Prologue: How I met you

4 1 0
                                    

I still remember that day, I was so happy, waiting in front of our favourite coffee shop. It's raining, I can hear the droplets falling on my red umbrella. I'm wearing a casual black shorts, a blue hoodie with a Mickey Mouse design and a black-slip on sneakers. I saw you on the other side of the road, I'm waving my arms so high so you could see me, I'm all smiles, because today I have decided to tell you, what I really feel towards you.

Suddenly, a bright light covers me from looking at you, then I heard a crash from the other side, in a blink of my eye, I saw you, covered with blood, then.... a bright light starts to cover my eyes again.

"Hoy Zoe! Tanghali na, lahat ng tao sa kapitbahay natin naka ligo na at naka kain ng almusal, ikaw nakahilata ka pa diyan?! Aba'y gising na Oy!" pasigaw na sambit ni Hana habang binubuksan ang kurtina sa aking kwarto.

Ahhh, bad dream again, when will I be free with this bad dream?

Dahan dahan akong bumangon sa aking kama, tinatakpan ang liwanag ng araw na nakatutok sa aking mga mata, umupo ako sa kama, kinapa ang aking tsinelas at bumangon. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos ng mukha, mag mumog at umihi na palagi ko nalang ginagawa tuwing pag gising ko.

"Oh nagluto na ako ng paburito mong hotdog at itlog with fried rice, kain na tayo." sabi ni Hana habang nag aayos sa lamesa.

"Bakit walang kape?" naka simangot kong tanong

"Aba'y mag grocery ka kaya? Minsan iniisip ko kung kaibigan mo ba talaga ako o katulong? Pasalamat ka naman at pinagluto kita ng agahan natin" masungit na sagot ni Hana

"Sorry naman, hindi na naman maganda ang gising ko, napanaginipan ko na naman siya"

"Zoe, 6 years na ang nakakalipas, 27 kana ngayon, mag move on ka naman girl, si Maine nga nakahanap na ng Arjo, ikaw kaya kailan ka makaka move on kay 'he must not be named' na yan" sambit ni Hana na may lamang kanin ang kanyang bibig na sarap na sarap sa niluto niyang agahan

Tinignan ko siya ng masama, hindi na ako kumibo at kumain na rin ako ng agahan.

Si Hana ang aking bestfriend, long lost sister, sister from another mother, girlfriend, at kasambahay(kasama sa bahay). Naging magkaibigan kami simula 1st year highschool hanggang sa pareho na kaming may trabaho. Ngayon, business partners kami/assistant ko siya sa itinayo naming Photo Studio. Alam niya lahat ang mga ganap ko sa buhay, siya ang karamay ko sa hirap at ginhawa. Lalo na nung iniwan ako ni Arone.

(Year 2005, 1st year High school)

1st day of class.

"Good morning ma'am and good morning classmates, my name is Zoe P. Marquez, I'm a transferee from a public school, and I'm looking forward to be friends with you. Thank you."

Recess Time

"Hi Zoe, ako si Hana, transferee din ako, okay lang bang sabay na tayo kumain?"

Doon nagsimula ang friendship namin ni Hana. Nagkasundo kami sa halos lahat ng bagay, parehas kaming mahilig kumanta at sumayaw, manood ng horror movies at higit sa lahat KUMAIN!
Naging magkaklase kami mula 1st year high school hanggang 4th year. Ang huling taon ng aming high school life pala ang siyang magbibigay kulay sa aming blanko na buhay, dahil dumating si Arone Reyes.

"beshie, may bagong classmate daw tayo, galing sa America, base sa nakuha kong chika, gwapo daw, matangkad, singkit at maputi!" kilig na sambit ni Hana

"naku besh, wala akong pakialam sa chika mo, 4th year tayo uy, graduating na tayo. Hindi tayo dapat magpa apekto sa bagong transferee na yan" sagot ko sa kanya habang gumagawa ng assignment sa English na ipapasa namin after lunch

"nandyan na siya"
"nandyan na si maam kasama bagong classmate natin"
"Shocks! buhok palang nakita ko sa kanya pero ang gwapo na"

Napahinto ako sa pagsagot ko sa aking assignment dahil sa mga bulong at sambit ng aking mga kaklase. Dahan dahan kong nakita ang aming guro na papasok sa aming silid aralan, at nakita ko nga ang isang lalaki na sakto ang tangkad, medyo singkit ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at nung ngumiti siya, natunaw ako bigla nung nakita ko ang pamatay niyang dimples.

"Hey guys, I'm Arone Reyes, I'm a transferee from US, yeah, I hope we can get along in the future." at ngumiti siya pagkatapos niyang sambitin ang panghuli niyang salita

Para akong natunaw nung makita ko ang mga ngiti niya, tumibok ng mabilis ang puso ko na parang pagod at sobrang kaba. Sinundan ko sa aking mga mata kung saan siya papunta, nagulat ako nung dahan dahan siyang lumalapit papunta sa akin, tumingin siya sa akin at ngumiti na naman.

"HI! Is this seat taken?"

"Uuhhh ahhh, No? I'm single"

Natauhan ako nang marinig kong tumatawa ang aking mga kaklase, kinurot ako ni Hana at sabay sabing "Hindi pala magpapa apekto ah? Pero mas mukhang ikaw ang apektado sa ating dalawa"
Nakakahiya! Nakita kong tumawa siya at parang napahiya ako sa aking sinagot, bakit nga ba "I'm Single" ang sinagot ko?! Lupa, lamunin mo ako, itago mo ako at gawin mo akong invisible.

"Hey single! What's you real name?" Nagulat ako ng marinig ko ang tanong na yan mula kay Arone.

"I'm Zoe" pabulong kong sinagot

"Hi Zoe, I'm single too" sabay ngiti at nakita ko na naman ang pamatay niyang dimples.

The Last KissWhere stories live. Discover now