Chapter 3

601 29 0
                                    

ALEYNY POV

Nang makauwi kami dito sa bahay pagkagaling party ay agad na kinuha ni Keith ang gamot. Agad kasing nawawala ang sakit ng ulo ko kapag naiinom ko ang gamot ko. Yun nga lang di ko alam ang pangalan ng gamot. Si Keith kasi ang bumibili.

" Mommy are you ok na? " tanong sa akin ni Tintin.

" Ayos na ako. Tumaas na kayo sa kwarto nyo para makapagbihis at makatulog na kayo. Don't forget to pray " bilin ko sa kanila at hinalikan sila.

Kami na lang ni Keith ang nandito sa sala. Kita ko sa mukha ang kaba at pag-aalala. Natural na sa akin ang pagsakit ng ulo pero iba ang pag-aalalang nakikita ko sa mukha nya.

" Honey " lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Ang lamig ng mga palad nya. " Ok na ako kaya wag ka ng mag-aalala " sabay ngiti ko sa kanya pero bigla nya akong niyakap

" Honey I'm sorry kung di ko maiwasan ang pagiging OA ko kapag sumasakit ang ulo mo. Natatakot lang naman ako na... "

" Na ano Honey? Wala ka naman dapat ikatakot " hinarap nya ako sa kanya at hinalikan nya ako. Yung halik nya parang may gustong ipahiwatig.

" Mahal mo ako  at mahal mo rin ang mga anak natin diba? Hindi mo kami iiwan diba? " tanong nya sa akin. Naguguluhan ako sa mga inaasta nya ngayon.

" Kailangan ko pa bang sagutin yan? Dahil kahit ikaw alam mo ang sagot sa tinanong mo. Hindi ko kayang mabuhay ng wala kayo kahit ano mang mangyari " paliwanag ko sa kanya. Bigla nya uli ako niyakap ng mahigpit.

" Honey parang gusto kong magka-anak tayo "

" Sira may anak na tayo "

" I mean gusto kong masundan na si Dandan " bigla syang tumayo at binuhat ako na bridal style

" Ibaba mo nga ako Honey " natatawa kong sabi sa kanya.

" Ano gusto mo babae o lalaki? " nakangisi nyang tanong.

" Hoy napag-usapan natin toh. Sa isang taon pa natin susundan si Dandan. Ang babata pa ng anak natin " bigla naman syang nag-pout sa sinabi ko kaya hinalikan ko sya sa labi.

" Sige na nga " ibinaba nya naman ako " Bakit ba kasi nauso ang family planning " bulong pa nya sa sarili nya. Kahit kailan talaga ang asawa ko.

LAY POV

" Sh*t! si Angela yung kanina. Nakita ng dalawang mata ko! " sabi ko sa kanila.

Nandito na kami ngayon sa may sala dahil tapos na ang party. Si Laurence, Jaizel, Daddy, Dennis at ang asawa ko, si Xyrel. Si Mommy nasa taas na para makapagpahinga.

Ang tagal na ng lumipas pero hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa na mahanap si Angela. And now nakita na namin sya pero iba ang personal appearance nya. Nagmatured na sya.

" Sigurado ka ba dyan na si Angela nga ang nakita mo? " tanong ni Xyrel.

" Kilala ko ang kapatid ko. Nararamdaman ko na sya si Angela kahit Aleyny pa ang pangalan nya " sagot ko sa kanya.

" Si Angela nga yon " napatingin kami kay Laurence na nakatitig lang sa lamesa na nasa gitna namin. " Yung itsura nya, yung boses nya, yung ngiti nya. Sya nga si Angela "

" What are we going to do? Hindi lang natin pwede basta basta kuhanin sya. " sabi naman ni Dennis.

" I will hire private investigator para alamin ang background ng mga Paulis " singit ni Daddy sa amin.

" Pero may anak na sya. Hindi lang isa kundi dalawa kaya possibility na kahit maalala nya ang lahat ay paliin pa rin nya si Keith " sabi ni Jaizel.

Remembering My First Strict LoveWhere stories live. Discover now