S.L.N.R. FINALE EPISODE

13.1K 169 28
                                    

#SaLikodNgRehasM2M

FINALE…

 

1 YEAR LATER…

 

  Papasok na ng trabaho si Christian. Kasalukuyan siyang naglalakad sa gilid ng kalsada. Walking distance lang ang layo ng pinagtratrabahuhan niya kung saan regular na siyang empleyado. Isa na siya ngayong janitor sa isang sikat at respetadong kumpanya. Hindi ganun kalakihan ang sweldo pero sapat na para sa kanya iyon. At least, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanyang hindi maganda, nagkaroon naman siya ng opurtunidad at pagkakataon para makapagsimula muli.

  Kitang-kita sa mukha ni Christian ang kasiyahan nito. Maaliwalas ang mukha nito na nagpagwapo sa kanya. Kahit papaano’y nagbago ang pisikal na anyo niya. Medyo lumaki ang kanyang katawan, pumuti rin ng konti at nagkaroon ng proportion ang kanyang mukha. Kung titingnan mo nga siya ngayon, gwapo na siya.

  Pero sa lahat ng ito, iisa lang ang hindi nagbago, ‘yun ay ang itinitibok ng kanyang puso.

  Pilitin man niya ang sarili na tumingin sa mga babae. Pilitin man niyang magmahal ng babae. Sa huli ay nabibigo pa rin siya dahil hanggang ngayon, iisa lamang ang itinitibok ng kanyang puso… Si Khalil.

  Kumusta na kaya siya? Nakalaya na rin ba siya gaya niya? Simula ng lumaya si Christian sa kulungan, ni minsan hindi niya nagawang makadalaw sa kulungan. Gusto nga niyang dalawin si Mang Damian at Janno pero nag-aalangan siya dahil nandun si Khalil.

  Pinilit niyang kinalimutan si Khalil pati ang nararamdaman niya para dito dahil mali ito. Pero nabigo siya dahil kahit hindi man niya nakikita si Khalil, mas lalo namang lumalim ang nararamdaman niya para dito. Parang nakadikit na ito sa puso ni Christian. Pinabayaan na lang niya baka sakaling kung hindi niya pilitin na kalimutan si Khalil, baka kusa na lang na mawala itong nararamdaman niya.

  Bakit ba pilit niyang kinalilimutan si Khalil at ang nararamdaman niya para dito? Simple lang, dahil alam ni Christian na walang patutunguhan ang pagmamahal niyang ito para kay Khalil. Lalaki siya at lalaki si Khalil. Mahirap para sa kanila ang maging magkarelsyon dahil hindi naman siya babae para gustuhin ni Khalil. Tanggap naman na niya iyon sa sarili niya. Hindi masusuklian ni Khalil ang pag-ibig niya para dito. Ayaw niya rin na masyadong masaktan at umasa.

  Pinipilit na lang ni Christian na maging masaya kahit papaano. At least mayroon siyang disente at matinong trabaho. May maganda pa ring nangyayari sa buhay niya kahit ang lovelife. Bokya.

  Hindi pa rin naman bading na bading si Christian kahit mahal niya pa si Khalil. Puso niya lang ang nagbago dahil nagmahal ito ng kapwa lalaki pero hindi ang pisikal niyang kaanyuan. Lalaking-lalaki pa rin siya, sa kilos at galaw. Kaya nga nakakabihag pa rin siya ng babae eh. Pero ang hindi na yata mangyayari ay ang umibig siya sa babae dahil ang itinitibok ng kanyang puso, si Khalil, isang lalaki.

  Napahinto si Christian sa paglalakad. Nanigas siya sa kinatatayuan. Nagsimulang dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Parang nagningning rin ang kanyang mga mata ng makita ang lalaking hindi naalis sa puso at isipan niya. Ang lalaking una niyang minahal at maaaring huli na rin. Hindi alam ni Christian kung ano ang dapat niyang maramdaman, nagkahalo-halo kasi. Kaba, saya, hiya at iba pa.

  “K-Khalil…” bulong na sabi ni Christian sa sarili habang nakatingin sa nakatayong si Khalil na nasa harapan at medyo malayo sa kanya.

  Nakatingin lang si Khalil kay Christian. Nakangiti. Walang pinagbago sa personal nitong kaanyuan. Mas lalo pa itong naging gwapo at makisig na lalaki.

  Kitang-kita ni Christian ang saya sa mga mata ni Khalil habang nakatingin ito sa kanya. Masaya ba ito dahil nagkita na silang muli? Dahil kung si Christian ang tatanungin, masaya siyang makita itong muli pagkatapos ng halos isang taon.

  Hindi man magsalita ang kanilang mga labi. Parang ang mga mata na nila ang nag-uusap at may mga nais sabihin sa isa’t-isa. Parang pati ang mga puso nila’y nag-aawitan at kapwa rin masaya.

  Hindi man sila magsalita, kitang-kita naman sa mga mata nila na mahal nila ang isa’t-isa. Hindi na kailangan ng salita para maiparamdam ito.

  Pagkatapos nilang maghiwalay ng hindi man lang nagkaaminan ng nararamdaman, sa wakas, ito na ang tamang panahon at pagkakataon para ang pag-ibig nila para sa isa’t-isa ay isatinig na at wala ng makakahadlang pa kahit ang bakal na rehas.

-THE END-

DATE STARTED: JANUARY 19,2015 (MONDAY)

DATE FINISHED: JANUARY 20,2015 (TUESDAY)

DATE PUBLISHED ON WATTPAD: JANUARY 24,2015 (SATURDAY)

SA LIKOD NG REHAS [BOYXBOY SHORT-STORY]  [COMPLETED]Where stories live. Discover now