Just a Bestfriend

15 3 2
                                    

Just a Bestfriend: 1 (Aika Yssa Sanchez and Justin Kleo Geronimo)

"Aika,nandito na si Kleo!" Sigaw ni Mama kaya kinuha kona ang bag ko at bumaba.

"Alis napo kami Ma." Paalam ko at hinila si Kleo.

"Umuwi ka agad pagtapos ng practice nayan ha!" Sigaw pa ni Mama.

"Opo!" Sagot ko.

"Aba'y siguraduhin mo lang kung hindi ay malilintikan ka." Pananakot pa ni Mama.

"Bye tita!" Paalam ni Kleo."Umuwi ka daw pagtapos ng practice kundi malilintikan ka." Pangaasar nya.

"Sapak gusto mo?" Pagbabanta ko sa kanya.

"Eto naman di mabiro,Joke lang yun Aika bungal." Natatawang sabi nya pa.

"Happy Yun?" Sabi ko at inunahan syang maglakad.

"Woii joke lang naman Aika bunga este Aika kyutt." Panguuto nya.

"Kwento mo sa pader bahala ka dyan." Sabi ko at binuksan ang maliit na gate ng court.

"Topakin ka talaga araw araw legit." Sabi nya pa.

"Aikaaaaaa!" Rinig ko agad ang malakas na bunganga ni Raizlyn pagpasok namin ni Kleo sa loob."Kasama mo pala tong lalaki nato." Sabi nya pa ng makalapit saamin.

"Hola Raizlyn! Kamusta height natin dyan? Di parin lumaki ah." Pangaasar ni Kleo kay Raizlyn.

'They are my Highschool Bestfriend.'

"Bwiset karin minsan eh no." Halatang pikon na sabi ni Raizlyn.

"Di kayo mabirong dalawa,para kayong kambal...kambal tuko." Natatawang pangaasar nya tsaka tumakbo papunta sa teammates nya.

"Bwiset talaga minsan yang si Kleo." Sabi pa ni Raizlyn habang tanaw tingin namin si Kleo.

"Lagi kamo." Natatawang sabi ko at nilagay ang bag ko sa kahabaang upuan doon at naupo.

"Btw may chika akech sayo." Sabi nya pa at naupo sa tabi ko.

"Break na sila ng jowa ng crush mo?" Natatawang sabi ko.

"Hindi, pero soon yarn." Sabi nya pa at tumawa ng malakas. Tinapik ko sya tsaka nya lang naisip na nakakahiya yung ginawa nya.

'Boang rin to kahit minsan eh.'

Napangiti ako nang dahil sa naisip ko."Tungkol saan ba yang chika mo? Sa anak ni Aling Marites." Sabi ko pa.

"Hindi rin, So eto nga nakita ko kanina yung anak ni Aling Carmen ang pogi nya like waaaah huhu." Sabi nya pa at may pa arte effect pang nalalaman.

"Araw araw ko yun nakikita." Natatawang sabi ko.

"Iniistalk mo yun noh?" Tamang hinalang aniya.

"Katapat lang ng bahay namin yun, iniistalk ka dyan. Tsaka pogi nga pero diko type." Sabi ko pa at tumingin sa direksyon ni Kleo.

Ngumiti ito saakin kaya sinuklian ko rin iyun ng matamis na ngiti. "Kaya naman pala." Rinig kong sabi pa ni Raizlyn.

"Ano?" Tanong ko.

Just a Bestfriend:1 (Aika Yssa Sanchez and Justin Kleo Geronimo)Where stories live. Discover now