LONG DISTANCE RELATIONSHIP

29 7 5
                                    

Relasyon nating nabuo lang ng dahil sa komunikasyon,
Gawa sa teleponong likha ng makabagong panahon,
Hayaan mong ikuwento ko,
Ang pagmamahalan nating parang totoo.

Habang hawak ko ang selpon ko,
Bigla nalang tumunog ito,
Kala ko kung ano na yun pala'y nag message ka,
Sinabi mo saakin ay simpleng 'Hi' lang,
Nag reply ako sayo ng 'Hello' hanggang sa nag tuloy tuloy na.

Di ko alam kung anong meron sayo,
Kung bakit nahulog ako sayo,
Pero isa lang ang masasabi ko,
Gusto ko kung ano ang nararamdaman ko sayo.

Kahit na ilang buwan palang tayong magkakilala,
Nahulog na ako sayo ng sobra,
Dahil sa matatamis mong salita,
At ang dahil iyong pagiging maalaga.

Hanggang sa dumating na nanligaw ka,
Ilang buwan palang sinagot na kita,
Kasi yung panahon na yun,
Mahal na kita.

Tumagal din ang ating relasyon,
Pero bakit ganun?,
Naging malamig na ang mga messages mo,
May nagawa ba ako?
Kung meron man sana sinabi mo.

Minsan ka nalang kung mag message,
Di ka masyadong maalaga saakin,
Mukha na akong tanga sa kakahintay na mag message ka,
Pero kahit ganun pinagpatuloy ko na parin,
Kasi mahal kita.

Hanggang sa dumating na sa punto na,
Sumuko kana......
Kasi may mahal ka na palang iba,
Bakit di mo sinabi agad?
Bakit pinatagal mo pa?
Ang tagal nyo na pala,
Tapos ngayon mo lang sinabi kasi natatakot ka,
Natatakot kang masaktan ako kasi sya ang pipiliin mo.

Mas malapit sya kumpara saakin,
Nahahawakan mo sya di gaya saakin,
Nahahalikan mo sya kahit kailan mo gusto,
At higit sa lahat nandyan sya para sayo samantalang ako nandito......malayo sayo.

Kaya kahit na masakit para saakin pinalaya kita,
Kasi dyan ka masaya,
Nandyan ka kasi samantalang ako nandito malayong malayo sayo,
Kaya sana masaya ka sa piling nya,
Kahit masakit para sakin tatanggapin ko,
Para lang sa ikasasaya mo.

Long Distance RelationshipWhere stories live. Discover now