Badass 14

1K 27 45
                                    

" 105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you."

ENJOYYYY READING!!
»»--⍟--««


JUSTIN

Nandito ako ngayon sa kuwarto ni Stell at tinutulungan si Stell mag impake ng gamit para sa pag alis namin bukas.

"Justin!"

Napatigil ako sa pag aayos ng gamit ng bigla akong nakarinig ng isang boses na tumatawag sa pangalan ko.

"Sino yun?"tanong ni Stell sa akin.

"Justin baby please talk to me!"

Sigaw ulit nito.. Nasa labas kaya si Ken? Ano ginagawa niya dito? 9 na ng gabi ah?.

"Ken! Tumigil ka na wala na nga sabi dito si Justin!" rinig kong sabi ni Kuya Yani sa labas.

"hindi! Alam kong tinatago nyo lang siya! Justin will never leave me!" sabi ni Ken.

"ang tigas talaga ng kokote mo Ken! Wala na nga siya sabi! Kahit I-check mo pa ang kuwarto niya!" sigaw ulit ni Kuya Yani.

"Magtago ka dito bilis"sabi ni Stell at binuksan yung pintuan ng CR.

"Diyan Ka lang, also talikod baka makita mo ang flawless kong katawan"sabi niya napairap na lang ako at sinunod siya.

*Bang*

"Justin!" rinig kong sigaw ni Ken.

"diyan ka lang"sabi ni Stell. Lumabas siya ng CR habang naka tapis ng tuwalya sa ibaba, basa din ang buong katawan niya pati na din ang buhok, para bang bagong ligo.

"What are you doing here?"sabi ni Stell.

"nasaan si Justin? Ilabas nyo siya!"sigaw ni Ken.

"He's not here anymore, nasa States na siya, susunod ako sa kaniya pati na din sina Athena."rinig kong sabi ni Stell kay Ken.

"NO! Nagsisinungaling kayo! Hinding-hindi ako iiwan ni Justin!"sabi ni Ken.

"kung hindi kaniya iiwan, bakit wala na siya dito? Give up Ken.. Just Accept the fact that Justin is not here and didn't love you anymore."sabi ni Stell

"No! I will not! Sabihin na lang natin na umalis na talaga siya dito! Pero yung pagmamahal niya sa akin? Hinding-hindi iyon mawawala!"sabi ni Ken.

Hindi ko mapigilan ang mga luhang kanina pang umaagos sa aking mga pisngi. Bakit ba kasi ganiyan ka Ken? Mahihirapan ako nitong umalis at iwan ka.

"paano kung wala na siyang nararamdaman sayo."tanong ni Stell.

"Then if that's happend I will win his heart again, the same thing I did to him when I was still courting him."sabi niya kay Stell.

Narinig ko yung mga yapak niyang papaalis sa kuwarto ni Stell. Yung mga luha ko kanina ay mas lalo pang bumuhos ng malakas dahil sa mga narinig kong salita mula kay Ken.

"Wala na siya Justin"sabi ni Stell. Huminga muna ako ng kaunting oras bago lumabas ng CR. Nakapag bihis na si Stell ng kaniyang panibagong damit. Lumapit siya sa kin at niyakap ako.

"iiyak mo lang yan Justin."sabi ni Stell sa akin. Kaya yimung mga luhang pinigilan ko kanina ay mabilis na lumabas.

"S-stell... B-bakit ba ga-ganito ako?"sabi ko sa kaniya.

"Dahil mahal mo pa yung tao Justin.."sabi niya sa akin.

"sa tingin mo Stell. Tama itong gagawin ko?" tanong ko sa kaniya.

My Bad ASS Boyfriend [KenTin FF]✔️Onde as histórias ganham vida. Descobre agora