PAHINANG PANIMULA

78 6 0
                                    

Simula.

Halos labing dalawang taon ding umasa si Avrielle Jazz na isang araw ay maalala siya ng kaniyang mga magulang na noon ay nasa labas ng bansa, ngunit kahit sumapit pa ang mga pasko't kaarawan niya'y walang tawag o mensaheng natanggap si Avrielle sa mga ito. Wala silang komunikasyon sa loob ng maraming taon na iyon o kahit kamustahin siya ay hindi niya man lang narinig sa mga ito. Bagay na ikinaiinis ni Avrielle sa kanila.

Sino nga ba namang matinong magulang ang magagawang kalimutan ang anak nila sa loob ng maraming taon? Iyon ang mga katagang hinding hindi nawawala at talagang nakatatak na sa isipan ni Avrielle. Minsan pa nga ay palihim niyang hinihiling sa sarili na sana ay sabihin ng kaniyang lola na ampon lang siya kaya hindi siya kinakausap ng mga magulang niya. Na hindi niya ito tunay na mga magulang kaya gano'n na lamang siya kadaling baliwalain ng mga ito, pero hindi niya iyon ang marinig sa kaniyang Lola sa halip ay lagi nitong sinasabi sa kaniya na baka raw talaga ay abala lang ang mga ito. Marami raw kasing inaasikasong mga negosyo at kompanya ang mga magulang niya sa labas ng bansa ngunit hindi naman na bata si Avrielle para paniwalaan ang mga salitang iyon! Wala na bang ibang paraan? Ilang minutong isturbo sa ginagawa nila para kahit magtext man lang sa kanila at kamustahin ang kalagayan ng anak na iniwan nila? Iyon ang hindi maintindihan ni Avrielle sa mga magulang niya at kahit ilang ulit pang sabihin ng lola niya sa kaniya, wala pa ring magbabago sa nararamdaman niyang inis sa mga ito.

Sa totoo nga ay masaya na ang buhay ni Avrielle Jazz sa Probinsya kasama ang kaniyang Lola Tecy kahit hindi niya na makilala pa ang kaniyang mga magulang. Sapat na sa kaniya kahit sila lamang dalawa. Sa probinsiya kasi malaya si Avrielle sa mga bagay na gusto niyang gawin—may kalayaan, nakakakilos at nakakasalamuha ang mga ka-edaran niya doon sa lugar. Para kay Avrielle kontento na siya sa buhay nila sa Probinsya kasama ang Lola Tecy at mga kaibigan niya. Ngunit ang kasiyahan niyang iyon, binawi sa kaniya nang biglang umuwi ang kaniyang mga magulang. Ang inis na nararamdaman ni Avrielle sa mga magulang niya ay mas lumalim pa nang sapilitan siyang kinuha sa lola niya at iniwan ito mag-isa sa probinsiya.

Noong sandaling iyon, palapit na ang debut ni Avrielle at kahit ayaw niya ng magarbong handaan wala siyang nagawa nang pangunahan ng mga magulang niya ang kaarawan niya. Galit ang nararamdaman ni Avrielle noong sandaling iyon hindi lang dahil wala ang kaniyang Lola Tecy kundi dahil sa pag-anunsyo ng kaniyang Ama sa lahat ng mga bisita ang wedding arrangements sa kaniya at sa anak ng kaibigan nito.

Para kay Avrielle, ang buhay niya ngayon ay walang pinagkaiba sa ibong nakakulong sa isang maliit na hawla, at lalo pang lumiliit ang hawla na iyon nang makilala niya ang Ama ng kaniyang Ina na kailanman ay hindi niya pa nakikita o nakilala simula nang magkaroon siya ng muwang sa mundo ngunit kung ituring siya ngayon ay para bang ito ang nakasama at nagpalaki sa kaniya.

------------------------------------------------------------------------
----------

DISCLAIMER: This is work of fiction. Unless Otherwise indicated, all the names, Characters, Businesses, Places, event, and Incidents in this story are either the product of the Author's Imagination or used in a fictitious manner. Any Resemble to Actual persons, living, or dead, or actual events is purely coincidental only.

Last Bullet Of Victory (On Going)Where stories live. Discover now