Chapter One: The Beginning

2 0 0
                                    

"Uy Zoe! Tulala ka na naman dyan, baka nakakalimutan mong may naka book kang client meet up today" nagising ang diwa ko sa mga sinambit ni Hana

Tulala na naman nga ako, hindi ko parin talaga malimutan si Arone, siya na ata ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single ako. Mahirap ata talaga mag move on sa iyong so called "first love".

"Hindi ah, di ko naman nalimutan, sadyang tulala talaga ako kapag hindi ako nakakapag kape sa umaga" sagot ko naman sa kanya habang tinatapos ang agahan na niluto niya

"Ako na muna mag gogrocery, ikaw na muna makipag meet kay sir Carl Santos, meet up niyo sa Starbucks sa loob ng Super Mall." bilin ni Hana sakin

"opo nanay, hindi ko po nakakalimutan." paasar ko namang sagot sa kanya

Si Hana ata ang aking guardian Angel, simula noong humiwalay na ako ng tirahan sa aking mga magulang, siya na ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay.

Panganay si Hana sa kanilang tatlong magkakapatid, kaya siguro napaka matured niya magsalita, kumilos at pagdating sa mga desisyon niya sa buhay. Hiwalay ang kanyang mga magulang kaya naman nung kami ay nagsimula na magtrabaho, kumuha kami ng isang apartment at dito na nga kami tumirang dalawa.

(Year 2009, 4th year High School)

Uwian na. Hindi ko parin makalimutan ang kahihiyan na sinapit ko kanina. Bakit ko nga ba kasi nasabi yun? Bakit ba ako nahulog agad sa nakatutunaw niyang ngiti.

Sumakay ako ng jeep, pauwi sa amin. Naghiwalay kami ni Hana dahil magka iba ang aming route pauwi. Tulala parin ako at hindi malimutan ang nangyari kanina.

Kami ay may maliit na bakery sa tapat ng aming bahay, mahilig gumawa ng iba't ibang tinapay ang aking magulang, at dahil narin sa baking, nakilala nila ang isa't isa.

"Nak, pagkatapos mo mag bihis, ikaw na muna magbantay dito sa bakery ah, magpapahinga muna ang daddy."

"opo" mahinhin kong sagot

Nakabihis na ako, dinala ko ang aking bag papunta sa bakery upang doon ko nalang gawin ang aking mga assignments.
Kumuha ako ng dalawang pirasong cheese bread at nag timpla ng kape.

"Alright! I'm ready!" Ganadong sambit ko habang kinukuha ang notebook ko sa bag

(Buzzzzzz buzzzzz)

Kinapa ko ang cellphone kong naka silent sa aking bulsa

(1 new message received)

|From: 0915123*****
Hi babe!

Sino kaya tong hinayupak na na wrong send sakin?!

|Reply to: 0915123*****
Wrong send?

(buzzzzzz buzzzzz)

(1 new message received)

|From: 0915123*****
Nope, it's me, Arone :) Zoe, right?

OMG! Bakit alam ni Arone ang number ko? At bakit babe?

Pinipigilan ko ang kilig, kahit ang totoo kinilig talaga ako dahil nag message si Arone sa akin, pero kanino nya nakuha ang number ko? O baka naman si Hana lang to na nagpapanggap bilang Arone? Dapat hindi tayo magpalinlang

|Reply to: 0915123*****
Hana, ikaw to noh? Pinagtitripan mo lang ako nyan eh, gumamit ka pa ng ibang number ah, hindi mo ako maloloko, kilala kita, may "Babe" at "Arone" kapa nalalaman dyan!

(0915123***** is calling)

"Oh ako na naman pinagtitripan mo Hana? Nakakahiya na nga yung nangyari kanina tapos pinagtitripan mo pa ako"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon