Chapter 3: Nakakapanibughong Tukso

1.4K 45 7
                                    


(Josephine's POV)

Habang nakahiga ako sa kama, pinag-iisipan ko talaga ang mga sinabi sa akin ni Ysabelle. Tama nga siya. May tao talagang nakalaan para sa akin, at hindi lang si Raven ang lalaki sa mundo.

Bigla kong naalala ang lahat ng kagagahan ko. Sa dinami-rami ba naman ng lalaki sa mundo, napili ko pang ipagkasya ang sarili ko sa isang lalaki na hindi ko nakakasama madalas. Isang malaking gaga talaga ako para maging isang kabit, at sinisira ko lang ang dignidad ko.

Dinudungisan ko ang pagiging babae ko, at sinisira ko ang imahe ko sa lahat. Ang isa pa doon, sobrang laki ng pagkakasala ko. Sobrang dami ko nang kasalanan, at kailangan ko nang pigilan ang ginagawa kong kagaguhan.

Bumangon ako sa kama nang may marinig ako na katok sa labas. Dumiretso na agad ako doon, at pinagbuksan ko ng pinto ang panauhin ko. Nakatayo sa pintuan si Raven, at may hawak ito na bouquet ng rosas at malaking teddy bear.

"Hello, Josephine."

"Oh, what brings you here? May kailangan ka ba?"

"Alam mo naman kung ano ang lagi kong kailangan mula sa'yo, Jo. Saka wala kasi ang asawa ko, kaya pinuntahan ko muna 'yung girlfriend ko."

"A-ano kasi, may gagawin ako. Umalis ka nalang muna, saka next time ka nalang bumalik. Please, Raven?"

"Ano naman ang pinagkakaabalahan mo, Josephine? Sa work ba? Kung sa work, makakatulong ako."

"H-hindi siya related sa work. May mga importanteng bagay lang ako na inaasikaso."

"Gaya ng? Josephine, iniiwasan mo ba ako? Dahil ba 'yun sa nangyari sa restaurant two days ago? Promise, hindi totoo 'yun. Nagpapakitang-gilas lang naman ako kay Felicity dahil nagdududa siya sa akin. Ikaw ang mahal ko, Jo."

"T-talaga? Mahal mo ako?"

"Oo, mahal kita. Mahal na mahal talaga kita. Kahit ilang beses mo akong itaboy, ikaw parin ang mahal ko. Ikaw lang ang itinitibok ng puso ko, Josephine."

Awtomatiko kong binuksan nang malaki ang pintuan ng bahay ko at pinapasok ko si Raven. Inabot nito sa akin ang bulaklak na dala niya, at hinalikan nito ang labi ko. Tumugon naman ako dito at hinayaan ko nalang siya sa mga balak niyang gawin sa akin.

•••

Lutang na lutang ako nang matapos kami sa pagniniig. Nakayakap naman sa akin si Raven, habang nakasandal ako sa hubad na katawan nito. Pinahid ko ang mga luha na dumadaloy sa mga mata ko. Naramdaman ko ang hinlalaki ni Raven sa kaliwang mata ko, at pinahid niya ang luha ko doon. Inabot rin nito sa akin ang panyo niya at doon ako suminga.

"So, ganun na ba ako kagaling para umiyak ka?"

"Itigil nalang natin ito, Raven. Ayaw ko na."

Nabigla ito sa narinig niya mula sa akin. Hinarap ako ni Raven, at inangkin niya ang labi ko. Lalo lang akong naiyak sa ginawa nito, kaya tumigil siya.

"Bakit ayaw mo na, ha? May kailangan ka ba?"

"W-wala. Sadyang pagod na ako, at ang dumi na talaga ng tingin ko sa sarili ko. Raven, ayaw ko na. Itigil nalang natin ito, huminto na tayo."

"Sigurado ka ba? Hindi ko kaya kapag wala ka sa akin, Josephine. Mahal kita, mahal talaga kita. Huwag mo namang gawin sa akin ito."

"Bigyan mo ako ng disenteng dahilan para ituloy ko ang pagiging kabit ko---"

"Hindi kabit ang tingin ko sa'yo. Ikaw ang babaeng tunay na minamahal ko, at ikaw lang ang nilalaman ng puso ko. Huwag naman ganito, Josephine. Luluhod ba ako sa harap mo? Ano ba ang gusto mong gawin ko?"

The Nine Year Gap [GxG]Where stories live. Discover now