Chapter 11: I SHOULD GO AHEAD

26 0 0
                                    

"Kamusta pagtitig sakin buong gabi?"
H-he knows?! Paano?! Gising ba siya habang tinititigan ko siya kagabi? Hala! Nakakahiya!

Gusto ko nalang lamunin ng lupa, pati buto isama niyo na.

"A-ano?" I said nervously. Bakit? In denial ka pa self. Totoo naman eh. Pero I have to act like nothing happened.

"H-h-hindi ahh. B-bakit kit-ta tititigan-n?" Utal utal kong sabi sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Ano ba dapat ika-kaba ko?! Wala naman akong ginawa ahh. Parang titig lang eh.

"Bakit ka nauutal (YourName)? Bakit? Totoo ba?" Sejun said na may pangangasar pa sa tono ng boses. Aba! Nangaasar ka ahh.

"Hoy Mr. Nase! Hindi kita tinitigan at mas lalong hindi ako nagwapuhan sayo!" Tuloy tuloy kong sabi na walang kahinto-hinto.

Ganito ba kapag kinakabahan? Nauutal tsaka mabilis magsalita? Pasigaw pa.

Ano na nangyayari sakin? Buang na buang na buang nako.

"Defensive ka naman masyado (YourName) haha! Ganon ba talaga ko ka-gwapo?" Sejun replied.

Gwapo ka naman talaga, mayabang ka lang.

"Mas maganda naman ako." Maikli kong sagot. Bahala sya, gugutom nako.
Nag-akto naman siya na parang nasususuka, dahil sa sinabi ko. Aba! Nangaasar ka talaga Nase ahh!

"Sige sige. Bibili muna ako ng breakfast ngayon. Mauna nako, hintayin mo nalang ako. Saglit lang naman." I said. He nodded and that's the answer I needed para ipihit na ang door knob at lumabas na.

Saan ba nakakabili ng pagkain dito? May karinderiya naman siguro sa labas ng hospital. Mukhang masarap ang sinigang ngayon ahh. Saan kaya may sinigang?

Nag-iikot ako ngayon sa labas ng hospital. Madami na ding mga bus at mga motorsiklo na nagsisitakbuhan sa kalsada. Nasaan kaya yung mga karinderiya?

Finally, I found one. Nasa likod lang ng hospital. Pero, puro mga doctor at nurses lang din sa St. Gabriel ang nagsisikain dito.

Bigla naman napadaan sa isip ko si Dr. Gomez, naalala ko ulit yung nangyari kagabi. Bakit siya napasilip?

And before I knew it, he's here. Eating with his fellow doctors. Parang ang saya saya nila. Sana all.

"Ligawan mo na kasi si Gellia aba! Nauunahan ka hahahah!" Pang-aasar nung isang morenong doctor na kaharap ni Dr. Gomez sa lamesa na inupuan nila. Nakita ko naman na namula yung pisngi ni doc.

Ako naman, napa-yuko nalang sa narinig ko. T-totoo ba? May gusto siya d-dun sa nurse?

Tumungo nalang ako sa bilihan. Wala ako pakielam kung makita ako ni doc. Basta ang alam ko, nagtatampo ako ngayon. Hindi ko din alam kung bakit. Hindi naman kami at mas lalong hindi ako gusto ni Dr. Gomez. Pero isa lang alam ko, nagtatampo ako.

Pumunta ako sa counter at binili yung bagong lutong sinigang. Sarap naman!  Paborito din kasi ni Sejun is sinigang. So, hindi kami nagtatalo pagdating sa sinigang.

Nag-order ako ng 4, tag-dalawa kami ni Sejun. Tsaka limang order ng kanin. Magmu-mukbang kami ngayon yehey!

Nang dumating na ang order ko at paalis na, bigla naman may naka-bangga sakin. Ano ba yan! Hindi marunong tumingin ahh!

I looked up and I saw him, Dr. Gomez. He worriedly looked back at me.

"M-miss (YourName)? A-ayos ka lang?" He asked me. "Ayos lang po." I said and looked down. Nahihiya ako. Bakit kaya? Wala naman ako ginawa sa kaniya.

"S-sige po. I s-should go a-ahead" I immediately went out of that karinderiya. I walked passed his fellow doctors na halatang kinikilig. Mga buang kayo!

I can hear their "ayiee!" habang naglalakad ako pabalik sa hospital. Hindi ko alam kung kikiligin o magagalit ako eh.

Justifying YOU (SB19 Sejun) [ON GOING]Where stories live. Discover now