Mission 12: Friend or Foe?

7.5K 198 7
                                    

Buong gabi ko syang binantayan,kung ano ano ang sinasabi ny kagabi pero isang tao lang ang tinatawag nya at yun ay ang kanyang ina.

Umidlip muna ako saglit at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Si Terrence lang pala..

"G-gising ka na pala!"

"Ah oo salamat pala dahil inalagaan mo ako kagabi ha? Ang laking abala ko siguro"

"Walang anuman,bakit ka ba kasi naglasing kagabi?"

"May naalala lang ako.." Malungkot na sabi nya.

"Ang mama mo?" Ano ka ba Alex! Baka ma-offend mo sya!

"Bakit mo naman nasabi na sya yun naalala ko?" Kalmado nyang sabi. Ang akala ko magagalit sya o maooffend sa sinabi ko.

"Kasi kagabi palagi mo syang binabanggit" lakas loob kong sabi.

"Ganun ba..pasensya ka na talaga"

Pagkatapos nyang magsalita ay binalot kami ng ilang minutong katahimikan.

"Ipagluluto lang kita ng chicken soup,pampatanggal hang over" pagbasag ko sa katahimikan. Pupunta na sana ako sa kusina ng hawakan nya ang kamay ko saka ako hinila dahilan para mapaupo ako sa kama.

At hindi ko naman inaasahan ang sunod nyang ginawa. Niyakap nya ako,niyakap nya ako ng mahigpit. Walang ibang lalaki ang naglalakas loob na yumakap sa akin bukod sa papa ko at mga kuya ko,dahil kapag hinaharas nila ako at niyayakap ay nakakatikim sila sa akin ng suntok at sipa.

Pero hindi ko alam kung bakit pag dating sa kanya bigla akong naghihina at nawawalan ng lakas,at ang puso ko parang nagwawala na parang ewan. Namamanhid ang buong katawan ko.

(Terrence POV)

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin sya,hindi ko maintindihan ang sarili ko kahapon kaya uminom ako pero naparami yata ang inom ko dahil naalala ko yung nakita ko kahapon.

Pakiramdam ko nawalan nanaman ako at ayoko ang pakiramdam ng nawawalan,masakit sobrang sakit kagaya to ng naramdaman ko ng mawala si mama sa amin..

"Ah T-terrence" sabi nya habang tinutulak ako ng marahan pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Please..let's just stay like this for a minute,just for a minute" isinubsub ko ang ulo ko sa balikat nya. Alex wag mo akong iiwan,please ako nalang wag na sya..

SHE's one of the BOYS [COMPLETED]Where stories live. Discover now