Chapter 5- Amnesia

3.3K 132 12
                                    

DO's POV

Mahigit isang buwan na rin kaming nandito. Masaya ako dahil masasabi kong medyo napapalapit na si Sulli sa amin. I can feel it. Malapit na, nalalapit na ang pagbabalik niya.

"DO, wtf nasunog ko na naman ang itlog mo." Narinig kong sabi ni Kai habang pilit inaalis sa frying pan ang sunog na itlog na dapat ay ipapakain niya sakin. Sa sobrang sunod na naging kakulay na ng balat niya yung itlog. Poor egg

Ang laking tao hindi marunong sa kusina. Bumuntong hininga ako bago siya lapitan at pinukpok ng sandok ang ulo niya. Dinudungisan niya ang kusina ko.

In this house, I'm the ruler of kitchen.

"Ouch! Fine I quit cooking!" Pabalya niyang nilagay sa lababo ang frying pan at sumibat paalis na siyang pagpasok naman ni Chen.

"DO nag sunog na naman ba dito si Negro? Haist rest in peace itlog." Parang batang sabi nito habang tinatapon sa basurahan ang itlog na niluto ni Kai.

Wala talagang matinong tao dito kundi ako lang. Wala rin kasi ang leader at si Kris. Kailangan kong alagaan ang siyam na damulag dito. Rest day namin ngayon pero mukhang may kanya-kanyang gawain sila. Balak ko rin sanang bisitahin si Sulli dahil ilang araw din siyang hindi pumapasok.

"Hyung, para kanino 'tong strawberry cake na nasa fridge?" Narinig kong tanong ni Sehun

"Para yan kay Sulli balak ko kasi siyang puntahan ngayon, gusto mong sumama?" sagot ko sakanya ng hindi lumilingon dahil abala pa ako sa pag-aayos sa ginawang kalat ni Kai sa minamahal kong kusina

"Talaga hyung!? Great idea maliligo lang ako." Napa-iling na lang ako dahil halata sa kanya na hindi siya excited.

"Hyung matagal paba?" Naiinip na tanong ni Sehun

"Patience" Na-stuck kasi kami sa traffic minamalas nga naman. May balat ata sa pwet si Sehun.

"Teka hyung tignan mo nga yung babaeng nakaupo sa bench. Is that Sulli noona?" Sabi niya habang tinuturo ang isang bench sa may park di kalayuan

Sideview lang pero sigurado akong si Sulli ang babaeng yon. Madali akong nag park sa tabi at pinuntahan namin ang bench. Hindi kami nagkamali.

"A-aireze?" Napa-angat naman ang ulo niya samin at nanlaki ang mata

"Anong ginagawa ninyo rito?"

"Balak ka sana naming puntahan kaso nakita ka ni Sehun dito kaya nandito kami ngayon" Paliwanag ko at napatango naman siya

"Let's eat may dala kaming strawberry cake, may malapit na coffe shop dito." Nakita ko naman ang mga mata ni Sulli na nabuhayan dahil sa narinig niya kay Sehun

"Wait lang ano kasi uhm wala akong dalang wallet." Nahihiyang sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Sehun

"It's our treat" sabay na sabi namin

Aangal pa sana siya pero hinigit na agad namin siya sa pinakamalapit ba coffee shop.

"Order anything you want." Sabi ko habang nakangiti sakanya kaya pinagpatuloy niya ang pagpili sa menu

Ilang minuto pa at binaba niya na ang menu

"Sigurado ba kayong dito tayo kakain? Ang mahal ng drinks nila dito." Mahinang bulong niya samin kaya napangiti ako doon.

Sulli kailan kapa nang hinayang sa pera pagdating sa coffee. As far as I know you're coffee addict.

"Don't mind the price. It's our treat. Kahit yung pinaka mahal pa dyan ang piliin mo." Masayang sabi ni Sehun habang pilit na pinapapili si Sulli

|| UNDER REVISION || Gangster World I: The Lost PrincessWhere stories live. Discover now