01

4.4K 125 16
                                    





NAGISING ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko pati na rin sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Bumangon na ako sa aking higaan, upang maka pag ayos ng sarili bago pumasok sa nilipatan kong university. White polo Long sleeves with a blue ribbon necktie, at saka hanggang tuhod na haba ng palda.

"Good morning po, manang." Bati ko kay manang siya na ang nag sisilbing nanay namin kapag wala sila mommy, since busy sila sa business namin sa ibang bansa. Kaya naman madalas boring dito sa loob ng bahay. 

"Goodmorning rin hija, hindi parin ba gising ang ate mo? tang hali naku." Tanong ni manang sa akin, wala pa kasi si ate mukhang tulog pa o baka nag aayos isang oras pa naman yun bago maka tapos sa pag aayos nya. 

"Baka po nag aayos pa." sabi ko.

"Ganun ba, halika na at kumain kana na ng umagahan baka mahuli ka pa sa unang araw mo."

Naka ngiting sabi sa akin ni manang kumuha naman ako ng kutsara at tinidor nag sandok ako ng kanin at kumuha ng favorite kong bacon. Habang nakain ako bumaba mula sa taas si ate Hiraya.

Pag ka tapos naming kumain sabay na kami pumasok ni ate. Hindi na ako bago sa university na papasukan namin. Sana naman sa magandang section ako mapunta, ayoko dun sa magulo. Ayoko pa naman ng maingay.

Hindi nag tagal naka rating na din kami ni ate sa university, nag park lang sya ng kotse sa parking lot bago kami pumasok. I'm third year highschool kaso lumipat kami ng bahay kaya ayon, lumipat na rin kami ni ate ng university kasi mas malapit ito kesa sa dati namin na univ.

"See you around sis, love ya! Zianna!"

"You too ate, love ya!"

Nag simula na akong mag lakad may nakasalubong akong mga babae na halos gawing coloring book yung mga mukha nila sa kapal ng mga make up nila. I dont understand kung bakit pinapayagan ng university ang ganong student na napaka kapal ng make up. Para tuloy silang hinahabol ng mga crayons. Hay nako, sana naman hindi sila ang maging classmates ko mawawalan lang ako ng gana pumasok. 

Dumaan muna ako sa dean's office para kuhanin ang id ko, pag ka tapos ay dumeretso na ako. Kinuha ko sa bag ko ang phone ko para tignan kung anong section ko pati na rin ang schedule ko. Napaka layo pala ng room ko jusmeyo! 

A-5 pala ako. what on earth! ito yung last section eh! madaming nag sasabi na kapag daw nasa last section ka, araw araw ang away. Sigurado akong mga basag ulo ang mga nandiyon kainis. 

"Aray ko naman!" Sabi ko. Na out of balance ako dahil dun sa mga harot na babaeng nag sisitakbuhan ni isa sa kanila ay walang pumansin sa akin. Masakit 'yun ha. "Hawak."  Nag taas ako ng tinggin. Jusme! sino nanaman po ito! Ang gwapo ng mukha niya, para syang yung mga naiimagine kong character sa mga wattpad stories na nababasa ko. Shit!

 "Wala ka bang balak tumayo?" Supladong sabi nito sa akin. Ngayon ko lang nalaman na inilalahad nya pala sa akin ang kamay nya. Walang pag aalinlangang inabot ko ito. "Salamat!" 

Pasigaw kong sabi tumalikod na ito sa akin at tuluyang nag lakad papalayo. Tumingin ako dun sa mga babaeng hindi lamang nag sorry sa akin. Isang lalaki ang pinag kakaguluhan nila. Mataas na lalaki yun, at isa lang ang masasabi ko. Gwapo sya. 

Ayoko pa sanang umalis kaso ilang minuto nalang at mag sisimula na ang first period. Nilisan ko na ang lugar na 'iyon at nag lakad na patungo sa room ko. Kinakabahan ako, at hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. 



WE FOUND LOVE IN LAST SECTION (COMPLETED) Where stories live. Discover now