TEENFICTION 4

50 5 1
                                    

your_jaiyiieee

TITLE: HOPELESS TO LOVE

Medyo nakulangan at nabitin ako sa napili mong pamagat. Para sa akin, hindi ka masyadong naging epektibo sa bahaging ito. Hindi kasi ganoong kalakas ang impact niya sa akin. Simple siya, madaling unawain pero hindi ito naging sapat upang maging makatarungan ka sa pagbuo ng pamagat. Nahihinuha ko naman ang nais mong iparating subalit wala ang emosyon. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang aasahan ko habang tumatakbo ang istorya. Again, kulang. Gusto ko na ikaw na ang makadiskubre kung ano nga ba ang talaga kulang sa pamagat. Kung ano ang dapat baguhin at ayusin.

Ayos ba?


BOOK COVER

Maayos ang book cover, sa totoo lang. Simple lang siya pero ang lakas ng dating. Nakikita ko kaagad ang simbolismo. Ibinigay mo na agad sa akin 'yung mood na gusto kong maramdaman. Ang husay ng napiling pabalat dahil inilarawan mo ang istorya sa isang rosas. Masasabi kong naging epektibo ka sa bahaging ito. Nagustuhan ko rin 'yung black and gray na combination ng color kasi mas binibigyang emphasis mo 'yung bulaklak. Nagustuhan ko rin ang font na ginamit, hindi siya masakit sa mata at umaakma talaga sa kabuuan ng pabalat.


DESCRIPTION

Medyo magulo ang description, hindi masyadong nailahad ng maayos ang bawat pangungusap.

'Cendice Cazzandra Claire Carson is just a simple woman who raised in a wealthy family. She is bitter and numb sometimes but sometimes that sometimes is everyday. Pfft. '

-Kitang-kita kaagad ang mga maling grammar. Masyadong naging redundant ang salitang 'sometimes', tatlong beses naulit na hindi naman nararapat. Isa pa, idagdag mo pa 'yung 'pfft' sa bandang hulihan. Iwasang gumamit ng ganiyang sound effects , hindi niya mapapakaganda ang istorya. Isaalang-alang parati ang pormalidad sa pagsusulat.

-Kulang, hindi masyadong nabigyang hustisya ang bahagi ng description. Wala akong naramdaman habang binabasa ito. Hindi siya ganoong nakahihikayat na basahin. Mas palalimin mo pa. Mas bigyan mo pa ng emosyon. Maglagay ka pa ng mas maraming hugot. Hindi 'yung literal na hugot ah. Mas maganda kasi kung nararamdaman din naming mga mambabasa ang nararamdaman ng manunulat habang isinusulat ang kaniyang akda.


SETTING

Hindi rin nabigyan ng magandang pagsasalaysay ang bahaging ito. Kulang na kulang. Ang layo-layo ng inaasahan ko sa naging takbo ng istorya. Hindi ko naramdaman na nandoon ako mismo sa pinangyarihan ng bawat eksena. Hindi nabuo ng maayos ang setting. Wala akong ma-visualize sa aking isipan kung nasaan sila. Ano ang itsura ng pupuntahan nila? Ano ang itsura ng bahay? Ano ang atmospera? Ano ang kalagayan ng panahon? Lahat 'yan ay mahalaga. Hindi puwedeng sa mga tauhan lang mismo magpo-pokus ang istorya.

Pakitandaan na bigyang halaga mo rin ang lugar. Mas maganda kasi kung well-described ang mga ito upang mas maramdaman naming lahat na hindi nakapanghihinayang na basahin ang iyong akda. Sa ngayon, ang maipapayo ko lang is to edit and revise your story.


CHARACTERIZATION

Pinaulanan mo agad ako ng mga tauhan sa unang bahagi pa lang. Hindi ko pa ganoong kakilala ang isa, biglang pinasok ang isa pa. Ang hirap intindihin dahil hindi ganoong nabigyan ng magandang pagsasalarawan ang bawat tauhan. Ang gulo, ang bilis magpakita ng ibang characters. Hinay-hinay lang po tayo. Kapag ganito kasi ang estilo ng pagpapakilala mo sa kanila, malilito talaga ang mambabasa. Mas magandang unti-untiin natin. Huwag nating biglain. Isa pa, hindi akma ang edad nila sa kanilang ikinikilos. Base sa unang kabanata ng iyong istorya, kaka-graduate pa lang nila ng elementarya. Pero hindi ko marawi kung bakit ganoon na agad 'yung mga actions nila. Mas angkop sana kung highschool graduate sila tapos ganoon ang actions, pero hindi eh. Para sa akin hindi maturity ang pinapakita mo sa iyong mga tauhan. Hindi mo sila nabigyan ng katarungan.


