Chapter 6: Turuan mo ko!

2.7K 171 49
                                    

Chapter Six

"Goodbye, Sir."

Pagkalabas na pagkalabas ng teacher ay nagkagulo na agad ang mga kaklase ko. Alam mo na! Favorite subject ata nila ang vacant period.

"Cherry!" Biglang dumating si Kyle at tumabi sa upuan ko. "Bati na kasi tayo." Ungot pa nito.

"Oh?! EXXXX-bespren poreber! Nandyan ka na pala?" Pinagduldulan ko pa talaga yung Ex sa pagmumukha niya. Nagkunwari pa akong nagulat sa pagsulpot niya para hindi naman kahiya-hiya sa kanya! Leche siya!

Magsasalita pa sana siya pero tumayo na ko sa upuan ko at lumapit kay Namjoon. Dun ako umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Bastos ko ba? 

"Turuan mo nga akong mag-compose ng kanta." Seryosong sabi ko kay Namjoon. Yan kasi! Imbis tuloy na landiin ko si Namjoon eh nauwi na lang ang beauty ko sa pagpapatulong gumawa ng kanta!!! Kainis naman kasi si Kyle, sinira yung mood ko.

Hindi makapaniwalang tinitigan ako ni Namjoon. Kadalasan kasi lumalapit lang ako sa kanya para magpa-cute! You know naman, ang beauty ko ay pang-kire lang!

"Seryoso ka ba dyan?" nag-aalinlangan nitong tanong. Tumango lang ako at hindi na nagsalita.

Lalo lang kumunot ang noo ni Namjoon sa inasta ko. Bakit?! Wala ba kong karapatang mabadtrip ngayon? Ha?! Ha?! Sagot?!

Chos. Flongs lang.

"Hindi ka ba magmamalandi dyan at magpapacute?" dagdag pa nito.

Umiling lang ako saka ngumuso. "Wala ako sa mood." Mahinang sabi ko.

"WOOH! YES!!!" Sigaw nito na napatayo pa sa kinauupuan at napasuntok sa ere. Kung nasa katinuan lang sana ako ay iisipin kong masyado lang siyang na-overwhelm dahil kinausap ko siya pero dahil nga dinurog at tinapak-tapakan ni Ex-bespren poreber ang puso ko ay tahimik ko na lang pinanuod ang pagse-celebrate ni Namjoon.

Ngiting-ngiting bumaling sa pwesto ko si Namjoon. SYET!! The dimples, mga bae!! THE DIMPLES!!! Peste ka, Cherry. Bumalik ka na sa katawang-lupa mo nang malandi mo na ang buong pagkatao ng Namjoonie sweety mo! Bilis! 

Muntik na sanang maghari ang kalandian sa buong pagkatao ko kung hindi lang nahagip ng mata ko ang mukha ni Kyle! Bwisit!

"Diba magpapaturo ka kung paano mag-compose ng kanta?" Excited na tanong ni Namjoon saka idinikit ang upuan sa tabi ko. 

Walang-imik na tumango lang ako. Mukhang na-eenjoy ni Namjoon ang katahimikan ko dahil kanina pa ito pangisi-ngisi sa tabi ko. Parang t*nga tong si sweety baby. 

"Ganito kasi yan, sisimulan mo muna yan sa pag-iisip ng genre. Yung Magiging mood nung kanta, pati na rin ang magiging storya ng kanta mo." Paliwanag ni Namjoon.

Napatango-tango naman ako saka nag-isip. "Mukhang sad song ang magagawa ko ngayon dahil broken-hearted ako."

"Broken-hearted ka?" Kunot-noong tanong ni Namjoon. "Bakit?"

Napasimangot naman agad ako nang maalala ang hudas na si Kyle saka nakangusong nagdrama sa harap ni Namjoon. "Dinurog kasi ni Ex-bespren poreber yung heart ko."

"Si Kyle ba yan?" paninigurado pa nito. Tumango lang ulit ako. "Anong nangyari?"

Magkukwento na dapat ako kay Namjoon pero hindi ko matandaan kung bakit nag-away kami ni Kyle. Di ko rin matandaan kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanya. Hala  ka, Cherry! Para kang baliw! 

Feeler Much?! [BTS Fanfic]Where stories live. Discover now