Kabanata Tatlo

54 3 0
                                    

(Paumanhin talaga, tinamad na kasi ako mag-edit at gabi na kaya hindi ko na ito tinuloy. Sorry po)

"Lene? Leeennneeee," tinatry ni kerri na gisingin si lene pero hindi nila ito magising.

"Bakit mo kasi isasama yan? Wala naman yang alam sa gagawin natin," Binatukan ni Kerri si Elias.

"Ano kamo?"

"Wala. Tangina ikaw nanaman panalo." Nginisian ito ni kerri at bumalik sa paggigising kay lene.

"Hayaan nalang kaya natin muna sya mag pahinga? Pagod yan sa byahe kaya ganyan,"

"Ano kaba nash, sabi nya saakin kanina kapag hindi ko sya ginising malalagot ako. Ayaw ko pang mawala sa earth. Nakaktakot kaya sya,"

"Buti pa sa kanya takot ka sakin hindi,"

"Bahala ka dyan elias wala akong panahon para makipag bangayan sayo,"

Dahil sa ayaw magising ni lene. Kinurot ni kerri ang kanyang pisngi na madiin.

"Sino ba yun!"

"Waaahhh! Lene! Naakatakot ka naman!"

"Bakit ganyan ang mga suot nyo? May papatayin kayo?" Ang mga suot kasi nila ay balot na balot na damit na black. Para silang mga ninja, pati mukha nakataklob maliban lamang sa mata.

"Syempre may gagawin kami. Kaya pwede ba? Mag suot kana," ibinato ni elias ang extra nilang suit kay lene. Ano bang problema ng lalaking ito sa kanya? Bakit palaging galit ito? Meron ata ang lalake kaya palaging beast mode.

Habang nag susuot ng damit si lene narinig nya ang mga bulong ng kanyang roommate.

"Saan nga ulit ang morgue ng school?"-Kerri.

"Sa dulo ata?"-Nash.

"Nakakatakot naman tong gagawin natin. Isang taon na ako dito pero ito ang pinakanakakatakot na gagawin natin."

"I'm here Kerri,"- Elias.

Nang matapos mag bihis si Lene lumabas sya sa cr at sinabing.

"Tara na sa morgue,"

"Hala ang sexy mo lene! Huhuh sana all!!"

"Sexy ka kerri hindi lang halata. Kaya tara na,"

"Bwesit ka nash. Mukha kang pwet,"

Dahan dahan nilang binuksan ang kanilang pintuan at nang makalabas silang lahat, ang hallway ay wala niisang ilaw kaya madilim. Dahil sa takot ni kerri napahawak sya sa braso ni elias at sumiksik dito.

Bago sila mag patuloy sa paglalakay kumuha muna si nash ng flashlight para makita nila ang kanilang dadaanan. Nauuna si nash sa kanilang apat at nasa huli ang dalawang magkadikit na kerri at elias. Ang nasa isip ni lene bakit magkadikit ang dalawa eh wala namang nakakatakot sa ginagawa nila. Wala ngang ka thrill thrill.

"Ay tae ng kalabaw,"

"Elias!!! Wag mong higitin ang damit ko!"

"Anong pinagsasabi mo? Eh ikaw nga tong nakahawak sakin wala naman akong ginagawa sayo. Staka manahimik ka nga ang ingay ingay ng bunganga mo," kahit bulong ang pagkakasabi elias kay kerri ay rinig na rinig ni lene kaya hinarap nya na ang dalawa, at imbis na pagsabihan sila na tumahimik nakapansin sya ng isang bata na nakakapit sa damit ni kerri. Kaya pala sinabi ni kerri na hinila ni elias ang kanyang damit. May isang batang kaluluwa pala ang naligaw.

"Hoy ano yang tinitignan mo lene? Wag nga nakakatakot eh," tinignan nya sa mata si kerri at nilapitan sabay pasimpleng kinuha ang kamay ng bata.

"Wala,"

Keimusho UniversityWhere stories live. Discover now