Chapter 9

13 0 0
                                    

#FILWTS09 CHAPTER09

Pagmulat ng mata ko may kakaibang pakiramdam akong naramdaman, yung pakiramdam na bago sakin. Ngayon ko lang naramdam 

At dahil sa naisip ko na yun bigla ko nalang napagtanto na nakangiti na pala ako

Sandali nga? Nababaliw na yata ako

Kaya ay sunod sunod kong iniling ang ulo ko at bumangon mula sa kama ko, pagkatayo ko agad kong kinuha yung cellphone ko para tingnan yung oras

5:00 am

Sunod kong tinungo yung c.r para makapagsilpiyo. Pag bukas ko mukha niya ang una kong nakita na tila ba ay payapang natutulong nilibot ko ang tingin ko upang makita ang kabuuan niya

Tyaka ko lang napagtantong matagal na pala ako sa kanya ay nakatitig ng magsalubong ang tingin niya, dahan dahan nalang siyang nagmulat ng mata paraan upang magtagpo ang tingin namin dalawa

Ilang segundo rin ang inabot bago niya mapagtanto ang sitwasyon. Agad agad din naman siya bumangon at inayos ang sarili ng kaunti at tila ba'y hindi mapakaling nakatingin sakin na minsan mo lang mababakas sa mukha niya

"Sorry. Gagamitin mo ba yung C.R sorry uli ha aayusin ko lang yung mga pinaggamitin ko" Sunod sunod na hingi  niya ng tawad na hindi naman kailangan

Talagang diyan nga siya natulog. Lakas

Bakit ba parang balisa siya? Hindi naman siya ganyan kasi madalas ay ang kapal ng mukha niya na para bang wala ng hiya sa katawan

"Sige" Sa dami ng gusto kong sabihin 'sige' lang ang nasabi ko

Hay lagi nalang

Pagkasabi non ay tumungo ako sa mesa para hintayin siyang matapos. Mayroon akong nakitang bag na nakapatong sa mesa at sa tabi non ay cellphone kay Chase siguro to

Sakto naman nung nakatingin ako sa cellphone ay bigla yung umilaw

At may isang text message akong nabasa.

FROM: Bruhilda

   Good Morning, Darling. May utang ka pa sakin hehe. Eat your breakfast and mapahinga ka rin wag puro trabaho. Always remember na i'm here lang always I love you take caree

 Matapos mabasa yun ay napatingin ako sa bandang C.R alam kong may sapak sa ulo si Chase pero nasobrahan na talaga siya sa katangahan para lagi nalang baliwalain ng ganon si Celestine lagi

Pero malay ko rin naman baka sweet din naman siya kay Celestine minsan kasi ganon yung mga magkakarelasyon

Pero bakit ko ba iniisip yun!?

"Okay na"

"Ay bobo!" Nasigaw ko sa gulat ang lalim kasi ng inisip ko tas bigla ng magsasalita diyan

Halatang pinipigilan niya ang sarili niya matawa kaya nag iwas nalang siya ng tingin. Wala ba siya sa mood? 

Hindi naman kasi siya ganyan umasta e

"Nag tataas ka pala ng boses?" Takang tanong niya

"Oo naman" Sagot ko 

"Salamat pala sa pagpapatulog sakin dito, alis na ako" Ani Chase at nagsimula na siyang mag ayos ng gamit niya 

Tumango lang ako

Hindi pa ako makaligo nandito pa kasi siya

Masasabi ko pa rin na hindi ko pa siya pinagkakatiwalaan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(Sky Series #2) Fall Inlove With The Sky (ON-GOING)Where stories live. Discover now