01 | BWRC Lounge ✨

50 9 3
                                    

----------------------------------------------

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----------------------------------------------

Hello! Welcome ❤

Ang Book Worm Reader's Club ay isang guild na kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga bagong lathala na mga libro rito sa wattpad na magkaroon ng mambabasa at mabigyan ng spotlight na nararapat sa kanila.

Sa guild na 'to, iniibig ang iyong katakter, iniisip ang mga kasunod na mangyayari at mga kasiya-siyang mga pangyayari. Hindi ito nakatuon lage sa teknikal at sa mga corrections, maaaring may magbigay pero hindi ibig sabihin aybsa buong buhay mo rito sa book club ay iyon lang ang titingnan natin.

Andoon pa rin tayo sa MASASAYANG PLOT at PINAG-UUSAPAN ANG MGA NANGAYAYARI SA KWENTO ✨

----------------------------------------------------

R  U  L  E  S

Para magkaroon tayo ng iisang adhikain at gol, may mga patakaran tayo para malimita ang mga ito at mailayo na rin sa kaguluhan

1. Bawal ang maging tamad.

    💪Dahil ang guild na ito ay READERS CLUB expected na lahat ng sumali sa guild na 'to ay 'di tamad. Babasa talaga at gagawa ng komentaryo tungkol sa kwento. Kung sa tingin mo ay hindi kaya, 'wag na lang po sasali.

2. Gawin ang task sa tamang oras.

      💪Hindi naman mabigat ang gagawin dito kaya inaasahan ko na nasa tamang oras ang paggawa ng task.

3. Ilagay ito sa reading list.

   💪 Para dumami tayo. Kapag marami ang sasali, marami tayong magiging kaibigan. Ang saya no'n di ba? ❤

4. Lastly, add mo si pusa para hindi siya mahirapan na itag ka. 😁

Oh! Napakadali lang di ba?

--------------------------------------------

Ano ba ang task sa BWRC?

0o0

(.) Every week, ang mga sumali ay babasahin ang  tatlong kabanata (3 chapter) ng kanilang kapares. So sa isang linggo  may tatlong pahina lang kayo na babasahin.

NOTE: Hindi pwede na apat na chapters lang ang libro ninyo, dapat minimum of  6 chapters excluding (prologue)

📝(..) Sa bawat kabanata na babasahin, mag-iiwan kayo ng limang inline comments (5 inline comments). At ito ay dapat nasa una, gitna at sa dulo ng chapter.

Sa huling kabanata na nabasa (last chapter to read) kailangan na mag-iwan ng overall comment tungkol sa nabasa.

Dapat ito ay tatlong talata (paragraph) na may bente (20) hanggang trenta (30) na salita sa bawat talata (per paragraph). All in all, meron kayong makukuhang overall comment na may 60-90 words or higit pa.

NOTE: Overall Comments ay ang comment mo sa kwento. Dahil READER CLUB tayo, nararapat lang na may reaksyon tayo sa kwento. Dapat ang makikita rito ay hingil sa kwento, tungkol ba sa karakter, sa lugar, sa daloy ng kwento. Hindi counted 'yong mga errors at kung ano-ano pang teknikal.

Ibigay na natin 'yan sa ibang book club XD

Dapat ang overall comments ay elaborated. Dapat ipaliwanag mo kung bakit. Yon 'yun!!!!

📝(...) Pagkatapos, balik ulit sa book club at mag-comment na tapos na at kapag na-aprob ni checker, at ready ka na ulit sa susunod na task.

Oh ang dali lang di ba?

📝(.....) Ang schedule ng ating update ay Sa Sabado (Saturday) 8AM at ang deadline ng ating task ay sa Biyernes (Friday) ng gabi 11:59PM

Para naman may spice every week, right? ❤

------------------------------------------

Para sa isa pang detalyadong pagpapaliwanag, basahin ang kasunod na pahina dahil nakalatag doon ang mga proseso sa mas malinaw na paraan. Tara na, basahin na natin :)

Sana dumami tayo para masaya ❤

BWRC's Shut Up and Write (Book Club) Where stories live. Discover now