CHAPTER 1

51 8 0
                                    

The surroundings are noisy because of the shouts of the people and the loud music can be heard almost deafening.  Nasa bar ako ngayon kasama ang kaibigan Kong si Najia. Nagpapakalunod lang naman ako sa alak kahit na hindi ko naman talaga kinakaya ang tapang nito pati narin ang lasa kaya naman bawat lagok ko ay parang gusto ko itong isuka pero pinipilit ko parin ang sarili dahil sa pagkasawi ko ngayon.

"Ano ba Shanna, kanina ka Pa umiinom that's enough. Umuwi na tayo"suway sakin ni Najia habang inaagaw ang basong hawak ko na pilit ko namang inilalayo sa kanya.

"Hayaan mo muna ako, akala ko ba kaya ka nandito ay para samahan ako"reklamo ko sa kanya habang tinutungga ang alak sa baso.

"Alam mo kahit magpakalunod ka Pa diyan wala ng magbabago, hiwalay na kayo"sabi niya na agad Kong sinamaan ng tingin pero napa-irap lang siya.

'Hindi ko Pa nga tanggap tapos pinapaalala niya pa'

Nag break kami ng boyfriend Kong si Chad, hindi ko alam kung Anong problema at nakipag hiwalay siya sakin.

Ayaw niyang mag explain kahit na pinipilit ko siyang sabihin sakin kung bakit. Gusto ko siyang murahin dahil parang ang dali lang sa kanyang sabihin na hiwalay na kami.

Nasayang ang matagal naming naging magkarelasyon dahil sa hindi ko alam na dahilan.

So I am here at the bar to have fun so that I can forget what happened, so that I can forget him even for a while.

'Mahal ko eh kaya hindi ganon kadali para sakin ang makalimt lalo na at kakahiwalay palang namin ngayon'

"Look at you, mukha ka ng sabog Shanna"sabi Pa niya.

Nagsalin ulit ako ng alak sa baso at muling ininom. Kanina Pa ako nahihilo at alam Kong may tama na talaga ako ng alak pero ayaw Kong tumigil.

"Ano naman, wala akong pake ngayon basta ang gusto ko makalimot muna, so please Najia"medyo pasiring na sabi ko.

'Wala na akong paki kung Anong itsura ko ngayon besides wala rin naman akong paki sa mga nakakakita sakin na ganito ako'

Akmang magsasalin na naman ako ng alak ng biglang agawin ni Najia ang baso at ilayo sakin. Kaagad niya akong hinila patayo at medyo napa-upo Pa ako dahil sa hilo.

"Ayoko pang umuwi Najia, kung gusto mo iwan mo na ako dito"nagpupumiglas ako sa kanya pero dahil sa tama ng alak ay nadadala niya ako.

"Ano ako sira iiwan ka dito, let's go. Weather you want it or not"nahila niya ako paalis sa upuan at hinihila na niya ako palabas.

Love-struck by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon