8

921 73 3
                                    

LA PESCADORA ( The Fisherwoman )

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Unedited....

"Matter! Long time no see!" masiglang sabi ni Moon at agad na niyakap si Matter na kakababa lang ng chopper sa helipad ng mansion nila. "Huwag mo 'kong tingnan ng ganyan," ani Matter nang lumayo sa kapatid dahil ne hindi man lang ito gumanti ng yakap sa kaniya.
"Wala ba talaga siyang maalala?" tanong ni Moon.
Pito silang magkakapatid. Tawag sa kanila ay team galaxy. Close sila lalo na sina Star, Moon at Matter.
"Nasaan ang kuwarto ko? Gusto ko nang magpahinga?" pagod na tanong ni Matter.
"Halika, samahan kita," yaya ni Taira saka bumaba na.
"S-Si Matter?" humahangos na tanong ni Star habang paakyat ng hagdan. Ngayon lang sila tinext ng ama na si Matter nga ang gift ng ama nila s birthday nila.
"He's here! He's here!" sigaw ni Moon na pababa na rin kasunod nina Matter.
"Matter!" sigaw ulit ni Star nang makita ang kapatid. Sinalubong niya ito at niyakap pero kagaya kay Moon, wala itong reaksiyon. Sumenyas si Moon kaya lumayo si Star at tinitigan ang kapatid. "H-Hindi mo ako naalala? Siya si Moon, ikaw si Matter at ako naman si Star. Team galaxy tayo."
"Anak? Hayaan muna ninyong magpahinga ang kapatid mo," pakiusap ni Taira na ikinasimangot ni Star.
"Haist! Bakit ba nakalimutan mo kami?" naiinis na sabi ni Moon.
Tuloy-tuloy si Matter sa kuwarto niya.
"Ito naman ang kuwarto mo. Dito ka na muna habang hindi ka pa nakukuha ng asawa mo," sabi ni Taira na inayos ang gamit na ipapaligo ni Matter. Naupo siya sa tabi ni Matter sa kama. "Anak? Ang laki ng ipinayat mo. Hayaan mo, ipa-laser natin ang mga sugat mo."
"No need, hayaan mo siyang manatili sa balat ko," sabi ni Matter saka tumayo at lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina ngunit muling isinara nang sa halip na karagatan, hardin ang nakita niya.
"Alam kong naninibago ka pa. Hayaan mong tulungan ka namin na bumalik ang 'yong alaala."
Naghubad ng damit si Matter kaya napatutop si Taira sa bibig. Ang daming peklat sa katawan nito at may mahabang sugat sa kaliwang dibdib.
"Pakisara ng pinto kapag lumabas ka na," sabi ni Matter at pumasok sa shower room.
Bumagsak ang mga luha ni Taira. Wala man lang siyang nagawa noong maaksidente ang anak. Noong panahong nag-aagaw buhay si Matter, wala silang nagawa ni Sky para tulungan ito.
Nanghihinang tumayo siya saka lumabas dahil hindi na niya kaya ang nararamdaman at naninikip ang dibdib niya.
Binuksan ni Matter ang shower nang marinig ang pagsara ng pinto. Narinig niya ang mahihinang hikbi ng ina pero wala siyang lakas para yakapin ito.
"Venize," bulong niya habang nababasa ng shower ang buong katawan niya. Naninibago siya sa mga gamit lalo na sa gara ng buong paligid. Kailangan niyang sayangin ang sariling hindi na sina Ocean at Venize ang nandiyan sa tabi niya.
Pagkatapos niyang maligo, isinuot niya ang tshirt at pajamang pambahay na inihanda ng kaniyang ina.
"Shit!" bulalas niya nang biglang bumukas ang pinto.
"Matter!"
"Kapatid!"
Sabay-sabay na pumasok ang dalawang kapatid. Bago pa siya makagalaw, sabay na yumakap ang mga ito sa kaniya.
"Ako pala si Clouds."
"I'm Sun."
Pagpakilala ng dalawa pero walang emosyon si Matter.
"Damn! May amnesia ka nga!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Sun.
"Sabing huwag kayong pumasok eh!" saway ni Moon na napadaan. "Labas na nga muna kayo."
Hinatak niya palabas ang dalawa.
"Sandali, kausapin ko si Matter," ani Clouds na tinulak si Moon kaya agad na sumaklolo si Star sa mga kapatid. Ayun, nagkakagulo na silang magkapatid kaya nang makalabas, pabagsak na isinara ni Matter ang pinto dahil lalo siyang nahilo sa mga ito.
Nahiga siya sa kama at dahil sa pagod, agad siyang nakatulog. Ne hindi na nga niya naramdaman ang pagpasok ng ina at paglagay ng pagkain sa bedside table niya.
Madaling araw na siyang nagising. Agad na bumangon siya.
"Ven?" tawag niya at nangapa sa dilim. "Asan ang lampara?" tanong ni Matter. Biglang lumiwanag ang buong silid at si Taira ang nakita niya kaya para siyang sinampal ng malamig na yelo sa katotohanang wala na siya sa isla.
"Pasensiya ka na, nanaginip ka yata," paumanhin ni Taira na naalimpungatan kay Matter. Tumabi siya sa anak dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang buhay ito.
"Hindi lang ako sanay," sabi ni Matter at napasulyap sa pagkain sa bedside table.
"K-Kumain ka muna, initin ko lang," natarantang sabi ni Taira dahil may microwave naman sa kuwarto.
"Wala akong gana."
"Pero anak, wala pang laman ng sikmura mo mula kagab--" Hindi na niya itinuloy ang sasabihin nang muling mahiga si Matter at nagtalukbong.
"Could you please turn off the AC? Giniginaw po ako."
Napabuntonghininga si Taira saka pinatay ang aircon. Nami-miss na niya ang dating anak. Sana man lang maalala siya nito. Hindi na niya pinatay ang ilaw at tumabi kay Matter.
"Sana maalala mo kami dahil miss ka na namin lalo na ng daddy mo," sabi niya sa anak na nakatalikod sa kaniya. "Si Sky, na-rehab siya nang mabalitaan ang nangyari sa 'yo. Pabalik-balik din kami sa hospital."
"I could feel na ikaw nga ang nanay ko," mahinang sabi ni Matter na at nagpahila na sa antok.
"I love you, son," bulong ni Taira at hinalikan sa noo ang anak saka masayang lumabas.
Kinabukasan, maaga pang bumangon si Matter. Nagulat siya nang pagbaba ng hagdan, puno ng tao sa sala at may banner pa, "Welcome home, Matter!"
Pagbaba niya, sabay-sabay na niyakap siya ng mga ito at todo iyak si Skyler nang makita ang apo.
Isa-isa ring nagpakilala ang mga ito sa kaniya. Tita, tito, lolo, lola, pinsan at mga pamangkin. Naging masaya ang lahat maliban sa kaniya.
May malaking handaan sa hardin. Nagmistulang fiesta ang mesa dahil sa limang litson at maraming pagkain pero ang tabang ng panlasa ni Matter. Naunawaan naman siya ng buong Villafuerte dahil sa kalagyan niya kaya hindi muna siya pinuwersa ng mga ito.
"M-Matter!"
Lahat sila ay natahimik nang tinawag siya ng babaeng kapasok lang.
"Oh my ghad, s-sweetheart!" naiiyak na sabi nito. Blangko ang mukhang tiningnan ni Matter ang seksi at magandang babaeng palapit sa kaniya.
"I-Ikaw nga. B-Buhay ka..." umiiyak na sabi ni Rose saka niyakap ang asawa. "Oh my ghad!"
Lahat ng pamilya ay nakatingin sa kanila. Naging saksi sila kung gaano kasaya ang mag-asawa at kung gaano kamahal ni Matter si Rose kaya umaasa silang kahit ito man lang ay maalala nito.
Tinanggal ni Matter ang mga kamay ni Rose na nakapulupot sa leeg niya saka tumayo at pinagmasdan ang babaeng umiiyak sa harapan niya.
"S-Sweetheart? I'm glad na makita ka. A-Alam mo bang halos ikamatay ko ang pagkawala mo?" luhaang sabi ni Rose. Puno ng pag-asa ang mga mata habang nakatingala sa asawang pumayat man pero hindi pa rin nawawala ang kaguwapuhan.
"Pasensiya ka na, hindi kita maalala," walang kabuhay-buhay na sagot ni Matter kaya lahat sila ay napanganga.
"I-It's okay. H-Hayaan mong t-tulungan kitang maalala ang lahat," determinadong sabi ni Rose at pinahidan ang mga luha.
"S-Sweetheart," usal niya na akmang yayakapin sana si Matter pero tinalikuran siya ng asawa at naglakad ito pabalik sa silid.
Naramdaman ni Rose ang kamay na humawak sa kanang braso niya.
"Don't worry, babalik din ang alaala niya," malungkot na sabi ni Taira kaya mas lalo siyang umiyak at niyakap ang mother-in-law.
"N-Nasasaktan ako, Mommy. B-Bakit ganoon kalamig ang pakitungo niya sa akin?" luhaang sabi niya kaya umiiyak na rin ang mga babae ng Villafuerte lalo na sina Erika at Lyn.
"Hayaan mo muna siyang makapag-isip." ani Taira at napasulyap sa kuwarto ni Matter.
"H-Hindi po ako susuko. T-Tutulungan ko siyang ipaalala ang lahat ng masasaya naming alaala," sabi ni Rose.
---------------------------
Dalawang linggo nang wala si Matter. Inaapoy ng lagnat si Ocean kaya isinugod na siya ni Venize sa kabilang isla.
"Ang init ng bata," wika ni Jemson na naalimpungatan sa katok ni Venize.
"M-May motor ka?" natarantang sabi ni Venize.
