Prologue

24 5 1
                                    

Masaya kaming kumakain ng pamilya ko sa isang pansitan,nag didiwang kasi kami dahil topnotcher ang bunso naming anak na si vincent sa Physician Licensure exam. Tinignan ko ang masaya nitong  mukha at napapangiti na din ako dahil sa tagumpay na nakamit nito.

bumaling naman ako sa aking asawa na ngayon ay nakatingin lang sa akin na tila may hinahanap na kasagutan sa aking mga mata, napataas ako ng kilay.

"saan ka nakakuha ng pera?" mariin nitong tanong sa akin.

Agad akong nadaanan ng kaba,samantala ang bunso naming anak naman ay nagtatakang nakatingin na sa aming mag asawa, nag umpisa ng maglikot ang aking mga mata.

hindi ko alam kung saan ako titingin, ilang taon na din ang pangungulit ng aking asawa na magkaroon ng kasagutan ang kanyang mga tanong ngunit iniiwasan ko talaga iyong mapag usapan.

Napakuyom ang aking mga kamay dahil nanginginig din ito, pinagpawisan din ako ng malamig sa noo. Pinilit kong labanan ang diretsong tingin ng aking asawa na sagad hanggang buto.

napakunot noo ito sa aking reaksyon, kaya nman pinakalma ko ang aking sarili para sumagot.

"i..im.importante pa ba..ba..yun?" napapikit ako dahil sa pagkautal utal. Agad akong yumuko,nanginginig din ang aking  buong  katawan at tinaliman ko ng tingin ang aking mga kamay na nanginginig padin..

Nagkaroon ng katahimikan..

Iaangat ko sana ang ulo ko para tignan ang asawa ko pero bago ko pa yun magawa ay may narinig akong isang putok ng baril na agad na tumama sa akin.

agad na nagkagulo ang mga tao sa loob ng pansitan at kumaripas ng takbo palabas...

pabagsak na sana ako sa sahig ng may sumalo sa akin, pinilit kong balingan kung sino iyon  at nabungaran ko ang mukha ng aking asawa na walang humpay sa pag iyak, at sa likod niya si vincent na nag mamadaling nag pipindot sa cellphone nito at may tinawagan, halatang nag pa panic din ito, bakas sa mukha nito ang pag aalala, galit at sakit.

May muling bala na tumama sa akin at tuluyan na akong napaubo ng  dugo.

Sa panghihina ay pilit ko pa ding itinaas ang kamay ko para haplusin ang mukha ng aking asawa na ngayon ay nag sisigaw na, agad naman nitong hinawakan  ang aking kamay at dinala ito sa kanyang mga labi, marahan itong hinalikan. Naramdaman ko ding lumapit ang bunso naming anak sa gilid ko, tumulo ang luha sa aking mga mata..
hirap na hirap na akong makahinga.

Agad na nagpanic ang aking asawa at nag salita naman si vincent.

"nay, lumaban ka nay, parating na ang ambulansya nay" nanginginig ang boses nito.

"da..da..dalhin ka..namin sa ospital, lumaban ka mahal" pag mamakaawa ng aking asawa,pero bago pa niya ako mapasan ay umiling na ako.

"bakit mo iyon ginawa?!"nanginginig na sigaw pa din nito, mukhang nakuha na nito ang sagot sa kanyang mga tanong.

Hindi ko na magawang sagutin iyon dahil nag umpisa ng dumilim ang aking paningin.











A mother's Cry Where stories live. Discover now