Chapter 4

1.1K 43 1
                                    

Chapter 4

Jennie's POV

"Uy jenduek! Tulala ka jan? Kanina ka pa ah hanggang makarating dito sa bahay. Anyare ba?" pagtatakang tanong ni chaeng na ikinangiti ko

"Ahh wala! Kumain ka na nga lang jan dami nito nisasabi" pagtataray ko. Ayoko muna sabihin sa kanya kasi baka mamaya asarin nya lang ako.

Tahimik kaming kumakain dito dahil kahit kausapin ko si Chaeng ay di to kikibo dahil nag coconcentrate siya..

Sa pagkain :)

Pagkatapos namin kumain ay lumabas ako saglit sa veranda at nagmuni muni..di talaga mawala sa isip ko si Manoban. Ewan ko ba! Hays inlove na ba ako? Jusko naman jennie oh! Pano kung ligawan ka nya? Pano na? Nasabi ko pa naman kay chaeng na...

Flashback

"Yan ka nanaman eh maghanap ka na nga ng gf para di ako yung nilalandi mo jusko 25 ka na pero tignan mo wala ka pang jowa ang hina mo naman chae!" pang inis kong sabi sa kanya at ang gaga ay dinilaan lang ako sabay sabing

"Wow naman nagsalita ang 26 yrs old na NBSB/NGSB, hiyang hiya ako sayo huh!" pang aasar nyang sabi at taena sakit nun ah! Well I dont fucking care wala pa sa isip ko yan.

"Wala pa sa fucking mind ko yan kaya kung meron mang magtangka na manligaw sakin, bitch never! Over my fucking gorgeous body." pagyayabang ko na sabi at biglang nag iba ang mukha niya at di sumasang ayon sa sinabi ko

End of flashback

Arghh!!! Ano ba jennie ang advance mo naman mag isip tsk. Kakakita niyo pa lng iniisip mo na agad na liligawan ka nya pft.

Pero baka maisipan nya talaga na ligawan ako pag nagkita kami ulit? Sa ganda kong to di nya ko liligawan?? Grabe naman ang pagkabulag nya. Ganda ganda ko eh.

Oh bakit angal ka? Tsk

"Uy Jennie Kim, bakit mo ba kinakausap sarili mo ha? Naririnig ko pabulong bulong mo jan?"

"Anak ng..kanina ka pa jan? Ginulat mo naman ako bigla bigla ka na lng sumusulpot." Irita kong sabi sa kanya na syang ikinangisi nya lang.

"Ay sorry naman! Nagugutom kasi ako eh samahan mo naman ako sa Restaurant ko oh! Ayoko pumunta mag isa eh." Pagmamakaawa nyang sabi sakin.

Ay nako kahit kelan talaga chaeyoung!!!

"Hays pwede ba tigilan mo ko sa katakawan mo? Kakakain lang natin eh pftt." pagtataray na sabi ko sa kanya.

"Sige na jenduekie!!! Pleaseee libre na lang kitaaaa may milk ice cream don sa restaurant ko remember?? Yieeee samahan mo na kasi ako.." pagmamakaawa nyang sabi na ikinaliwanag naman ng mukha ko. Milk Ice cream yun eh tatanggihan ko pa ba?

"Ayshhh sige na nga, kahit kelan ka talaga nang uuto ka lang eh." Pagtataray kong sabi sa kanya at ikina ngisi nya lang.

Malulugi ung restaurant nya sa ginagawa nya eh.

===================

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa restaurant nya

@RosèsResto

Pagkapasok na pagkapasok namin ay binati kami ng mga waiter/waitress pati guard. Ramdam ko din na nagtinginan samin ang tao na kumakain. Sa ganda ba naman naming ito di sila mapanganga? Tsk

"Good pm Ms. Park, Ms. Kim.." bati samin ng manager ng resto ni chaeyoung

"Good Pm din." sabay na sabi namin ni Chaeyoung. Mabait naman ako basta mabait sakin.

"Uhmm Ms. Pearl please give us the menu." utos ni Chae at agad na binigay sa kanya ang Menu.

"Thanks. Come on Jen dun tayo sa VIP table." pag aaya ni Chae

Sa VIP table para walang istorbo HAHAHAHA

"So...tell me what happened? Kamusta ang araw mo Jendeuk?" panimula ni chae na ikinalunok ko naman.

