinsi sa boses ni Ava.


Nandito ako sa lawa kasama ang mga bata. Pumunta rito si Ava para tanungin ako tungkol sa kainan para sa mga maharlika. Mas pinili kong magturo kaysa makihalubilo sa kanila.


"Hindi nga, Ava. Kayo na lang. Ayos lang naman kami rito. Nagbigay naman sila ng mga pagkain para sa amin dito, bakit pa kami dadalo?" sabay sulyap ko sa mga bata na ngayon ay nagsusulat.


"Hindi naman sana talaga ako dadalo, kaso si Mama kasi! Ang daming arte! Kailangan daw na may mag-asikaso sa kanila para naman hindi nakakahiya."


I sighed. Okay lang naman talaga sa akin na mag-isa ako rito at kahit magsaya pa silang lahat doon. I am happy with my students here. I don't really need to join their crowd just so I'd feel satisfied and merry.


"You can go now, Ava. Maayos naman ako rito. Wala na rin naman akong sakit. You can have fun there. I am fine here. Really!" kumbinsi ko sa kaniya dahil ayaw niya akong iwan dito.


Sa huli ay bumigay siya. "Aalis na ako kung gayon. Marami naman ang mga pagkain dito. Kapag kailangan mo ako, huwag kang mag-atubiling tumawag, okay? Bye!" palayo na siya nang magpaalam.


Natawa na lang ako sa kakulitan niya at naupo sa harap ng mga bata. My eyes went over to the long table filled with bounty foods, just like yesterday. Marami at iba't ibang uri. Tapos na kaming kumain pero nagpadala ulit si Zaico kanina.


I looked around and the weather looks so fine. Even the weather is on the their side, huh? Ang sabi ko, papayag ako kung hindi uulan at hindi nga umulan. Kaunti na lang talaga at maiisip ko nang kakampi nila ang nature.


"Teacher, tapos na ako," ang isa kong estudyante at umupo sa aking hita. Sa damuhan kasi ako nakaupo. He's not heavy so...


"Maayos na ang pagsulat mo, a," puri ko sa kaniya na ikinatawa niya naman ng malakas. Natawa rin ako. "Magpursigi ka pa, ha? Practice makes perfect. Pero hindi naman kailangan na perpekto."


The class hour has already ended. Three hours lang ngayong araw dahil hindi naman namin schedule. Schedule ngayon na mag-ani, pero dahil may mga matataas na bisita ay ipinagpaliban muna. Pero mayroon pa ring ilang mga nag-aani ngayon. Mga kagaya kong ayaw dumalo sa piging.


"Ate Shek, magbasa ka na lang po ng story!" sigaw ni Josie nang mapagod silang magtakbuhan sa tabi ng lawa.


That's their usual routine. After class, they will unwind near the lake. Sometimes they play with the water, and sometimes they play so much until they get back to me all sweaty. Binabantayan ko kasi sila.


Naupo kami sa damuhan para sa request nila. I chuckled when I remembered our conversation earlier, before the class started.


"Ate Shek, ayaw ko muna r'on sa mga upuan na bago. Hindi po sanay ''yong pwet ko!" sabi ni Cara na ikinatawa ko talaga.

The Beauty Of The Commoner   | Wyorck Series #3 |Where stories live. Discover now