Chapter 37

661 11 0
                                    


Chapter 37 

Fixed  

After everything happened masasabi ko na lang na napakatapang ko at nakayanan ko pa lahat. Pagkatapos ng engagement party na yun sumama na lang ako kay Mommy at Heaven papuntang Los Angeles. 

But what I did after that engagement make my Dad be angry at me. I turn down the engagement in front of everyone and my Mom and my sister supported me at umalis na kami papuntang Los Angeles. In short we leave Dad alone. 

Alam ko na kaya niya pa rin kaming mahanap pero hindi naman nangyari yun. Siguro katulad ng ginawa namin he also abandoned us. My Mom grew up here in Los Angeles kaya may bahay kami dito. I take care of Heaven at pumupunta naman dito si Jay madalas. Hindi namin siya pinayagan na magstay dito at ganun din naman si Heaven. 

Gusto namin na ipagpatuloy na lang ni Jay yung pag-aaral niya para din naman sa anak niya yun at kay Heaven. 

"Ate!" napatingin ako kay Heaven na buhat yung anak niya.

"What?" 

"Tulala ka diyan, nandito na tayo." napatingin naman ako at nakita ko nga na nasa bahay na namin kami dito sa Los Angeles. 

We just came from the hospital para sa check up ni Heaven at ng baby girl niya because she just gave birth last week. 

"Akin na pamangkin ko." nakangiting sabi ko at kinuha si Hellary mula sa kapatid ko. 

Kung hindi siguro kami nagbreak ni Drake may ganito na din siguro kami. Naalala ko na planado na e. Planado na yung pangarap namin sa isa't isa but it all disappear. 

Nauna ng pumasok ng bahay si Mommy at nagtaka naman ako ng mapatigil siya sa may pinto. 

"Mommy," tawag ko at nauna ng pumasok at pati ako natigilan din dahil sa taong nasa harap namin ngayon. Nayakap ko ng mahigpit yung pamangkin ko. 

"Hector," bigkas ni Mommy. Napaatras naman ako ng kaunti nang tumayo si Daddy. I look into his eyes. And his eyes are not like before that is full of authority. It's completely different now. 

Mabilis na lumapit si Daddy kay Mommy at yumakap. Pero napaiyak na lang ako ng makita ko na umiiyak si Daddy habang nakayakap kay Mommy. 

"Bumalik na kayo sa'kin. Patawarin niyo na ako. Nagsisisi na ako." sabi ni Dad. I just bite my lower lip trying not to sob hard. 

"Dad," napatingin ako kay Heaven na halatang nagulat din sa nakita niya. 

Humiwalay na sa pagkakayakap si Dad kay Mom at mabilis na lumapit kay Heaven at niyakap. 

"I'm sorry. sorry my daughter." umiiyak na din si Heaven habang yakap siya ni Daddy. 

"Daddy!" iniwas ko na lang yung paningin ko sa kanila at doon nagtama yung tingin namin ni Mommy and she gave me a smile. 

Hindi ko alam kung bakit ba nandito si Dad but looking at what is happening. I think ngayon niya na narealize ang lahat na hinihiling ko na sana noon niya pa nagawa. Edi sana hindi na umabot sa point na kailangan kong hiwalayan ang lalaking mahal ko. 

Binalik ko yung tingin ko sa kanila at nakita kong pinupunasan ni Dad yung mga luha ni Heaven. My sister look at me at ngumiti bago lumapit at kinuha yung anak niya mula sa'kin. 

"Yan na ba apo ko?" tanong ni Dad at tumango naman si Heaven at ngumiti. I saw the joy in my Dad's eyes looking at Hellary. 

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon there's a part of me that is still mad at Dad pero natatabunan yun ng pagmamahal na meron ako sa pamilya ko. Na kahit na sobrang sakit yung naramdaman ko dahil sa kanya nandito pa din yung pagmamahal ko para sa pamilya na gusto kong maayos. 

Play With Me Then (Then Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora