"Hindi ako ang pumatay sa kanila, Izabella!" mariin aniya ni Valerius habang nasa silid sila ng opisina nang kasalukuyang headmaster na si Hames. Bumaling siya sa mga iba pa nilang kasama. " Wala akong pinatay habang nasa poder niyo ako."
"Pero nakita ka namin na kinalaban mo kami!" aniya ng biktima na si Lady Marci. Kasama nito ang mga nautusan para sa misyon na patayin ang anak ng emperor. Sinang-ayunan pa ito ng lahat.
"Mabuti pang aminin mo na ang ginawa mo, Valerius! Huwag ka nang magsinungaling pa dahil huli ka na sa akto!" galit na turan ni Selena sa binata.
Hindi makapaniwalang lumingon si Valerius kay Selena. "Hindi ako aamin dahil hindi ko naman ginawa ang bagay na iyon, Selena! If you think to me is monster then fine! Ngunit di ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa!" Bumaling ito kay Hames. "Siguradong may nagset-up sa akin para ako ang masisi sa bagay na hindi ko ginawa."
"Gusto ko man maniwala sayo Valerius ay may nakakita sayo. Isa pa, tanging mga Fimbria lang ay may pakpak. Baka nga ikaw ang puma-" Mabilis na pinutol ni Valerius ang sasabihin ni Hames.
"Bakit ba ayaw niyo maniwala na inosente talaga ako?!" Naikuyom niya ang kaniyang palad sa galit na nararamdaman. Yumuko si Valerius. Trying to control his temper. "Sa bagay, kalaban ang tingin niyo sa akin kaya ayaw niyo pakinggan ang totoong sinasabi ko."
"I do believe what my son said. Hindi siya ang pumatay sa kanila sa halip ay ginamit siya para mapabintangan. Sigurado ang gumawa noon ay gustong sirain ang reputasyon ng aking anak sa atin." Sumulyap si Valerius kay Izabella. Seryoso nakatingin si Izabella sa mga kasama nito.
"Papaano kung siya talaga ang pumatay sa kanila, Lady Izabella? Anong gagawin mo?" tanong sa kaniya na si Headmaster Hames.
"Hindi siya ang pumatay at handa ko isakripisyo ang aking buhay para sa kaniya. I will start my investigation about this and I'll prove to you his innocence. Kapag napatunayan ko na siya ang pumatay sa kanila ay patayin niyo ako. My death will be the consequence if he found guilty." Nabigla ang lahat sa narinig lalo na si Valerius. Naghintay sila ng mga ilang minuto upang sabihin ni Izabella na nagbibiro lang ito ngunit wala talga. "Totoo ang mga sinabi ko."
Nagpalabas ito ng matulis na patalim at sinagutan ang sarili na ikinasinghap ng lahat maliban kay Valerius. "Ang patalim na ito ay simbolo na totoong gagawin ko ang mga sinabi ko." Inilagay niya ang patalim sa malapit na mesa. Tumayo si Izabella mula sa paggkakaupo. Binalingan niya si Valerius na nakatingin sa kaniya. "Tara na, Valerius. May klase ka pa. Wala sila karapatan na pakinggan ang iyong paliwanag kung sila ay bulag sa katotohanan na hindi ka talaga nandoon at galit na nararamdaman nila sayo."
Tumalikod si Izabella. Sumunod naman si Valerius sa sinabi ni Izabella. Bago pa man sila makaalis ay nagsalita si Lady Marci.
"Are you really sacrifice your life for that fake son of yours? Izabella?"
Galit na lumingon si Izabella kay Marci. "Hindi ko gusto ang pananalita mo, Marci. Valerius is my son. He came from me."
Ngumisi si Marci. "Gaano ba katotoo ang sinabi mo, Izabella? Kahit na unang beses ko kayo nakita na magkasama ngayon, hindi ako tanga para makita na wala kayong resemblance. However, I saw your sister in him. Sabihin mo nga, Izabella. Anak ba siya ni Queen Vagnia Lunaris sa lalaking iyon?"
