Chapter 1

11 2 0
                                    

"YESTERDAY, I received another package from an 'anonymous' sender." Maingat na inilapag ni Annaliese ang package sa loob ng isang malaking kahon kung saan niya inilalagay ang lahat ng regalo mula sa 'anonymous' sender. "As much as I wanted to get rid of it—because it's creepy as fuck—I've decided to take it with me. Saka ko na lang bubuksan kapag nagkita-kita tayo. At least, hindi ako nag-iisa kung sakaling nakakatakot man ang laman ng package."

Her red-haired friend hummed in response before smacking his lips. "Baby Liese, panigurado namang walang lamang kahina-hinala 'yan, dahil kung meron man siguradong may naamoy ka nang hindi kagandahan d'yan sa bahay mo," Kit says before scooping another spoonful of coffee crumble ice cream.

"Kit is right," pagsang-ayon ni Beau habang isinusuot ang t-shirt nitong hapit na hapit sa katawan. "Besides, I'm sure that none of the couriers used would send any suspicious packages. The last thing they'd want is to ruin their reputation."

"Guys, come on." Napasimangot si Annaliese nang marinig ang boses ng isa sa pinakakinaiinisan niyang tao sa mundo. "Para namang hindi niyo kilala si Liese." Iago sits in front of his phone, his upper body's bare and he's nowhere near embarrassed flaunting his toned body. "Sa angking kabaitan niyan, hindi malayong may magpapadala sa kanya to return a favor."

Annaliese scoffs as she rolls her eyes. "Sino'ng nag-add sa abnormal na 'to dito?" tanong niya habang naglalakad patungo sa sala. "I have a hunch of who's sending these things," she murmurs before placing her phone on the top of the table. "Nga pala, bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na may out-of-town training pala kayo?"

"Hindi mo rin naman kasi sinabi sa amin na nakatanggap ka na pala ng acceptance letter galing sa university," sagot ni Iago sa kanya. "Panget, nasa'n ka na?" tanong nito habang nakahiga sa kama nito. "Naging kisame ka na ba? Puro kisame ang nakikita namin."

"Shut up, gago."

Hinayaan muna niyang magdaldal nang magdaldal si Kit na maraming naipong tsismis habang nasa training camp sa malayong probinsya. Walang imik niyang inimis ang mga natitira niyang mga gamit na hindi pa rin nakalagay sa kahon na dadalhin niya sa apartment unit na malapit lang sa main campus.

Isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa bansa ang Isao University. It was founded by a wealthy Japanese heir who fell in love with the country and the desire to learn of the people he have met during his stay. Noong umpisa'y libre lamang ang pag-aaral dito, ngunit magmula nang makapagtapos ng pag-aaral ang ilan sa mga tinitingalang tao sa iba't ibang larangan ay unti-unti itong umangat hanggang sa kinailangan nilang gawing pribado ang paaralan.

The entire property of Mr. Isao is often compared with the size of San Juan in Metro Manila. Sa laki ng property ay nagawa nilang magpatayo ng iba't ibang establishments na nakalaan para sa mga estudyante at maging sa mga faculty members dito. Some alumnis were even granted with permission to open their own businesses within the property kahit pa ang iba'y nasa boundary ng property ng university at ng kabilang probinsya.

"Baby, are you still there?" malambing na tanong ni Kit na muling nagpabusangot kay Liese. "Hindi ka na kasi nagsasalita d'yan."

"Still here. Mas gusto ko kasing pakinggan ang boses niyo." Then, she smiles. "It sounds. . . I don't know. . . comforting, I guess?"

"Comforting? 'Yong kadaldalan ni Kit, comforting? I can't believe it!" bulalas ni Iago na sinundan ng halakhak ni Kit.

"Don't worry, baby Iago. Darating din ang araw na maririnig mo mula sa mga labi ni Liese na na-appreciate ka niya," their red-haired friend said teasingly before letting out a loud and boisterous laugh.

Bahagya siyang natawa sa pang-aasar ni Kit kay Iago. Mabuti na lang talaga at kahit ilang taon na ang lumipas magmula nang magkakilala silang apat, hindi nagbabago ang mga ito. Akmang tatayo na siya mula sa kanyang kinauupuan nang bigla niyang marinig ang malakas na halakhak ni Kit na hinaluan ng gigil na boses ni Iago.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Say It FirstWhere stories live. Discover now