Chapter Two

7 0 0
                                    

"Hala, Kim." Bigla ko nasabi. Lumingon siya sa akin at kumunot ang noo.

"What? Tara na, uuwi na tayo."

"Si Kazuo." Mahina kong saad. Agad siyang ngumiti at nilapitan ako. Muntikan na ako'ng matumba nang dinambahan niya ako.

"Oh ano'ng meron sakanya?" Sabi ni Kim, nabuhay nanaman ang interes ng kupal.

"May nag-confess sakanya, sabi niya sakin." Pagsisinungaling ko. Sa susunod ko na lang sasabihin sakanya.

"Hala we?" Sabay agaw sa cellphone ko at binasa yung confession na sinend ni Kazuo.

"Sus Ikaw 'to e! dadahilan ka pa, halata naman." Sabi ni Kim.

"Hala hindi ako 'yan, promise!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para mapaniwala siya. I'm not yet ready to tell her.

"Okay, tara na umuwi na tayo," At hinatak niya ako palabas ng SM.

Hindi ko na nareplayan si Kazuo habang pauwi kami, kinakabahan ako. Di ko alam yung sasabihin ko. Itatanggi ko na lang sakanya para sa safety ko.

Hinatid ko si Kim pauwi sa bahay nila bago ako lumiko para makauwi na rin. Akala ko ay hindi na magchachat si Kazuo but I was wrong.

Kazuo Marx:
Kiyohnna, that was you?

Kiyohnna Marx:
Ha? Hindi ah, baka yan si Daym?

Daym is Xan's friend kaya nakilala niya sila Kazuo. She likes him. Actually, gusto niya lahat ng lalaki sa Marx Kaya ayan, hindi malabo na maniwala nga si Kazuo.

Kazuo Marx:
Siguro.

Tulad ng dati, nagchat nanaman kami hanggang sa oras niya na para matulog. Kinabukasan, maaga akong nagising para daanan si Kim. Sabay kasi kami papasok ngayon.

"Bilisan mo naman, baka 'di na tayo isama ng SSG President sa pila ngayon!" I shouted at her. Umirap siya at tumawa.

"Easy ka lang! Wala naman pake si Liam sa'yo, sino ka ba para hindi isama sa pila? Tsaka hindi lang naman tayo ang mali-late. Tignan mo 'yun oh," sabay turo sa mga studyante na nasa likuran namin. Naka-P.E rin sila tulad namin.

"Ang bagal ng lakad nila, dapat ganoon din tayo."

"Ang dami mong sinabi, tara na." Sabi ko habang hinihila siya.

Pa-special ang putangina! Sarap sakalin e, palibhasa tinatamad pumasok ngayon.

"Ano ba yan! Dahan-dahan naman bitch. Para naman' 'di ka sanay magpalate, legend ka nga do'n." Natatawa'ng sabi niya.

"Aba! Hindi porket sanay ako'ng magpalate ano—"

"Ano ha? Ano?" Nang-aasar na sabi niya. Bwisit 'to ha.

"Wala! Basta bilisan natin. Foundation Day ngayon! Ayoko malate, lagot tayo nito kay Miss Rosete may pinapagawa pa naman satin 'yon."

Hindi na siya nagsalita hanggang sa makapasok kami sa school, walang palag e!

Pagpasok namin sa room sumalubong agad samin ang magulo'ng room pero may mga dekorasyon. Natanaw agad ng mata ko kung nasan sila King at Jean, hindi naman mahirap hanapin yung dalawa'ng 'yon dito sa room dahil sa lakas ng boses ni Jean at sa lakas ng tawa ni King malalaman mo na kung sa'n sila banda.

Malaki ang room namin kumpara sa iba'ng classroom. In-announce ko lang saglit yung pinapasabi ni Miss Rosete, pagkatapos pinalabas ko na yung mga kaklase ko. Siyempre nangunguna na do'n si Kim, 'di man lang ako inantay.