Tinago ni Valerius ang kaniyang kaba sa narinig. Gusto man niya sabihin ang totoo ay hindi pwede. Maaaring mapahamak sila lalo na si Izabella. Isa pa, nangako siya kay Izabella at may isang salita siya. Tutuparin niya iyon.
Sumulyap siya kay Izabella. Kitang-kita niya ang seryoso sa kaniyang mukha ngunit may napansin siya. Naikuyom nito ang kaniyang palad.
"Hindi siya anak ng kapatid ko. Anak ko siya. Dugo't laman."
"Sana nga totoo ang sinabi mo." Sumulyap si Marci kay Valerius. "Sa oras na malaman niya na hindi mo siya anak at anak niya si Valerius, siguradong katapusan na niya."
Mabilis na hinawakan ni Izabella si Valerius sa braso at umalis sa lugar na iyon. Ngunit bago pa man sila makalabas ay sumulyap muna si Valerius kay Selena na ngayo'y masamang nakatingin sa kaniya.
He felt something pain inside his chest and he don't what reason behind it.
Sa isang malayong kabundukan, may isang lalaki na pinagmamasdan ang kalangitan. Habang pinagtitigan niya ito ay malalim ito nag-iisip. Sa kaka-isip niya ay hindi niya napansin na may isang babae na lumapit sa kaniya.
"Hindi ka ba uuwi?" aniya ng babae na siyang nagpabalik sa ulirat ng lalaki. Bumaling ito sa kaniya.
"Wala naman ako uuwian. Kaya bakit ako uuwi?" pabalik nitong tanong na siyang napangiti ng malungkot sa babae.
"May anak ka na naiwan doon. Umuwi ka para sa kaniya." Napansin ng babae ang pagbago ng expression nang kasama. "Marahil ay natatakot ka sa maaaring magawa mo sa kaniya dahil sa nalaman mo ngunit anak mo pa rin siya at ama ka niya. Ang pagmamahal niyo sa isa't isa ay hindi yun mawawala."
"Ganiyan din ang sinabi mo sa akin noon ngunit nagawa ko pa rin yun sa aking ama. Natatakot ako na baka magawa ko rin sa aking anak ang nagawa ko noon sa kaniyang lolo. Ayaw ko siyang mawala dahil siya na lang ang natitira sa akin. Bakit ba kasi ganito ang future ng ating pamilya? Sumpa ba sa ating pamilya na patayin ang mahal natin sa buhay?" Hindi na napigilan ng lalaki na umiiyak dahil sa sakit nadarama niya.
"Ang ama mo ay dapat talagang mamatay dahil sa kasamaan nito. Kahit ako na kaniyang asawa ay gusto rin siya mamatay dahil hindi ko kayang makita siya na gumagawa ng kasamaan sa mundong pinangako niya sa akin na aayusin niya. Nagbago siya na siyang hindi ko nakilala ang dating minahal ko sa kaniya." Tumingin ito sa kalangitan. "Iba naman sa sitwasyon ng anak mo. Hindi niya gusto mangyari sa kaniya ang kinaayawan niya. Save your son from darkness that your father would bring."
"You know that I can't save him from the darkness once I die because of him, right? Ang hinaharap ko ay mapapatay niya ako and he will be in darkness. Ang tanging makakaligtas sa kaniya ang nilalang na makikilala na pag-umalis siya sa Datian. Ang nilalang na mamahalin siya kung anuman siya ang siyang magliligtas sa kaniya mula sa kasamaan at hindi ako yun."
BINABASA MO ANG
The Abandon Son [EDITING]
FantasySi Valerius Maximus Fimbria ay isang simpleng prinsipe na may pinapangarap na makita ang kaniyang ina. Mula nang umalis ang kaniyang ama, bumuo siya ng plano na umalis din para hanapin ang kaniyang ina na matagal na niyang gustong makita. Dito, pupu...