Dai 4-shō

3 1 0
                                    

"Ms. Sanem, are you with me? Sanem!", I came back to my senses just now, woah nasaan ba utak ko? Lutang na lutang ako.

Hindi ko man masisi ang sarili ko kun bakit ako ganito ngayon, lintik na lalaki yun!

Napatingin ako kay Zac na katabi ko ngayon sa paglalakad, pabalik kami ulit sa girl's dormitory na mukhang hotel ang dating. Naabutan niya ako na palutang-lutang ang utak doon sa room kung saan naman ako iniwan nung lalaki na may topak din yata sa utak kahit pangalan niya ay hindi ko naitanong.

"I've talked here for almost forever, pero ni isa hindi yata ako napakinggan," he said in frustration while looking at me.

"Ha?", I wondered.

"Ayoko ng magsalita, I'll explain tomorrow. This is your key card with its room number on the 3rd foor. Just wake up early tomorrow for your class schedule. I already fixed it a while ago. You can go now to your room and rest for today.", Mabilis niyang sabi pero naintindihan ko naman. Aalis na sana siya ng lingunin niya ako ulit.

" Your baggage was already in your room....and I wonder if you can go to the dormitory alone?", he looked worried a bit.

" I can manage Sir Zac. Thanks for the help", I answered back. I think kaya ko naman, medyo kabisado ko na rin ang papunta sa dorm. At medyo nahihiya na din ako kasi iniwan ko siya kanina at hinanap pa niya at ngayon sasamahan pa niya ako pabalik. Baka may gagawin pa siya ibang trabaho.

"You sure?", He smiled.

"Yes," with a thumb's up.

"Ok, but don't put sir on my name.", mas lumawak pa ang ngiti niya. Tumango lang ako bilang sagot dun sa request niya.

Isa-isa kong tinitignan ang bawat pintuan ng kuarto hanggang sa nakita ko rin ang room #315. Pati ang style ng pagbukas gamit ang keycard ay pareho talaga sa mga new constructed hotel ngayon sa bansa. Technology knows no boundaries talaga. Pagbukas ko, nilagay ko ang card sa side para bumukas ang ilaw sa loob ng silid and what a surprise for me ng makita ang full package na kuarto.

To my surprise ay napatalon ako sa kama agad na as soft as cotton, wala akong hahanapin pa na ibang bagay dahil kompleto talaga ang nasa loob ng kuarto. What a room?!, May mini couch sa harap ng flatscreen tv, with complete utensils sa kitchen area kasama na dun ang cute na mini ref, and to my awe may balcony pa sa likod na kaharap ang magandang view ng dagat sa kalayuan. Kaya pala ang layo ng lugar eh sa gilid pala ng dagat. Ang comfort room having enough space to have a bathtub? This school is luxury! Magkano ang tuition dito? Can my mother afford this kind of expensiveness? Anyways, need to relax there later after I settle my personal belongings. Gusto ko ang kuarto na ito. Not just I like this, I love it super!

Nagutom ako sa kalagitnaan ng pag-aayos ng mga gamit ko sa bagong favorite tambayan ko. I walk straight to the kitchen to check out what I can cook for myself. But I forgot Mama and I didn't buy any groceries before coming here although still I check the refrigerator.

" Akala ko....., Yes!", sabay kilig habang ngiting- ngiti ako sa laman ng ref. Akala ko walang laman. What can I say? Students here are full compensated. My mini ref is full of stocks of food. Fish, meat, veggies and fruits, crackers, curls, fresh milk, juice and so may more. I wonder how these things fit in a small storage?

Without a second thought nagluto agad ako. Need to feed my little tummy here. After a while I brought myself at the balcony with my food. Best area in this room to eat alone. My heart aches again thinking mag-isa nga ako dito. I miss Mama kahit strict siya, minsan walang pakialam. I wonder if she's thinking about me too, namimiss kaya din niya ako? Kahit ayoko man, what can I do? Nandito na ito, I can ran away anymore.

Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko ng biglang may tumunog sa loob ng kuarto ko. Parang isang alarm. Dali- dali kong hinanap kung saan galing ito.

"What the hell?", Napamura tuloy ako ng makita ang isang mini speaker na nakadikit sa wall sa side ng pintuan.

All students, please gather at the dining area. Lunch is ready to serve. Thank you.