PLOT

Dumako na tayo sa plot, unang napansin ko eh napaka-simple nito. Walang dating sa akin ang plot, hindi ko na-feel 'yung excitement sa bawat kabanata. Expected na kasi ang mangyayari, hindi na kami nabigyan ng pagkakataong mag-isip kung ano na ang magaganap sa susunod na mga kabanata. Hindi makatarungan ang plot development, hindi naman sa sinasabi kong hindi ito nakahihikayat, pero mas igihan mo pa ang pagbuo. Maaari kang gumawa ng outline para maging guide mo.

Isa pa, masasabi ko ring medyo common na ang ganitong plot. Marami na ang manunulat na gumagamit nito kaya hindi na rin siya bago sa aking panlasa. Pero naniniwala akong may ibubuga ka pa, mas may maiisip ka pang plot na siyang papatok sa takilya. Sa ngayon kasi ay masasabi kong nabigo ka sa bahaging ito ganoon din sa iba pang bahagi. Sulat lang nang sulat dahil kapag nagpatuloy ka ay malayo ang mararating mo.


TECHNICALITIES

-Sayo—sa iyo o sa 'yo

-Wag---Huwag o 'wag

-kalang—ka lang (huwag kalilimutan ang space)

-Rin, raw at roon- ito'y ginagamit kung ang sinundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na (w at y). Halimabawa: Maganda (raw) siya.

-Din, daw at doon- Ginagamit naman ito kung ang sinundang salita ay nagtatapo sa katinig.

-nalang--- na lang (space)

-sabay sabay---sabay-sabay (Inuulit ang salita kaya kailangang lagyan ng gitling)

-samin---sa amin o sa 'min

-kwarto—kuwarto o k'warto

-Iwasang mag-ulit ng magkaparehas na salita sa isang pangungusap.

'Wala ka ng dahilan para mabuhay ka pa!'

See? Naulit ang salitang ka. Hindi siya ganoong kaganda basahin. Puwede mo namang tanggalin na ang salitang 'ka pa' dahil hindi na naman siya importante. (Wala ka ng dahilan para mabuhay!), mas maayos at mas magandang basahin. Again, iwasan natin ang pag-uulit ng magkaprehas na salita.

-Pansin ko rin na hindi mo pa gamay ang mga tags.

DIALOGUE TAGS- gagamitin ito kung ang mga gagamitin mong salita ay wika, ani, saad, tanong, bulong at iba pa pagkatapos ng diyalogo. Halimbawa: "Ang sweet ng boyfriend ko," ani ko.

ACTION TAGS- gagamitin naman ito kung action word ang salita after ng diyalogo. Halimbawa: "Pasaway ka!" Inihambalos ko sa kaniya ang upuan.

ADVERBIAL TAGS – Nais kong ikaw na ang tumuklas nito.


NARRATION

Ang bilis ng narration, sa totoo lang. Again, huwag tayong magmadali. Hinay-hinay lang. Mas maganda talaga kung maayos na nabuo ang bawat eksena. Hindi ko naramdaman 'yung mga emotion, hindi ako nadala sa bawat tauhan at bawat eksena. Hindi kasi maayos ang pagpili ng mga salitang gagamitin na siyang nakapagpapabawas sa ganda nito. Maraming tutorial sa youtube kung paano nga ba mag-narrate ng maayos at malinis. Mayroon ding mga writing group ang nagsulputan ngayon na siyang makatutulong sa iyo para mag-improve. Ito lang ang masasabi ko dahil halos karamihan sa nasabi ko ay negative feedback. Sana ay may natutunan ka, sulat lang nang sulat!

B&W Book AwardsWhere stories live. Discover now