kaya nga oo, hinayaan nalang
pikit matang sinambit:
"ikaw na ang bahala
kung ako'y magigising
kinabukasan ko'y sayo na."hindi na lumaban pa
tinanggap nalang
binalikan ang nakaraan
habang hinahabol ang hininga. . . naging mabuti naman siguro ako
kaya nga oo, hinayaan nalang
pikit matang sinambit:
"kung may bukas pa
hindi na magrereklamo
pero hindi na rin babangon
mananatili nalang na
buhay na bangkay."
YOU ARE READING
hakuna makata
Poetry". . . hindi maipagkakaila, sumuko na nga." genre: poetry // filo