~37~

1 0 0
                                    

Chapter 37-
COLD TREATMENT

Sabrina

Naalimpungatan ako dahil parang masakit yung tyan ko kaya tumagilid ako at niyakap yung unan sa gilid ko pero nung naamoy ko napamulat ko

Hindi ito ang amoy ng kama ko... amoy lalaki kasi itong kama... don't get me wrong ha gindi naman mabaho yung kama actually mabango nga ehh kaso hindi ito yung amoy ng kwarto ko kaya napabangon ako at tumingin sa paligid.... ang bango ng kama nya hehe, ang sarap langhapin lahat haha... amoy baby ^____^

Simple lang yung kulay nitong kwarto... kulay Yellow yung kwarto tapos may maliit na Study Table na may mga gamit at Maliit na ilaw sa gilid nito, may maliit na lalagyan din ng sapatos at well organized tapos may Bintana sa gilid nitong kwarto then my Sofa sa Paanan ng kama at may nakatulog doon

Wait-What? May nakatulog? binalikan ko ng tingin yun shaka ako tumayo at lumapit dun para makitang mabuti kung sino yun

Ace? What? Si Ace?

Teka ano bang nangyari kagabi? Rooftop. Girlfriend. Kiss. I Love You. Cry. Run. Lasing. Night and Shining Armor. Ace.

Ayy punyeta kaya pala ako nandito bwisit... bahay kaya nila Ace tohh?

Napatingin ako sa suot ko... Damit na sakto lang sa akin, hindi malaki at hindi din maliit sakto lang tapos maong short na hanggang gitna ng hita...hmm not bad. Sino kaya nagbihis sa akin? Hindi naman siguro si Ace diba?

Lumabas muna ako sa kwarto nya at sumalubong agad sa akin ang sala

Simple lang din kulay white yung loob at semento ang papag may sofa sa gitna at TV naman sa harapan tapos may dalawang doorway... yung isa may wooden door tapos kurtina naman dun sa isa... Simple lang yung bahay hindi magmumukhang mahirap pero hindi din magmumukhang mayaman... may kaya lang pero maganda yung bahay talaga hehe may lumabas na babaeng naka apron sa Kurtina…… mukhang bahay ng mga nasa probinsya ehh

"Ohh iha gising kana pala... ayos ka na ba?" tanong agad nya kaya ngumiti lang ako

"Ayos na po ako, bakit po ako nandito? shaka nasaan po ba ako?" takang tanong ko at tumawa ng medyo awkward

"Ahh napagtripan ka sa kanto iha shaka idinala ka dito ni Ace... sabi nya kaklase ka nya, bahay nya ito. Ako yung mama nya iha" ngumiti na lang ako shaka nagpakilala, nagpakilala na din naman aya at sabi nya tawagin ko na lang daw syang Tita Akisha

"Uyy Sab gising ka na pala" napatingin ako sa likudan ko dahil may nagsalita

"Goodmorning Ace" ngiting bati ko kaya ngumiti lang din sya at naghikab pa

Cutie patootie hahaha... Pero mas cute si Josh-aishhhh ba't ko pa sya iisipin kung may mahal na syang iba... siguro ititigil ko na yung kahibangan ko

Siguro tama sila Yanni at Rain

"Morning din, okay ka na ba?" tanong nya syaka lumapit sa akin at sinipat yung sugat ko sa gilid ng labi... nakita ko yan kanina nung naghilamos ako

"Oo, Hindi naman na gaanong masakit" ngiting sabi ko. Magsasalita pa sana sya kaso biglang bumukas yung isang pinto at magkasabay na lumabas ang dalawang tao... lalaki at babae... mga nakapajama pa Sila

🍁BADASS B*TCH🍁 (On-Going)Where stories live. Discover now