I'M HIS GIRL PART 3

125 6 0
                                    

I'M HIS GIRL PART 3

After hearing those words from Ruffa makes me really weak at that moment. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya na may taning na nga talaga ang buhay niya.

Paano kung oo? Pagsabat ng konsensya ko.

Paano nga kung totoong may sakit pala siya? Papatawarin ko na ba siya? Pero hindi ganoon kadali magpatawad lalo na kung sobrang laki ng nagawa niya na kasalanan.

"You look bothered? Is it because of your ex bestfriend?" Kenzo asked. Ihahatid na niya ako sa bahay. Sa lagay ko ngayon hindi ko kakayanin pumasok. I can't even focus. I just wanted to do right now is to cry and release my pain in my room.

I didn't answered him as I took a deep breath and closed my eyes. Kahit ngayon lang, gusto ko makalimot. Sobrang sakit ng mga nangyari sa akin ngayon araw.

Lalo na sa part na pinagtatangol na naman ng pesteng lalaking iyon si Ruffa sa harapan ko.

"We're here."

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay kaya lumabas na ako ng kotse.

Hinarap ko si Kenzo sabay ngiti ng pilit. Sa mga oras na ito, hindi ko magagawang ngumiti ng totoo.

"Thank you," sabi ko na lang at akmang tatalikod nang bigla ako higitin ni Kenzo at niyakap nang mahigpit.

I don't know but I suddenly break down in his arms. Pakiramdam ko sa mga oras na ito pasan ko ang mundo. Akala ko talaga okay na okay na ako. Akala ko matapang na ako at kaya na kalabanin ang mundo pero lahat ng iyon mali. Isa pa rin akong mahinang babae. Mahinang babae na iiyakan ng paulit-ulit ang lalaking nanloko sa kaniya. Yeah, that's me. My physical appearance may change but not my emotional feelings.

I still love him. I really do. Nothing changed.

"I'm just here, Ame ko. Palagi lang ako nasa tabi mo. Handa ako maging panyo mo sa mga panahon na kailangan mo ng isang katulad ko--katulad ko na handa ka damayan sa lahat ng pagkakataon," he softly said while patting my back.

Ilang minuto ang nakalipas ay nag-decide na ako na lumayo sa pagkakayakap niya. Nakakahiya rin dahil basa na ng luha yung uniform na suot niya.

"Feeling well?" This time nakangiti na siya kaya tumango ako. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Yung sakit na naipon ng ilang araw, linggo, buwan,nailabas ko na. Ngayon lang ulit may dumamay sa akin sa tuwing may problema ako. Dati-rati kasi si Ru--I mean yung tinuturing ko na kapatid noon ang palagi nasa tabi ko pero ngayon wala na.

"Salamat ulit,ah. Hindi mo na sana ginawa iyon, nabasa pa tuloy uniform mo," nahihiya ko na sabi.

"It's nothing. Lahat kaya ko gawin basta para sa'yo, Ame ko."

I just laughed. Tsk, bolero.

"Sige na umalis ka na. Maaga pa naman p'wede ka pa pumasok."

"You sure?"

"Yes. Sige na, salamat ulit."

He nodded. " Alright. Don't hesitate to text me okay? Wala pala ako number sa'yo, I'll just text you later," he said and winked at me before walking back to his car.

My jaw was dropped. How can he text me if he didn't know what my number is?

As usual, nagkulong na naman ako sa kuwarto ko. Nag-alala na naman sa akin si Mommy pero sinabi ko na okay lang ako kaya wala siya nagawa kung hindi hayaan ako sa gusto ko.

Sumapit ang gabi may luha pa rin na tumutulo mula sa mata ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang binitiwan ni Ruffa bago namin lisanin ang restaurant kanina.

I'M HIS GIRLWhere stories live. Discover now