PROLOGUE

206K 2.5K 26
                                    

          "I WANT you to marry me," walang abog na wika ni Rain pagkapasok na pagkapasok niya ng opisina ng binata.

"What?"

"Let me rephrase that; I need you to marry me."

"Nababaliw ka na, miss," naiiling na ani ng binata.

"Perhaps," kibit-balikat niya.

"I don't have time for jokes, Miss Gutierez."

"As am I, Montreal." Nang wala siyang nakuhang reaksyon mula rito ay napabuntong-hininga siya. "C'mon, Liam! Matagal nang pinagpaplanohan ng mga magulang natin 'to. Fetus pa lang ako'y alam ko nang ikaw ang mapapangasawa ko. It's so long overdue."

"And I care because?"

Ngumisi siya. "You should care because you need me."

Tumaas naman ang kilay nito na tila ba inuudyok siyang ipagpatuloy ang kung anuman ang sinasabi niya. Suot ang 5 inches niyang sapatos ay dahan-dahan niyang tinungo ang office desk nito at umupo sa ibabaw niyon. Nakita niya kung paano dumaan ang isang partikular na emosyon sa mga mata nito ngunit agad din namang nawala 'yon nang tumikhim ang binata at pinanatili ang seryosong ekspresyon ng mukha.

"Read it," aniya nang mailapag sa ibabaw ng mesa ang kanina'y bitbit niyang brown envelope. Binuksan naman nito 'yon at binasa,

"As long as hindi mo 'ko pinapakasalan, Montreal, hinding-hindi mapapasa'yo ang kahit na anumang negosyo o ari-ariang meron ang mga Montreal."

"And why would I believe you? Malay ko ba kung gawa-gawa mo lang ang mga 'yan?"

Sinamaan niya lang ito ng tingin. "Pinanganak lang akong maldita pero hindi naman ako pinanganak na sinungaling. Tangina nito, gagawin pa akong scammer."

"Mouth," sita nito.

"You don't care about all these pero you care about the bad words I use? Ayos ka rin, eh, no?"

"You know what? For a pampered princess who lived a luxurious life, masyado kang palengkera."

"Pake mo ba? Eh, lumaki ako sa lola ko sa probinsya. Hindi naman ako katulad mo na pa States-States. Unlike you who played in the snow, I played patentero, piko and chinese garter with my probinsyana friends." Umakto siyang nag-iisip. "Marami pa 'yon, eh, 'di ko lang maalala."

Tinitigan siya nito. He looked so amused. "You're too talkative," komento pa nito.

"I know. Anyways, ano na? Pakakasalan mo na ba ako? Will you say I do? Should we arrange our wedding na? I already have a guest list pero kung gusto mong dagdagan paki-message na lang ako sa messenger kung sino'ng idadagdag, ha, Montreal?"

"I'm sorry, Gutierez, but I'll have to decline your offer. You see, I already have a girlfriend."

Tumaas ang kilay niya. "Talaga? May pumatol?" She smirked. Sinamaan naman siya nito ng tingin. "Anyway, sorry ka rin, I don't take rejections. I always get what I want, Montreal. So, may girlfriend ka man o wala, pakakasalan mo 'ko. You will break up with her and marry me."

Bumuga ito ng hininga, tila ba nauubosan na ng pasensya sa kanya. "Makulit ka rin, eh, 'no? Tell me, why are you so hell bent on marrying me?"

"I already told you, didn't I? I need you."

"I'll be needing a lot more details if I'd happen to consider your offer, Miss Gutierez. Hindi sapat ang 'you need me' para mapapayag mo 'ko sa gusto mo o ng mga magulang natin. Because unlike you, I don't need you as much as you think. I don't really care about my inheritance. I have my own name in the business industry and I have influence even without my parents' name."

The CEO's New Secretary Is His WifeWhere stories live. Discover now