Kabanata 22

14 2 0
                                    

Kinabukasan, nagising ako na mas lumala pa ang lagnat. Sobrang init na talaga ng katawan ko. Mabuti nga at hindi pa masyadong mainit sa disyerto dahil kakasikat pa lang ng araw.

"Yun Ki..."

Pilit kong binuksan ang mga mata ko at hinanap si Yun Ki. Ngunit hindi ko siya nakita. Tanging ang damit pantaas niya lang ang nakita ko na ikinumot niya sa'kin.

"Yun Ki... Nasa'n ka?" Tawag ko pa pero walang sumasagot. Wala si Yun Ki.

Pumikit ako upang ipahinga ang mga mata ko. Masakit din kasi sa ulo ang piliting buksan ang mga ito.

Naku! Hindi!

Naimuklat ko muli ang mga mata ko nang may maalala ako.

"Kailangan kong mabawi ang medalyon."

Mukhang alam ko na kung nasaan si Yun Ki. Nagpumilit akong tumayo. OMG! Sobrang nahihilo ako! Pero tiniis ko yun at nagmamadaling pumunta sa bukal.

Halos pagapang na akong pumunta sa bukal. Tiniis ko lang ang sakit ng ulo at katawan ko.

Nang makalapit na ako sa bukal ay nabingi ako sa sobrang ingay. Mukhang maraming Hepno ang nagsisigawan at naghihiyawan. Anong meron?

"Yun Ki..." Mahinang sabi ko.

Nang tuluyan akong makalapit sa bukal ay nakita ko sa tapat ko si Sena na nakaupo sa buhangin at nanonood din.

"S-Sena?" Mahinang tawag ko. Buti na lang at kahit malakas ang hiyawan ng ibang mga Hepnong nanonood ay narinig niya pa rin ako.

"Prinsu? Nandito ka pala? Bakit nakahiga ka diyan?" Nagtatakang sabi ni Sena nang makita akong nakahandusay sa buhangin.

"Nasa'n si Yun Ki?" Tanong ko.

"Si Yun Ki? Ayun siya," at tinuro niya sa'kin kung nasaan si Yun Ki.

"Sena? Anong nangyayari?"

Hindi ko maintindihan. Bakit magkasama si Yun Ki at ang Prinsesa Kana? Tapos nakahawak pa sa braso ni Yun Ki yung malansang isda.

"Hindi mo alam?" Pagtataka niya.

Hindi ako sumagot. Ito naman si Sena. Magtatanong ba ako kung alam ko?

"Ngayon ang kasal ng Ginoong Yun Ki at Prinsesa Kana."

Nagulat ako.

"Ano?!!"

K-Kasal? A-Anong kasal?!

Gumapang pa ako palapit sa bukal para mas makita ko ang nangyayari.

Hi-Hindi..

Naluha ako. Anong ibig sabihin nito? Bakit magpapakasal si Yun Ki sa malanding isdang yun?!

Naubo ako bigla.

Oh no! Sobrang nahihilo na talaga ako! Hindi ko na kaya...

"Prinsu? Anong problema? M-May sakit ka ba?" Nag-aalalang sabi ni Sena nang mapansin niya ako.

Hindi ko siya sinagot. Muli ko kasing tiningnan si Yun Ki.

"Hoy, Prinsu! Tinatanong kita!" Malakas na sabi ni Sena. Dahil dito ay napatingin sa direksiyon namin si Yun Ki.

"Prinsu?" Nagtatakang sabi ni Yun Ki.

Yun Ki of Mt. MakilingWhere stories live. Discover now