Chapter 99

326 24 0
                                    










Chapter 99:

















•••
•••

















Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Saka ko lang binuksan yung mga mata ko nang marinig ko ang sigaw ni Jessel.

"We're back!" na may halong saya. At pagkadilat palang ng mga mata ko, bumungad sakin ang buong training room.

"Congratulations!..." nilingon ko ang familiar na boses nayun. "... You've passed your first and official training." nakangiting salubong samin ni Duchess Hina.

Ang weird lang talaga, hindi parin ako sanay. Dahil sa pagkakaalala ko sa weirdong panaginip ko, si Duchess Reina ang nagsabi nyan. Tss!

"Nakapasa kame? Paano?..." rinig kong tanong ni Jessel. "... Parang Impossible Duchess Reina... Dahil ang sabi mo, pagnakakuha kame bawat isa sa Olympia Cards thingy nayun, saka lang kame makakabalik..." napansin ko rin na halos kaming lahat ay nakatingin na kay Jessel. "... But I did not get any of those Olympia Cards. Not only me, because even Eiron, Ronnie, Fyre and Cylex doesn't have." nilingon ko si Duchess Hina.

At nakita ko ang nakangiti nyang mga labi. Para bang hindi na sya nagulat sa sinabi ni Jessel? Para bang inaasahan na nya ito? Saka naalala korin sa weirdong panaginip ko yung may halong meaning na ngiti sakin ni Duchess Reina. Ang weird pero parang nakikita ko ata rin ngayon kay Duchess Hina, iba na ngalang yung ipinapahiawatig.

"But Like what I've said Royal Bloods... 'Malalaman nyo ang sagot sa oras na  magsimula ang Adventure Quest nyo'." may kahulugan nyang sabi. Andun parin yung kakaiba nyang ngiti.

"Pumasok nanaman po kame sa Magic Portal Duchess Hina..." magalang na wika ni Hilary. "... Napunta po kame sa Smaragd City, marami po kaming nakilalang taga dun, at nakita narin namin yung mga Olympia Cards. Pero wala po kaming narinig na sagot doon." dagdag nya. Napaisip din ako sa sinabi nya.

Oo nga naman. Matalino din pala to si Hilary. Tss! Isip-bata na akala mo ay slow. Pero kagaya ni Diane, ay mukhang parehas sila. Pero tungkol sa sinabi nya, Oo nga, nagsimula na yung Adventure Quest namin sa Smaragd City nayun kung saan may nakilala kaming mga Wizardry DAW. Kaso, wala naman kaming sagot na natanggap.

Ang sabi ni Duchess Hina, Malalaman namin yung sagot sa oras na magsimula na yung Adventure Quest namin. Nagsimula nanaman, simula nung pumasok kame. Halos dalawang araw na ata kaming andun sa lugar nila, kaso wala talaga kaming sagot na nakuha. Maliban nalang pala kina Eiron. Dahil magkahiwalay kame.

Pero nang tiningnan ko sila isa-isa. Halos nakita ko ang mga nagtatanong nilang mga mata. So masasabi ko na kahit sila ay wala ring nakuhang sagot. Saka ang sabi rin ni Duchess Hina, makakabalik kame pag nakakuha kame isa-isa sa Olympia Cards nayun? So kakasabi lang ni Jessel na wala silang nakuha, edi ibigsabihin lang? Si Sophia lang yung may Magic Cards? Ganun ba?

Book Of Magic 2: CLAES [UNDER EDITING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang