Hide and Seek

362 18 3
                                    

"Mark ikaw na ang taya" sigaw ni Erick sabay takbo.

Mahilig ako sa adventure kasama ang mga kabarkada ko.

Napag-isipan naming pumunta rito para malibang at dahil sa hindi pa ako nakakapunta dito sa kadahilanang pinagbabawalan ako ng mga magulang ko kasi may kaka-iba daw sa lugar na ito. Pero dahil sa matigas ang ulo ko, tumakas ako kasama sa mga kabarkada ko.

"Mark ang tagal mo naman maghanap!"
Ang hirap pala talagang maging taya sa hide and seek na laro.

"Oo na po mga kumag" sigaw ko

Una kong hinanap si Erick kaya napunta ako sa lumang bahay na katapat ng lupain namin. Nang nakapasok ako bigla nalang akong nakaramdam ng ginaw at kilabot kaya agad akong tumakbo palayo sa bahay na yun.

"Nolf nakita na kita" sabi ko nang makita ko si Nolf na nasa likod pa talaga ng puno kung saan kitang-kita siya. Si Nolf medyo chubby habang ang puno di naman ganon kalaki.

"Ano ba yan, bro" sabi niya

"Kelvin" sigaw ko na naman nang nakita ko si Kelvin sa likod ng lumang bahay at hanggang sa sunod-sunod ko na silang nakita..

Noff

Kelvin

Benji

Chrill

Lumipas na ang ilang minuto pero hindi ko pa rin nakikita si Erick at dahil sa nagalala na kami, tinulungan na nila ako.

"Bro, di mo pa ba nakita?" Tanong ni Benji

"Di pa Benj eh"

"Ano kaya nangyari don maggagabi na ah" napatingin ako sa cellphone ko 5:13 na pala.

"Bro, tawagan kaya natin cellphone ko nasa kanya kasi" sabi ni Chrill.

"Ano number mo?" tanong ni Noff

"Oh ito 09********1" pagkabigay ni Chrill, agad nang tinawagan ito ni Noff.

Pero walang sumagot. Nakailang ring na rin pero wala pa rin.

"Mga iho, ano ginagawa niyo rito?, hindi dapat kayo nandirito" Sabi nung babaeng matanda na naglalakad.

"Po? Bakit po lola?" Magalang na sabi ni Benji atsaka kailan pa to naging magalang?

"Basta mga iho kung ayaw niyo mawala sa mundong ito wag na wag kayong pumasok sa bahay na yon" sabi ni lola sabay turo sa lumang bahay at nagsimula na ulit maglakad.

"Hahahah, mga bro nababaliw ba yun si lola? Mawawala sa mundo pagpumasok sa bahay na yun? Eh nandoon nga ako kanina pero wala namang nangyari sakin pwera nalang kay Erick, hahah" tawang sabi ni Kelvin.

"Kelvin? 'Pwera nalang kay Erick' so ang ibig mong sabihin pumasok si Erick sa lumang bahay na yun" sabi ko sabay turo sa bahay na yun.

"Oo pero hindi ako sigurado kong pumasok ba talaga siya basta nakita ko siya kaninang papasok nung naglaro tayo" sagot niya.

"Kelvin, Noff, Benji, Chrill baka nandoon pa si Erick tara punta na tayo" sabi ko.

"Bro, bukas nalang maggagabi na oh, tsaka narinig mo ba yung sinabi ni lola?" Sabi ni Noff, Hays tong kumag nato talaga ang sabihin niya takot siya.

"Ayaw mo non adventure? Duwag ka talaga"

"Tara na nga!" Sabi nalang niya.

Hide And Seek (One Shot Story)Where stories live. Discover now