"Wait," sabi ni Jemson at sumuot ng jacket saka pinaharurot ang motor patungo sa hospital.
Pagdating sa hospital, saktong may isang doctor na napadaan.
"Anong nangyari?" tanong ng matangkad na doctor.
"I-Inaapoy siya ng lagnat," sagot ni Venize kaya kinapa nito ang leeg ni Ocean.
"Shit! Bakit ngayon mo lang dinala?" tanong ng doctor at agad na dinala sa suite room ang bata at pinakuhanan ng lab.
Pabalik-balik si Venize sa labas ng kuwarto.
Bumukas ang pinto at lumabas ang doctor.
"Buti na lang dahil nadala mo siya," sabi nito na pinagpawisan.
"K-Kamusta si Ocean?" natatakot na tanong ni Venize.
Napabuntonghininga ang doctor. Ito rin ang mga mata nito nang may isinugod ito noon na lalaking nag-aagaw buhay.
"Dengue," sagot ng doctor. "Mababa ang platelet count niya kaya kailangan siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling oras."
"P-Pakiusap, iligtas ninyo siya," pakiusap ni Venize.
"Type AB ang dugo niya," sabi ng doctor kaya nanlumo si Venize. Sa islang ito, iilan lang ang type AB. Naramdaman niya ang pagtapik ng doctor sa balikat niya.
"Don't worry, may isang bag kaming available pero hindi pa rin iyon kakasya. Kailangan pa rin natin makahanap ng donor."
"A-Ako ho, type AB," sabi ni Venize.
"Hindi ka puwede," sabi ni Jemson dahil low blood si Venize at lastime na pinilit niyang magpakuha ng dugo para kay Matter ay sobrang nanghina ito.
"Wala akong pakialam basta mailigtas lang si Ocean!"
"Huwag kang mag-alala, may mga type AB na akong tinawagan," nakangiting sabi ng doctor. "Ako na ang bahala kay Ocean."
"S-Salamat," pasalamat ni Venize sa doctor.
"Magpahinga ka na, mukhang pagod na pagod ka. Baka bumagsak ka pa mamaya at dalawa na kayo ang pasyente ko," sabi ng doctor at pinapasok si Venize sa suite room at pinahiga sa malaking couch. Tatlong araw na siyang walang tulog dahil sa pagbabantay kay Ocean sa bahay nila. Si Matter kasi ang nag-aalaga nito noon habang nasa laot siya kaya hindi niya alam ang gagawin. Normally, nagiging okay naman si Ocean noon.
Umaga na siya nang magising. Wala na si Jemson at nag-iwan ito ng note sa mesa na magtatrabaho muna ito.
"O-Ocean," bulong niya habang palapit sa kapatid na natutulog. Napatingala siya sa PNSS at sa dugong isinasalin sa ugat ng kapatid.
"Morning," bati ng doctor. "Stable na ang vital signs niya. Bumaba na rin ang body temperature niya."
"S-Salamat po," pasalamat ni Venize.
"Wala iyon," sabi ng doctor. "Sila na ang bahala kay Ocean, uuwi na ako. Naibilin ko na rin sa nurses na tawagan ako kapag makakita ulit ng abnormalities sa bata."
Sinundan niya ang doctor palabas.
"Salamat po ulit, sir," pasalamat niya.
"Basta hindi na ito mauulit. Kapag may lagnat o may sakit ang bata, huwag kang mag-alinlangang itakbo siya sa hospital natin," sabi ng doctor na siya ring may-ari ng hospital.
"Opo," sagot ni Venize.
"Dad!" tawag ng lalaki na palapit sa kanila. "Hello, Venize."
"Umuwi ka na rin," sabi ng doctor sa anak at iniwan na sila.
"Kamusta si Ocean?" tanong ng lalaki.
"Okay lang, salamat sa inyo," pasalamat ni Venize at napasulyap sa right arm nitong may cotton balls na naka-plaster kaya alam niyang nag-donate rin ito ng dugo.
"Wala iyon. Huwag mo na ring isipin ang hospital bill."
"H-Hindi ko alam kung paano kayo mapasalamatan," sabi ni Venize sa lalaking kaharap. Tumawa ito.
"Madali lang," nakangising sagot nito kaya napatingala siya sa guwapo nitong mukha. "Bigyan mo ako ng pinakamalaking pusit na mahuli mo."
"S-Sir--"
"Haist! I told you, na-miss ko ang pusit. Tatlong malalaking pusit at bayad ka na."
Ngumiti si Venize. "Sure."
"Oh, gusto ko buhay na pusit. Iyong kayang tumagal ng siguro one month? Ilalagay ko lang sa aquarium ang dalawa para kapag maisipan kong lutuin, dukutin ko lang."
"Sige po."
"Bye!" paalam ng lalaki at kumindat kay Venize bago umalis.

A/n:
Bahala na kayong mag-isip kung may reader man ito. Hahaha. Silent reader lang ako.😚😚😚

LA PescadoraWhere stories live. Discover now