PROLOGUE

34 12 25
                                    


DISCLAIMER!

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning: This book contains mature scenes, foul language, drugs, violence, and any of the like that are not suitable for young readers. Read at your own risk.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without a written permission from the author.

Note: This is the 2nd installment of the Solar Series. You don't need to read the first book which is Notes from the Moon to understand this story. Happy reading!


--------------------------


"Lili, una na ako ah. May ipapadala pa kasi ako kay mama. Baka magsara yung LBC", paalam sa akin ni Nina, ang kaibigan at katrabaho ko dito sa Singapore General Hospital. 


"Sige, mauna ka na. Baka mag overtime ako dito. Alam mo na, ilang araw kasi akong absent. Kailangan kong bumawi. Sayang din yung kita. Day off naman natin bukas." Kinuha ko ang suklay sa aking bag na nakalagay sa locker at tinali ang aking buhok.


"Wag kang masyadong magpapagod ah. Baka mamaya mabinat ka niyan", alala niyang sabi sa akin. Medyo mababa ang immune system ko kaya palagi akong nagkakasakit. Hindi ko dapat nakakaligtaan uminom ng vitamins pero may mga pagkakataon talaga na nakakalimutan ko. 


"Oo na. Kakain lang muna ako tapos diretso na ako mag night shift." Kinuha ko ang aking wallet at phone sa bag ko at isinara na ang locker. 


"Sige na. Kita nalang tayo sa apartment. Bye." I watched her walk away from me until I couldn't see her silhouette anymore. Dumiretso na ako ng cafeteria para kumain. Bumili ako ng dinner ko at naghanap ng mauupuan. 


Nang makaupo ako ay biglang tumunog ang aking cellphone. Sinagot ko ang tawag. 


"Nay, napatawag ka?" Nilagay ko ang earphones sa tainga ko at nilapag ang cellphone sa lamesa. Unti-unti kong sinubo ang aking pagkain. Isang oras pa naman bago magsimula ang shift ko. 


["Gusto lang kitang kamustahin, nak. Alam mo naman, mag-isa nanaman ako dito sa bahay."] Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binitawan niya. 


Gusto ko mang bumalik ng Pilipinas ay hindi pwede dahil kailangan kong mag-ipon. Mababa ang sweldo ng mga medtech sa Pinas. Pinangako ko kay nanay na bibilhan ko siya ng sarili naming bahay. Hindi kami dapat umaasa lang sa iba. Simula nang mamatay si tatay ay sinama na ako ni nanay sa Maynila kung saan siya namasukan bilang katulong. Ang amo niyang si Tita Carol ay ang nagpa-aral sa akin hanggang sa namatay siya noong 3rd year college pa lamang ako dahil sa sakit ng cancer. Ang anak niyang si Dani na naging kaibigan ko ay ang nagpatapos sa akin sa kolehiyo. Kaya laking pasasalamat ko sa kanila dahil tinuring nila kaming pamilya. Pero ngayong may trabaho na ako, wala nang dahilan pa para tuluyan kaming makitira sa kanila. I need to be independent.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blazing Sunsets with You (Solar Series #2)Where stories live. Discover now