"Tama ba ang narinig ko? Lunch? May dining area dito?", out of my curiosity ay sinunod ko ang utos mula sa mini speaker. Kahit busog na ako ay pupunta ako sa dining area. Lumabas ako ng kuarto, tulad ko may mga estudyante din ang lumalabas sa kanya-kanyang kuarto. So ibig sabihin hindi pare-pareho ang mga schedule ng klase. Hindi rin kasi sila naka school uniform tulad ko. Sumusunod lang ako sa likod nila to make sure I'm not going to lost.

Napakamot ako ng ulo ng bumaba kami sa lobby at tuluyan lumabas sa dorm, I thought sa loob lang ng building ang dining area. Tuloy lang ang pagsunod ko sa kanila ng dumating kami sa isang one storey building. Maraming students ang pumapasok doon regardless of gender. So, dining area ito ng lahat.

"Shit!", napamura ako. I was in awe ng pagkapasok ko sa loob. Hindi ito dining area kundi convention hall para sa akin. Napakalawak at ang ganda ng mga palamuti, soft green ang motif ang sarap sa mata at glass wall ang ginamit nila bilang pader so kita sa labas ang garden. From here, kita ko pumipila ang ibang mga students while ang iba ay kumakain na. There are four sections na puede mong pagpilian kung anong gusto mong kainin: chicken, pork, seafoods at veggies at ang mga prustas ay nakahilera lang gilid. Choose what you want.

Dali-dali akong pumila doon sa section ng seafoods. Nakakalaway kasi ang luto mukhang masarap lahat. After that dumretso ako sa section ng veggies to make it balance. Hindi ko pinahalata na bago lang ako dito. Wow! The pig in me. Bagong kain ko lang to ha.

" I didn't think you can eat that much?", Nahulog sana ang hawak kong plato. Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa gilid. Napatawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"What?", tumaas ang gilid ng labi niya ng makita niya akong nakakunot ang noo. Ngumiti naman siya doon sa babae na nasa likod na naghi sa kaniya.

"Mind your own business.", sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"Well, I'm just saying sa kung ano nakikita ko.", sumagot pa siya, akala ko ay aalis  siya dahil sa sinabi ko pero hindi,  bagkus ay sinenyasan pa niya ang babae na umurong na kanina pa yata nakangiti sa kaniya.

"Bahala ka diyan!", sabi ko sa inis.

"Tss, ang sungit.", bahagya siyang tumahimik sandali pagkatapos.

Ilang sandali ay malapit na ako sa mga pagkain na naroon sa harap. Bahagya akong tumingin sa likod at kita ko na busy siya sa pakikipag-usap sa mga babae na ngayon ay tatlo na. Nakauniform ang mga ito at sadyang pinaikli ang mga palda dahil mostly ang iba ay knee lenght. Tumingin ako sa harap ulit at hindi na sila pinansin. Finally na sa harap na ako. Mukhang masarap ang luto nila at hindi mo akalain na puro gulay ito. Well, I don't mind at all. I love veggies too.

"Miss, anong sayo?", tanong ng babae habang hawak ang container kun saan ilalagay ang pagkain. Hindi ako makapili ng mabuti kasi hindi familiar ang pangalan ng pagkain na nakasulat.

"Salad lang sa kaniya with ham", nagulat ako ng si Zac ang sumagot. Saan ba galing ang isang ito at bigla  lang din sumusulpot parang tutubi.

"Heto na miss.", sabay bigay sa akin ng container na salad nga ang laman. Papalitan  ko pa sana kaya lang dahil sa pagkagulat ay hindi ko na nagawa.

"Why are you here Zac? Di ba sa kabilang building ang dining area ng school personnel?", ako pa sana ang magtatanong ng unahan ako ng nasa likod ko na ngayon ay katabi ko na.

"Chill Cann, galit agad? Masarap kasi ang pagkain dito kaysa doon. It's lame.  Sige alis na kame.", nakangiti niyang sabi habang hawak niya ako sa braso at hinila paalis agad doon.

"What did you call him?", wala sa sarili kong tanong while hinihila pa rin niya ako. I think I heard Zac calling him Cann. I can't be wrong.

" I thought kilala mo na siya.", Tanging naging sagot niya.

Damn well.  Hindi ko alam na that guy would be Cann. For all time sake, I'm mew here!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Demon's BrideWhere stories live. Discover now