UNANG PAHINA

87 6 0
                                    


Avrielle Jazz

***

Sabi nila kapag mayaman ka lahat nagagawa mo, at kapag may pera ka, mabibili mo lahat ng gugustuhin mo. Sasaya ka dahil walang problemang hindi kayang solusyonan ng pera.

"Jah?"

Pero... Hindi naman pala totoo 'yun. Hindi naman pala sa lahat nangyayari. Sana nga ay gano'n ang buhay ko 'no? Yung malaya at masaya. Pero hindi e. Mas gugustuhin ko pa nga na sa Probinsiya nalang kami manirahan, hindi man kami sobrang yaman doon atleast masaya talaga ako sa kung anong uri ng buhay namin sa lugar na iyon.

"Jah..."

"Hmmm-ha..."

Muli akong napabuntong hininga sa sarili ko habang nakaharap sa isang salamin at pinagmasdan ang aking sarili rito. Sa tagal ko na sa posisyong ito, hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagbuntong hinga sa sarili ko. Wala akong kompyansa sa suot ko ngayon, Mabuti nalang talaga at komportable ako kahit papa'no sa suot kong uniporme kahit medyo hindi ko ito gusto.

Suot ko ngayon ang Xevier State University female issued uniform, isang black blazer na may gray trim lining sa may cuffs and collar part, may logo ito ng school sa bandang kaliwa at sa baba niyon nakakurba ang mga letra ng apelyido ko't initial. MARQUEZ, AJ. Sa ilalim ng blazer, suot ko rin ang white button-up dress shirt at black tie na may Xevier State University na logo rin. Nakabukas ang blazer ko ng bahagya kaya kita ang logo sa may necktie. Sa pang-ibaba naman suot ko ay ang gray pleated skirt. Exposed na exposed ang legs namin sa paldang 'to, mabuti nalang talaga at stockings ang binigay ng school sa'kin. Kulay itim na stockings kaya bagay naman sa uniporme.

Simpleng ayos lang din ang ginawa ko sa sarili ko. Naka-Wolf Cut style ang buhok ko kaya hindi na ako nagtali. Liptint, pulbo at konting blush on lang din ang ilinalagay ko sa mukha ko. Simpleng-simple lang.

"Jah, gisong na ika? Mauuri na ika sa klase mo kung diri pa ika mig-imo, Jah!"

Liningon ko ang nakasaradong pinto ng aking kwarto at napangiti. Kahit na tinatamad ay kumilos na ako para pumasok. Bago lumabas ay sinuot ko pa muna ang Identification Card ko saka binitbit ang bagpack na nasa kama.

"Jah-"

"Lola, nandito na po ako."

Salubong ko sa lola kong bahagya pang nagulat sa bigla kong pagbukas ng pinto. Naka-amba ang kamay niya na tila kakatok siyang muli sa pinto kung hindi ko pa ito binuksan. Nginitian niya ako bago binaba ang tingin sa tie ko na hindi ko alam na hindi pala maayos ang pagkakalagay, inayos niya iyon at pagkatapos ay pinagmasdan ang kabuuan ko. Lalong lumawak ang ngiti niya ng makita ang kabuuang suot ko.

"Aba aba, lang gayun-gayun man kaya talaga ka muko-apo ko. Bagay na bagay kanimo yang suot mong uniporme Avrielle Jazz, Apo..." Papuri niya.

Ngumiti ako kay lola kahit hindi ako gaanong naniniwala. Naalala ko kasi wala nga palang imposible kay lola, kahit na baduy sa paningin ng iba, bagay at maganda sa paningin niya.

Hinawakan ni lola ang mga kamay ko.

"Katulad na katulad mo talaga ang mama mo, napaka-ganda mo, Apo..."

"La..." Malungkot na tawag ko at nginitian naman niya ako.

"O tauno? Bukong matuod? Magayon ah mama mo kaya magayon man ika. Kiisay pa ba migmana ah igin? Syempre, kung uno ang puon, siya ring bunga,"

Bumontong hinga ako kay Lola at naglakad na. Sumunod din naman sa'kin si Lola at ngayon ay magkasabay kami sa pagbaba ng hagdan.

Hindi sa nagmamayabang ako pero totoong maganda ang mama ko. Hindi ko maitatangging maganda talaga siya kahit saang anggulo. Marami ang nagsasabing manang-mana raw ako sa kaniya pero sa tuwing titignan ko siya parang hindi naman, wala nga akong makitang pagkakapareho namin dalawa. Kung meron man, marahil mga mata lang ang nakuha ko sa kaniya.

Last Bullet Of Victory (On Going)Where stories live. Discover now