Chapter 18

10 6 0
                                    

Author'note:ano nakuha nyo yung ibig sabihin ng clue? Hahahahah

Dwine's stage

Queen Cathy's POV

Nakaka sabog! Sobra! Nung narinig ko yung pangalan nung Mhaely ay iba na ang naramdaman ko. Tapos nung kumanta sya GRABE!.

"Ano okay kalang?" Basag ni Dwine sa pananahimik ko

Bahala ka dyan

"Okayyy Our next performer is Miss Cathy Mae Galicia and Mr. Dwine Reyes!"

Narinig ko yun pero wala parin ako sa ulirat ko pano ba naman parang kaboses ko yung Mhaely nayon wow! Iba ang lukso ng dugo ko sa kanya.

Wala naman akong kapatid only child lang ako ni mama ko kaya nga alagang alaga ako pero di ako spoiled. Ang nag spoiled lang naman sakin si Tyron eh halos lahat ng gusto ko lagi nasusunod pag sya talaga.

Actually super super miss ko na si Tyron hindi man lang kase sya nagpaalam sakin ni wala syang text sakin ang huli nyang text yung nagpaalam sya na di nya ako mahahatid sa bahay kaya yon na-miss ko tuloy sya ng sobra.

Miss ko na yung pagiging protective nya sakin yung pag aasikaso nya sakin yung panglilibre nya at kahit nakakapagtaka na mimiss ko na din yung sermon nya kala mo tatay ko sya or nakakatandang kapatid.

Knowing na si Tyron na talaga ang naging kuya ko simula ng makilala ko sya kapatid na ang turing ko sa kanya pero hindi ako manhid para hindi malaman na kapatid lang ang turing nya sakin.

Nagkunwari lang ako sa pang-aasar sakin ni Brian non dahil nga ayokong pag-usapan si Tyron ng time nayon kaya no choice ako kundi paki-pag-asaran sa gagong yun.

At isa pa may konti akong tampo kay Tyron nun dahil ilang araw na syang hindi pagpapakita sakin naiinis lang ako sa kanya pero siguro kapag nag-usap kami ay okay na kami nyan para lang talaga kaming magkapatid.

"CATHY!" bigalang sigaw sakin kaya napa sigaw ako sa tawag sakin nayun ni Dwine.

"ANO BA?! bakit ka naninigaw?!" Gulat kong sabi sa kanya

"Cathy kanina pa tayo tinatawag ako kaba?! Tara na madidisqualifi tayo sa ginagawa mong pagtunganga dyan Tyron Tyron pa tskkk..."

Ptfft?! Tyron?!

Takte! Tinatawag na pala nya ako! Diko alam yun! Haysss! Tapos tinawag ko ang pangalan ni Tyron? Bwesit arghhh!!.

Sumama nako kay Dwine dahil baka nga madisqualifi kami kapag pinagpatuloy ko.lang ang pagtutunganga.

Sumakay---este sumampa kami ni Dwine sa stage saka ko lang na realize na sobra palang daming tao dun sa baba takte! Hagard ko!.

Epal kase si Dwine yan tuloy di ako nakapag ayos hagard kong haharap sa stage kaiinis! Bakit ba kase bigla nalng pumasok si Tyron sa isip ko haytts!!

Nag simula na syang tumugtog intro palang naman yung tinutugtog nya pero bakit ang ganda na sa pandinig ko hayy nako Dwine kung ako lang sayo paglalaban ko nalang yung gusto ko.

At kung ipaglalaban mo lang yung pangarap mo at maging sikat na singer ka nga ako ang number one fans mo promise!.

"When the day is said and done and in the middle of the night and you're fast asleep, my love. Stay awake looking at your beauty Telling myself I'm the luckiest man alive."

All started with A dareWhere stories live. Discover now