Sasabihin ko ba sa kanya ung tungkol sa pagkita ko kay Manoban? Tsk. Di ko alam.

"Ayos naman, Nakakatuwa na nakakaasar."
sabi ko at ikinakunot naman nya.

"What? Mind to talk about it?" Nakangiti nyang sabi sakin

Third person's POV/ AUTHOR

Ikinuwento ni Jennie ang lahat simula umpisa hanggang dulo habang sila ay nag aantay ng pagkain na inorder ni Chae.

"Tapos alam mo ba, I saw a beautiful police woman. She's beautifully handsome..arghh!! I can't explain basta! I think she's a bisexual." Na eexcite na sabi ni Jennie at abot tenga ang ngiti nya

"Really?? Don't tell me you already fall inlove with her na ah? Kakakita niyo lang.."
taas kilay na sabi ni chae na siya namang ikinalunok ni Jennie.

"Ofcourse not ano ka ba nam-" naputol ang sasabihin sana ni Jennie ng magawi ang tingin nya sa pumasok sa pintuan ng resto. Napanganga lang si Jennie at natulala kay Lisa.

Isang magandang police woman na kanina lng nila pinag uusapan.
Nakasuot ito ng Black Leather Jacket, white tshirt, nakapony ang buhok nito at tuwid na tuwid ang bangs. Para siyang real life barbie. Kung tutuusin.

"Uyy Jennie Kim! Yung ice cream baka matunaw..huy!" pagkuha ng atensyon ni Jennie pero di nya nakuha ang pansin nito at nakatingin lamang kay Lisa na kasalukuyan na umoorder.

"Hindi yung Ice cream yung matutunaw Chae..ako ata." sabi ni Jennie na ikinatawa naman ni chae

"Anooo??? Nababaliw ka na Jennie Kim." pailing iling na sabi ni Chae at nilingon ang tinitignan ni jennie.

Ngayon mga kaibigan, silang dalawa na ang nakatulala sa counter, si Jennie nakatulala kay Lisa, samantalang si Chae naman ay tinititigan si Jisoo..yes everyone si Jisoo Kim!! Ayan na siya!!

"Uhmm, Maam Kim? Maam Park? Ayos lang po kayo? May kailangan po ba kayo?" Lapit na sabi ng waitress.

"Siya..s-siya ang kailangan ko." nakatulala paring sabi ni Chaeyoung.

"Maam? Ano po?" takang tanong ng waitress

"No, nothing, just continue working." Pantataboy ni Jennie dahil nahaharangan nito si Lisa na ngayon ay nag aabang ng order.

Hanggang ngayon ay sinusundan parin nila ng tingin si Jisoo at Lisa.

Di na sila nakakain sa ginagawa nila :)

=====================

Habang nakain sina Jisoo at Lisa ay nakaramdam sila na parang may nakamasid sa kanila.

"Hoy manok! Nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko?" taas kilay na sabi ni Lisa

"Maka manok naman tong unggoy na to, pero actually I'm feeling something na parang may nakamasid satin." nakakunot na sabi ni Jisoo

"EXACTLY!!" pasigaw na sabi ni Lisa at nahampas pa ang mesa.

Nagulat si Jennie at Chaeyoung dahil sa ginawa ni Lisa kaya pinagpatuloy nila kunwari ang pagkain at tinigil ang pagtitig.

Lumingon lingon si Jisoo sa paligid kung meron nga bang nakatitig pero turns out wala naman.

"Pero baka guni guni lng natin un ha." sabi ni Jisoo habang nanguya.

"Baka nga..." sabi ni Lisa at lumingon lingon din sa paligid.

Natigilan si Lisa ng makita nya ang babae na gusto nya ulit makita.

"Atty. Jennie Kim." mahinang sabi ni Lisa sapat lang na sya ang makarinig.

Nakatingin siya ngayon kay Jennie na masayang kumakain at dinidilaan ang ice cream na parang bata.

Habang nakatitig si Lisa kay Jennie

Sa kabilang banda naman ay napatingin si Jennie sa gawi ni Lisa.

At nagtagpo ang kanilang mga mata.

One Step CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon