PROLOGUE

18 4 2
                                    



"Loureen I promise you pag naging tayo hindi kita paiiyakin, pwede mo din gawin ang mga gusto mo hindi kita pag babawalan, pwede mo ding blah...blah.....blah.....blah....blah...blah...blah......."

Nakakabagot at Nakakapagod pakinggan yung mga lalaki paulit-ulit lang naman ang mga sinasabi, at ang speed pa nila ah kakakita lang "pag naging tayo" agad ang bungad.
bakit nga ba naman kasi ako nandito?---Ahhhh oo, dahil nanaman nga pala 'to sa walang hiya kong bestfriend na halos linggo linggo bina-blind date ako sa ibat-ibang lalake, at ako naman 'tong si tanga hindi makatangge, alam nyo kung bakit? Kasi may deal kami, na I lilibre ko daw sya ng isang linggo pag hindi ako sumipot sa mga 'to, at kapag sumipot naman ako, sya ang mag babayad ng kuryente namin sa condo this month, kala ko nga titigil sya dahil lugi sya, pero pursigido talaga syang hanapan ako ng lalaki e nakakaloka!.
kaya kahit labag sa loob ko pumupunta parin ako dahil ayoko ding maubusan ng pera kakalibre sa kaibigan ko, at heto ako bagot na bagot sa mga pinagsasabi ng bagong lalaking ka blind date ko.


"Loureen?.....loureen"


"Ano?--naririnig kita" mataray na sabi ko "Wala ka nabang ibang sasabihin?, pwede na ba akong umalis? Kasi paulit-ulit lang mga sinasabi mo eh" iritang sabi ko sa lalaking nasa harap ko marami pa akong kailangan gawin dahil may trabaho pa ako. ugh! Nakakairita!

"Hahaha parang hindi ka naman kasi interesado, parang di mo nga ako naririnig eh, kaya paulit ulit din sinasabi ko" naiilang na sabi nya kumakamot pa ng ulo


"Pasensya na ah laos na kasi yung mga sinasabi mo, narinig ko na yan dati eh, pero wala namang nangyare" sabi ko sabay tayo, nakatingin lang sya saakin habang isinusukbit ko ang bag ko  "aalis na ako salamat sa oras mo" naglakad ako ng ilang hakbang at tumapat sa kinauupuan nya, tinapik ko muna ang balikat nya bago nagsalita "promises is just a word dear, at sinasabi lang yun sa mga taong madaling maloko" i fake a smile then lumabas na ako ng coffee shop na iyon .




Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa coffee shop nayon ay napatigil ako, hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko, ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko para umalis sa pwesto ko nang nabaling ang paingin ko sa lalaking papasok sa coffee shop na pinanggalingan ko, tumigil din sya sa pag pasok at hawak nalang ang hawakan ng glass door at malapad ang ngiting tumingin sa gawi ko.



"Bakit kaya to ngumingiti sakin?, and why the fvck  my knees was trembling!"  Iritang tanong ko sa sarili ko
"Pero Matagal narin ng huli ko syang nakita pero bakit ang lakas ng kalabog ng dibdib ko?!" its been 2yrs....does that means na ganun parin ang epekto nya sa'kin?
"At bakit kung makangiti naman 'to parang walang nangyari, na parang katulad parin kami ng dati?!......Dapat din ba akong ngumiti pabalik?, dapat din bang--



Bigla  nalang akong nakabawi sa ulirat nang may tumakbong babae mula sa likod ko habang malawak ang ngiti patungo sa lalaking nakaharap saakin at buong akala ko ay saakin nakatingin na may malawak ding ngiti sa labi.
Napaiwas nalang ako ng tingin "assumerang loureen" nababaliw na ata ako pati isip ko inaaway ako.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa dibdib, bumalik yung dating sakit na sya ring nagparamdam sakin
"Omg wtf loureen anong inaarte mo? Umalis kana" pang-aaway nanaman ng isip ko, oo nga namaan kasi dapat umalis nako pero hindi naman ako makakilos sa kinatatayuan ko parang nakapako ako dito.



But after a minute as I watch them entering the coffee shop I remember something......same place, same moments, same happiness we share back then, same person whom I love and a person who promise me everything, is now with the girl who makes him more happy like I used to before.




Bumuntong hininga ako "sa akin sya nangako pero sa  iba nya tinupad woah! Amazing!!......tss! dahil sayo nag iba ang pananaw ko sa salitang pangako, dahil sayo ayoko na makarinig pa ng mga pangako at dahil sayo hindi na ako maniniwala pa sa salitang pangako" napailing nalang ako
"You prove to me that promises is just a words that's not worth to keep and hold" dali-dali akong umalis sa lugar na iyon, lakad lang ako ng lakad papuntang sakayan ng taxi nang may mabunggo ako.

"Aray!" Pabulong na daing ko pero dear masakit yun ah

"Sorry" sabi ng lalaking nabangga ko, napatingin naman ako sa kanya pero ang blanko lang ng tingin nya, may nahulog  sa gamit nya, kaya yumuko ako para pulutin yon pero tumigil din ako ng makita ko kung ano ang nalaglag nya, libro iyon at Promises ang nakalagay na title sa cover.


umayos na agad ako ng tayo at hindi narin ako nag-abala pang tulungan sya, tumingin ako sakanya habang pinupulot nya ang gamit nya
"I hate promises" I whisper and rolled my eyes, tamang tama naman na may humintong taxi sa harap ko pinara ko agad iyon at sumakay na, hindi na ako nag-abala pa ng tigna ulit sya.

"Pangakong napapako hyyyystt!....Ang pangit nga araw na 'to"

PROMISESNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