"Hoy Marj, bilisan mo naman." Sabi ni King, nagmamadali naman 'to masyado.

"Ito na!"

Naglalakad na kami papunta sa quadrangle kung saan magaganap ang Foundation Day ng school, nang mag-vibrate ang phone ko. Si Kazuo chinat ako.

Kazuo Marx:
Goodmorning Kiyo.

Kiyohnna Marx:
Goodmorning rin, Zuobabes ayie joks.

Kazuo Marx:
Baka 'di ako makapagchat ngayon busy kasi ako, Foundation Day kasi ng school.

Kiyohnna Marx:
Ayos lang, Foundation Day rin namin. Ayan ha, baka parehas tayo ng school hahaha.

Kazuo Marx:
I don't know. Sige mamaya na lang pagkatapos ng program.

"Goodmorning Everyone," Ayan nanaman si Liam. Naiinis talaga ako pag naririnig ko yung boses n'ya, ewan ko kung bakit basta naiinis ako.

"Kim, what if si King, si Kazuo?" Napapaisip na tanong ko. Tumawa naman ng malakas si Kim, wala talaga'ng kwenta kausap 'to minsan. Seryoso ako tapos tatawa!

"Are you kidding me? That's impossible Marj." Sabi niya habang natatawa, "Hindi ka nga niya type, Ikaw ha may gusto ka ba kay King?"

"Wala ha, grabe ka naman!" Bakit ba iniisip ko na si King 'yon? Imposible na si King 'yon kasi may nililigawan 'yon. Shunga ko naman!

"Marj! Tara try natin yung booth na 'yon, masaya 'yon for sure." Jean said.

Andami namin' sinubukan na mga iba't-ibang klase ng mga booth nila Jean, King at Kim,

May special number din kami nila Kim at ng grupo namin sa sayaw. Grabe yung hiyawan nila, si Liam nga pumapalakpak pa e, sarap baliin ng kamay.

Tapos na ang program kaya konti na lang ang tao. Nakakapagod pero masaya naman. Hindi kami agad umuwi nila Kim, kasi pumunta pa kami sa mall para kumain sa isang restaurant, si Jean kasi naki-crave e kaya sinamahan na lang namin tutal nagugutom na din kami.

"Ansarap ng pagkain dito diba?" Sabi ni Jean habang ngumunguya.

"Oo 'te, ansarap pero mas masarap 'to pag libre mo, diba Marj." Natatawang sabi ni King, nagbabakla-baklaan nanaman ng boses.

"Ay totoo yan, King." Sabi ko habang nakipag apir pa kay King. Ansama naman ng tingin ni Jean samin samantalang si Kim naman kain lang ng kain. Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami.

"Ma, nakauwi na ako!" Sigaw ko. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nag online.

Kazuo Marx:
How's your day, Kiyo?

Kiyohnna Marx:
Okay naman, nakakapagod pero masaya.

Kazuo Marx:
Take a rest.

Kiyohnna Marx:
No it's okay hehe.

Kazuo Marx:
Okay.

Pag OKAY na talaga yung sagot niya kailangan ko ng mag isip ng topic, kainis! 'Di ko muna sineen yung chat niya, nag scroll-scroll muna ako sa timeline ko, nang may nakita ako'ng hindi maganda! May karibal ako! Machat nga si Zuo, Kilala ko 'to e.

Kiyohnna Marx:
Kazuo, ikaw ha.

Kazuo Marx:
Ano 'yon?

Kiyohnna Marx:
Daym pala ha. Ayiee 'di ka man lang nag kwekwento, Ibenta na kita 'don.

Kazuo Marx:
Ayoko nga!

Kiyohnna Marx:
Bakit naman?

Kazuo Marx:
Mas gusto ko si....










A/N: kapag may error hayaan mo na, aayusin ko rin yan kapag ready na. Thanks for reading. Don't forget to like, share and click the— char HAHAHAHAHA love u.

Love UntoldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora