Prologue

31 10 41
                                    

"I'm glad you're doing well, Aurora."

Ibinalik ko ang ngiting ibinigay niya sa akin. Ipinagdikit niya ang kanyang mga palad at sumandal sa kinauupuang silya. Nakapatong sa kanyang hita ang isang kuwaderno at panulat.

Kaswal lamang ang pananamit nito. Nakapulang blusa at itim na pantalon. Nakasuot siya ng I.D na naglalaman ng kanyang litrato at propesyon. Sa tuwing pumupunta ako rito, amoy na amoy ang lavender sa buong kuwarto. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napapakalma ako nito palagi.

Tatlong segundo niya akong tinitigan at nagpatuloy muli sa pagsasalita. "Sobrang natutuwa ako sa naging progress mo. Naaalala ko pa noong unang punta mo rito sa clinic. Kitang-kita sa mukha mo na may pinagdadaanan ka."

Tuloy-tuloy lamang ang pagsara't bukas ng bibig ng kaharap kong psychiatrist. Ito na naman ang utak ko. Nagsisimula na namang lumipad patungo sa kawalan. How long have I been seeing her? Di ko na ata matandaan.

Hindi ko nga rin alam kung para saan pa. Kung ano-anong gamot ang pinapainom sa akin. Bukod sa gamot, kada linggo rin akong nagka-counselling. Nakatulong ba? Siguro. Kaunti. Dahil hindi naman nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Panay lamang ang tango ko sa kanya kaya panay rin ang pagsasalita niya. Nakatitig lamang ako sa kanya at hindi inaalis ang ngiti sa aking mga labi. Hanggang ngayon, akala pa rin niya ay aktibo akong nakikinig, pero kanina pang nawala ang atensyon ko sa sinasabi niya.

Walang nagbago sa lugar. Puting-puti, ni wala akong makitang kahit isang kalat o dumi sa paligid. Nakabukas ang nag-iisang bintana sa bandang kanan ng kuwarto kaya rinig na rinig ang huni ng mga ibon sa labas.

Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isipan ko ang pinakauna niyang sinabi sa akin.

"I'm glad you're doing well, Aurora."

It's funny how a person would assume that everything is fine just because they put a huge smile on their faces.

Paano ba talaga malalaman na totoong masaya ang isang tao? Isa lamang ang sagot diyan. You can't. Unless, nakakabasa ka ng iniisip ng iba.

Our brains have the capacity to fool people. Isa na roon ang psychiatrist na nasa harapan ko ngayon. I fooled her into thinking that I am still taking my prescribed medication and I'm getting better.

I am far from better. Ang totoo niyan, pakiramdam ko na lalo lamang bumigat ang maitim na ulap sa ulo ko. I can now feel it consuming me. Consuming my entire body. Nakakatawa nga eh. I feel nothing... pero bakit ang bigat sa pakiramdam?

"I'll see you again in three months time," sabi niya. Tumayo na siya sa kinauupuan at inilahad ang kamay sa akin. Kaagad ko naman itong kinuha at muli siyang nginitian.

On a second thought, siguro I'm not pretending after all. Maybe, I'm really genuinely happy this time, but for some reason only I could understand. Masaya ako kasi after my long years of suffering, I finally came to a decision.

Desisyong alam kong makakabuti sa akin. Baka ito na talaga ang end game ko sa mundong ito.

Dati, hindi ko naintindihan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko. How could she leave me? Kami na lamang ang magkakampi sa buhay pero nakaya niya pang iwanan ako mag-isa?

I hated her because of that.

I didn't know she was still suffering until the day she took her life. Ang alam ko lang, napakamasayahin niyang tao. She was one of the kindest and warmest people I know kaya sobrang nasaktan ako na wala man lang akong nagawa.

Totoo nga ang sinasabi nila. Pain changes people. I guess, it consumed her too. Hindi ko man lang nakita na nagpapanggap na lang siyang maging masaya.

Na sa kabila ng ngiti at pagyakap niya sa akin, siya pala ang may mas kailangan noon. Na sa kabila ng kabutihang ipinakita niya ay may nakatagong kasamaan sa loob niya na nagpupumilit makalabas. And it did.

A day before she committed suicide, she was so happy. Nag-celebrate pa nga kami ng kaarawan niya noon. She got drunk for the first time. Sumayaw siya na parang walang nanonood sa kanya. I even witnessed her kissed the love of her life.

Nagkuwento pa siya ng mga plano niya sa mga susunod na taon. Kung saan siya magpapatuloy ng pag-aaral at kung saan niya balak magtrabaho. She even mentioned her plans of getting married, have kids and build a home.

Then, why?

Bakit nabalitaan ko na lang kinabukasan na wala na siyang buhay? Bakit nagawa pa ring magpakamatay ng kapatid ko? Why was she so happy talking about her future... kung may plano na pala siyang wakasan ang buhay niya?

I should have known that she was saying goodbye to us back then. She was not truly healed, just as how they said she was, but no one knew—not even me.

Noon, hindi ko naintindihan ang naging dahilan niya... until the same thing happened to me.

Right at this very moment.

Ngayon, naiintindihan na kita, Cece.

Ang bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang pinagdaraanang laban sa buhay. Ang iba, naghihingalo sa ospital—pinipilit na labanan ang kanilang kapalaran. Some, fighting literal battles, resulting to wounds and bruises.

May iba namang nakikipagsapalaran sa kalsada—dugo't pawis ang kapalit, may maihain lamang sa hapag-kainan. And then, there are also people like me. Fighting the toughest battle in life—with my own mind.

The Dark Clouds of Aurora (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon