ONE SHOT STORY #1 REAL YOU

1 0 0
                                    

"The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies."






I've met this random guy from social media kung saan hindi ko inaasahang makakasundo ko sa lahat ng bagay.

He was my human diary, my supporter, my comforter , my boybest, my kuya.

Walang araw na hindi nya pinapaalala sakin na

"kain kana kapatid"

"ingat ka lagi ha"

"andito ako pag may problema ka"

"smile lang lagi di kana keot pag malungkot ka hmp"

"laban sa module ha, module lang yan"

"gusto mo load? Wala din ako nun same vibes us"

"may ipapagoogle ka ba? Pm ka lang ha"

"edit'tan kita ng video kapatid ha kasi special ka sakin"

Si kuya Ace yung nandyan lagi para sakin pag kailangan ko ng karamay. First time kong magkakuya na sa social media lang nakilala.

Akala ko perpekto na ang pagkakaibigan namin. Akala ko tama lang na nagtiwala ako sa kanya. Akala lang pala lahat.

Sunday morning nagmessage sakin ang isa kong kaibigan na si Jane.

Jane : Ash, may chika ako nakita ko sa isang page nagcomment si Nathalie minention nya si Josh yung jowa mo teh, ano yun? Kaloka haliparot ghurl!

Ako : Wth ang landi !

Biglang nagpop up ang chat head ni kuya Ace sabi nya "Hi kapatid, kain na wag magpapalipas ng gutom ingat ka lagi".

Ngunit ang nareply ko ay "Malandi ka Nathalie, may araw ka saking haliparot ka"!. Huli na ng narealize kong nasend ko ito sa kanya, dahil sguro sa inis ngunit hinayaan ko nlng hindi nya naman kilala yun eh.

On and off ang relasyon namin ni Josh dahil wala na syang time sakin pero dahil nga mahal ko still lumalaban.

Kuya Ace was always there for me nung time na sobrang down ko lalo na pag nakikipaghiwalay si josh sakin.

Kinabukasan nagising ako na walang natanggap na ni isang message galing kay Kuya Ace. Akala ko busy lang kasi online class sila kaya hinayaan ko nalang. Natapos ang isang araw na wala talaga syang message. Kaya ako nalang ang nag first move.

Me : Hi kuya magandang gabi. Busy ka po?
Ace : Magandang gabi

Awts wala ng "beshy" o "kapatid manlang" sa dulo.

Me : May problema ba tayo kuya? Ang cold mo kasi hihi.
Ace : Ha? Wala namang problema ah.
Me : Di ka naman ganyan noon eh.
Ace : Kailan ba yung noon na sinasabi mo? Dba bago pa yun. Di mo pa ako kilala.

Ouccccch, ang sakit . Ganon ba yun? Bat bigla nalang nagbago kuya ko? Sa pagkaka alam ko eh wala akong nagawang mali.

So yun hinayaan ko nalang, nagpalamig ako. Ngunit bigla syang nagmessage na syang ikinalugmok ko.

Ace : Nga pala Ash,na wrong sent ka ata kagabi HAHAHAHAHAHA sorry finorward ko kay Nathalie message mo.

Tila natulala ako saglit sa aking nabasa. Bat sila magkakilala? Bat nya nagawang eforward yun ?

Me : Haaaaa? Pooo? Wait diko gets. Bat magkakilala kayo kuya. At bakit nyo po finorward?

Ace : Bat kami magkakilala? HAHAHAHAHAHAHA

Me : Kuya let me explain 😞

Ace : Pupuntahan kita sa inyo sa Sunday wag mo na itanong kung san ko nalaman address mo. Mag usap tayo ,bye.

After nun eh nagdeactivate na sya. Dumating ang linggo at may natanggap akong message galing sa kanya.

Ace : I'll be there in 10 minutes, hintayin mo ako sa labas ng bahay nyo.

Dali² akong naligo at nagbihis dahil nga gusto kong eexplain ang side ko at malaman kung bat nya kilala si Nathalie .

Ang daming pumapasok sa isipan ko hindi parin nagsisink in ang nangyayari dahil dito hindi ko namamalayang nasa labas na pala ako ng bahay namin.

Ace : You must be Ashleah right?
Me : Y-Yes p-poooo.

Akmang lalapit ako sa kanya ngunit inunahan nya ko.

Ace : Btw you don't need to explain your side.

Saka nya ako hinalikan sa labi at napansin ko ang tunog nang pagclick ng camera.

Ace : BINGO !

Natulala ako at tumulo na lamang ang aking luha, siguro ang tanga ko para hindi ito maisip.

Ace : Ows, siguro alam mo na kung ano ang pinunta ko dito. Oo tama ang hinala mo, magkapatid kami ni Nathalie, Ash. Naalala mo pa ba kung kailan ako dumating sa buhay mo? Dba yun yung panahon na naghiwalay kayo, you were blinded by your love for Josh , matagal na sila ni Nathalie hindi mo lang napapansin. And about the kiss tsaka sa picture simple lang naman ikakalat ko na ikaw yung nagloko para hindi maging masama sa paningin ng iba si Nathalie.
Come here Nath, bigyan mo ng kopya si Ashleah.

Nathalie : Oh here's your copy Ash, poor Ashleah ano ka ngayon girl? Yan nakukuha mo sa pagiging marupok, get lost.

Nakita ko nalang na sumakay sila sa kanila van at iniwan akong lugmok. Ang hirap paniwalaan pero nangyari na.





After what happened I've realized that you can't control someone's loyalty. No matter how good you are to them, doesn't mean that they will treat you the same.

No matter how much they mean to you, doesn't mean that they'll value you the same. Sometimes the people you love the most, turn out to be the people you can trust the least.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now