Ang Ale at Ang Bata

6 0 0
                                    

Title:Ang Ale at Ang Bata
By:Nyx_Hoci

May isang batang,
Walang kamuwang-muwang,
Nakabanggaan ang isang aleng,
Nagmamadaling naglalakad,

Ang aleng mamimili na,
Pagkapay sa bulsa,
Wala na ang pera,
Naalala nya ang bata at ito'y pinahap at nanghusga,

Ang batang walang muwang,
Hinanap ang aleng nakabangga,
Kanyang hawak na pitaka,
Ibabalik niya sana,

Ang bata'y nangalabit,
Subalit ang matanda'y bigla siyang hinagupit,
Ang bata'y humiyaw sa sakit,
Subalit ibang mga tao'y hindi nagsipaglapit,

Hinusgahan ng walang patunay,
Nanakit ng walang pakundangan,
Mga taong walang pakielam,
Hindi tumulong at ito'y pigilan,

Ang batang nasaktan,
Hinihintay nang kanyang inang nakaratay,
Walang alam sa pinangyarihan,
Tanging pag hahanap buhay lang ang tanging alam,

Batang patuloy sa pagiyak,
Na abswelto dahil sa kanyang edad,
Mga tinging akala mo may alam sa lahat,
Matang mapang husga ang pinakikita agad,

Batang pinauwi,
Puno ng pasat gusot na damit,
Sinalubong ang kanyang inang nag aalalang naka tingin,
Kanyang niyakap at sya'y ngumiti.



Compilation Of My PoemsWhere stories live. Discover now