Chapter 17

85 11 32
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"Sino 'yon?"

That's been Kael's question since he saw us walking pass Darren at the garden. Nagkataong napadaan siya roon dahil hinahanap niya kami. He wanted to tell us the news about the dance competition. I let him say the news kahit na alam ko na 'yon dahil ayaw ko namang magmukhang hindi interesado sa sasabihin niya. And damn it, he looked so excited while he was talking to me.

"Elle, sino 'yon?" Pag-uulit niya. Kanina pa tumitikhim si Monica sa tabi ko. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. I looked at him with confused eyes but he stared back at me with the same emotion.

"Wala nga," I said for the third time. Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko kaya humarap ako sa kanya. "Do you not trust me?"

"I do, but I don't trust the guys around you," he said and smiled weakly.

I laughed at him. "Trust me, Kael. I should be the one jealous after tonight," I said. Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin sa 'min si Monica at napangisi. "What?" I asked her.

"Alam niyo kayo, sana all," sabi ni Monica at tumawa. Dumiretso kami sa swimming pools ng SMC at nakita kong magsisimula na ang competition ni Yana. Agad kaming tinawag nina Kate at Julius na nag-reserve pa ng upuan para sa 'min.

"Oh magkasama kayo? 'Kala ko mag-aaway na naman kayo e," sabi ni Monica at inirapan lang siya ni Kate. Napahampas si Kate kay Julius noong hinawakan nito ang kamay niya.

"Kadiri kang punyeta ka!" Sigaw ni Kate. May ilang napalingon sa 'min. Maski ang ilang swimmers na nag-iinat bago magsimula ang laban. "Tangina ka, Eugenio, 'wag ka sanang magka-girlfriend."

I saw Yana sitting on the cold floor, wearing her racerback swimsuit. She was hugging her legs while staring straight at the pool. Katabi niya si Angelo na naka-black jammers at walang pantaas. So the rumors were true? Angelo's body is really hot! Maski si Yana ay sinabi noong gabing nag-rant siya patungkol kay Angelo.

"Ano ba ang kinagagalit mo kay Angelo, ha?" Tanong ko habang nagtitimpla ng kape. I need coffee para magising ako habang nagre-review! Two days and UniLympics will already start!

['Yung pagiging arogante niya, 'yung pagiging mayabang, 'kala mo naman ang pogi! Hindi porket maganda ang katawan niya ha! 'Di porket may abs siya na mas lalong magandang tignan kapag nags-swimming siya ay mambubwisit nalang siya! Nakakainis, may papatol kaya roon?]

Hindi na ako sumagot. Narinig ko nalang ang pagbuntong-hininga niya at pinatay niya ang tawag.

Yana, alam mo ang sagot sa tanong mo. Sinong papatol kay Angelo? Syempre ikaw, crush #1 mo 'yan e. You'll do anything para sa kanya. You told me that you'll do anything to get your #1.

I saw Yana smiling sadly while heading for the changing room. Na-delay ang simula ng laban dahil may nangyaring technicality. Hindi na ako nagdalawang-isip na tumayo at lumapit kay Yana. I ignored Angelo and went straight to the room she went. Napansin ko ring sinundan ako ng tingin ni Angelo pero iniwas niya rin kaagad 'yon noong nagtama ang tingin namin.

Nakita ko siyang nakaupo sa sahig, yakap-yakap ang legs niya, habang umiiyak. Agad ko siyang dinaluhan at inihilig ang ulo niya sa balikat ko.

"Yana, what happened?" I asked her. Hindi siya kaagad sumagot, sa halip ay humikbi lang siya roon. Kahit na anong punas niya ay tumutulo pa rin ang luha niya.

"Yana talk to me, anong nangyari? Did Angelo say something to you? What happened?" I said, panicking. This is the first time I saw her crying like this. Kung iiyak man siya ay hindi naman ganito ka-grabe.

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora