Prologue

506 27 1
                                    

"You know how hard I tried, you can't invalidate—"

"Did you? Or did not? What about me? Kahit kailan man lang ba Ma'am tinanong niyo? We've been dating for over 4 years po to remind you, sa 4 years na ba 'yon naisip n'yo ba kung okay 'rin po ba ako? Pero sasabihin mo lang sa'kin na sinubukan mo?" I was quietly raving because I still respect her...In my vocation as Professor. Professor ko pa din siya.

"I-I'm sorry, t-trust me I-I tried but—"

"Your apologies will not alleviate you did, Nathalia." Diin kong saad.

Tinignan niya naman ako, nakakailang pa 'rin ang mga tingin niya gaya ng dati. Pero ngayon, sa mga oras na 'to ay hindi ko na alam ang mararamdaman. Parang gusto ko na lang mamatay, sana—sana sa una pa lang ay hindi ko na pinagpatuloy pa 'to. Kasalanan ko 'rin naman eh, alam kong mali.

"I'm really sorry, Eys," Hindi ko na siya pinakinggan at basta na lang umalis sa harap niya.

Sa pagkakataong 'to, ang daming mga katanungan na naisip ko. Ang daming gusto kong sabibin at isumbat sa kanya, pero...ito na siguro ang sign para sa'kin. Salamat na lang siguro sa 4 years.

It's better to leave, to forget, and to move-on. Wala na eh, natapos na ang salitang 'Kami' at ang mayroon na lang sa pagitan namin ngayon ay 'Strangers'. Hanggang Strangers lang pala, for four years I was with her, That two to four, ako ang kasama niya pero si Allan ang nasa isip niya.

Ako ang gusto niya pero si Allan ang Mahal niya. Akala ko...akala ko talaga sa'kin na siya kasi ako ang kasama niya. Pero ako lang talaga ang nag-aasume, ako lang ang bumubuhay at kumakapit sa relasyong 'to. Talaga nga ba'mg minahal niya man lang ako kahit katiting lang?

Do I deserved this? Masama ba akong tao? Why? Bakit sa'kin nangyayari 'to? Bakit ako lagi ang kawawa?

'I'm sorry' is inadequate to repair the harm done. Kaya ba nitong ipawala ang sakit? Hindi diba. Alam kong Mahal ko siya, pero hindi no'n mapagtatakpan ang sakit na dinadananas ko. Maaring sa mga susunod na araw ay iiyakan ko lang siya. Pero naniniwala ako na mawawala din ang sakit na 'to. Malakas ang paniniwala ko na panadalian lang ang sakit na 'to.....sa na nga.

Mas better na lang na i-reserve niya 'yung sorry sa ibang tao. Sa ibang tao na kayang matanggap ang sorry niyang 'yun. 'Yung mga taong naniniwala at magpapakatanga kasi nga 'Mahal' nila. Mahal ko pa 'din siya, hindi 'yun magbabago. Never 'yon magbabago.

Pero ito na ang tamang oras na sarili ko naman. Siguro tama nga sila, enough na ang pagpapakatanga.

I was never enough for her, sana pala pinaniwalaan ko na lang 'yun sinabi ni Ate Triangle na balang araw... Hindi na'ko ang Mahal ni Nathalia. That it was still Allan, siya pa rin sa una hanggang huli. Na panadalian lang 'yung kung ano 'man ang meron sa'min. Tama nga siya.

Hindi ko naman siya pinilit noong una, nag hintay ako. Niligawan ko siya for 3 years, I was patient for her love. But it was all useless, kasi hindi niya nga ako Minahal talaga.

I was never her first, it was Allan all along. Hindi ko naman masisi si Nathalia, student lang ako. Ano'ng laban ko kay Allan? Mayaman 'yon, gwapo, mabait, lahat na lang ata na sa kanya eh. Kaya nga ako nagkagusto sa kanya no'ng una.

Kinuha ko sa bulsa ng jacket ko ang isang maliit na itim na kahon at binuksan. Napangiti ako ng mapait at kinuha ang singsing.

"Sayang, hindi na kita maisusuot sa babaeng mahal at dapat ay papakasalan ko. Pero malay natin, na traffic lang 'yung para sa'kin." Pilit kong tumawa pero wala.

Ms. Rossi My Hot ProfessorWhere stories live. Discover now