02

3 0 0
                                    

MAD AND DIED 

"Tiya, tanggap na ga ako?" tanong ko sa tiyahin ko pagkapasok don sa café na tiyahin ko pala ang may ari.

"Oo, bukas ka na mag pamula," aniya at pumasok na sa manager's room. Lumabas siya pagkaraan ng ilang minuto na may dalang t-shirt ata yon na may tatak ng café, nice. 

"I uwi mo at labhan mo, aasahan kita dine bukas, Sam." tumango na lang ako at umuwi muna sa bahay para palabhan sa aking Ina, ako'y wala sa mood maglaba at kami ay may pupuntahan mamayang gabi para sa mission. 

"Hoy Shi! ang inay?" bungad ko dito pagkadating, nanonood na naman ng TV ang lukaret hindi na naumay. "Nasa kwarto niya nagtitiklop yata ng higaan," aniya ng hindi natingin sakin. 

"Nag imis ka naman ng buong bahay?" tanong ko, tumango laang ito. Sinuyod ko naman ng tingin ang buong bahay, malinis nga. 

Umakyat ako at nagtungo sa kwarto ng Inay, kumatok muna ako bago pumasok. 

"Pasok, ano ga!"

"Inay...hehe, palaba naman ako," suskopo. 

"Ano iyan?" puna niya sa hawak ko, itinaas ko naman iyon. 

"Uniform don sa café, magpamula na daw ako bukas," pag inform ko at napatango-tango lang siya.

"Akina at lalabhan ko, lumamon ka na doon," tango na la-ang ang sinagot ko, akala ko'y bubungangaan na naman ako ng Inay, nasa mood yata ngayon. 

"Ate panget mo." bungad sakin ni Shi habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato. 

"Ay di panget ang inay?" 

"Baken?"

"Ay don tayo nagmana e," sabi ko habang nag sasandok na din ng ulam at kanin. 

"Maasbaran ko kayong dalawa, anong panget, ako ga'y panget?" biglang sumulpot ang Inay sa aming likod kaya kame'y parehong napaigtad ni Shi. 

"Are namang inay hindi mabiro," parang usbaw na sagot ni Shi, muntik na akong matawa. 

"Hindi mabiro, sumbe ang biro ko tamo." natawa na la-ang ako sa pagka barako ng Inay, alam ko namang binibiro la-ang kame nare. 

Pagkatapos ko'ng magtanghalian ay umalis na ako ng bahay at nagtungo sa Aroavia. Isinuot ko na ulit ang earpiece ko at in-on yun. 

["Sam pinapatawag lahat ng Commander's sa Clan Council,"] bungad sa akin Eli, why so sudden? 

["Galit ang bebe Gian ko,"] segunda ni Kio, napakunot ang noo ko at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. "Bakit?"

["Ewan, hindi ko din nakita ni isa sa Ace,"] ani Rhys, something's wrong halata sa mga report ng Thierry. 

"Ge," paalam ko at in-off ang earpiece. 

Ang Clan Council ay pinagm meeting-an ng bawat leader ng Aroavia for some important reason, tanging Ace lang ang nakakapasok kasama ang grupo, no wonder why. 

Pagkatapos mag sign in sa lobby ay dali dali ko'ng pinindot ang floor ng Clan Council naglakad pa ako sa pinaka dulo ng biranda para makapunta sa pinto. 

Gaya ng inaasahan napunta na naman sakin ang attention, hindi ko sila pinansin at nagtuloy sa upuan ko katabi si Zane at Kirsten. Wala si Zane dahil nasa unahan siya at halatang iritado base sa mukha. Siniko ko naman si Kirsten or Kez, himala at siya lang ang kasama nito. 

"Anong meron?" kunot noo ko'ng tanong, wala akong alam sa nangyayare no'.

"May nag friendly match sa Arsenal Training Grounds, galit na galit si Master pota," muntik na akong natawa lagi namang may nagf friendly match sa ATG hindi na siya nasanay don.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aroavia AZTECS Where stories live. Discover now