Chapter 3

440 23 1
                                    

~Im Faded~
By:Mharl

Chapter 3

"Hi everyone I am Phayus Demetrio Marquez but my friends used to call me Demeter next to the god of Harvest or agriculture in greek and I dont know why, I know im not look like her, and technically speaking, yes I'm a gay 100%"

gumuhit sa mga mata nila ang pagkadismaya ng sabihin ko ang kasarian ko maganda naman ako kaya anong nakakadismaya dun, agad tumayo ang isang babae sa harap, she look fabulous

"You are a gay?is there a chances na maging straight ka pa? Sayang kasi, you are so fucki'n hot and handsome" saad nya pa na ikinaingay ng room dahil sa pag agree ng mga babae

"Well, identity is with us since we was born, it is like a blood that can't be replace" sagot ko sa kanya at mabilis nang umupo sa upuan ko

"Next one is Jean Athena Demetrio" saad ng teacher namin at pumunta naman si jean sa harap at nagpakilala, nagawa nyang magpatawa sa harap na ikinaingay ng buong room, yes napaka kwela nya pero di sya mahilig makipag kaibigan

"You look stunning in front of the class" bigkas saakin ni Rithlan na nasa tabi ko, nag cutting sya sa klase nya, gusto nya daw akong bantayan sa first subject kung okay lang daw ang mga kaklase ko, if not ipapalipat nya daw ako ng section, it is so easy for him to do that thing he is the ssg president of this school

"I know" sambit ko naman sa kanya at bahagyang tumawa

"I need to go, magsisimula na ang 2nd class" bigkas nya saakin, nagulat nalang ako ng pagtayo nya ng bigla nya akong halikan sa noo, agad nabalot ng Ingay ang buong room dahil sa ginawa nya

Halos hindi din ako nakapagsalita sa ginawa  nya, my heart beats so fast and I can't even move for a moment

"I-ingat" bigkas ko habang nanginginig ang mga labi, shet bakit nya ginawa yun? Bwiset naman na lalaki to parang sira

"I will, for you" dagdag nya pa at kinindatan ako, muling nagtilian ang mga tao sa paligid ko na ikinahiya ko

Lumabas na din sya ng room at duon na nagumpisa ang aming klase about accounting, time flies so fast at wala man lang pumasok sa utak kong lesson, tanging yung halik na ginawa nya ang naiisip ko, he not use to kiss me when bidding goodbyes

Oh my god hes bothering my mind

"Tara na kain na tayo" sambit saakin ni jean, agad ko namang iniligpit ang mga gamit na nakakalat sa table ko at kinuha na ang wallet ko

"Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa elevator

"Halika fries tayo" saad nya saakin na ikinakulo ng tiyan ko, matagal na din nung huling beses na nakakain ako ng fries

"Tara, libre mo" bigkas ko sa kanya, hindi ko na sya hinintay na makapagsalita at agad na hinila sya papunta sa canteen

"Teh napaka bagal mo, andami nang tao" bigkas ko kay jean ng mapansin na sobrang dami ng tao sa canteen

Mabilis kaming nakapasok sa loob, naghanap si Jean ng space na table para duon nalang kami kumain habang hawak hawak ko ang pera na ipapambili namin ng pagkain

Agad ngumiti saakin ang babaeng nag aasikaso sa mga estudyante

"What's your order?" Tanong saakin ng babae

"2 fries, 2 chicken with rice and 3 extra rice and 2 winter melon xl"  sambit ko sa kanya, ikinwenta ni ate lahat ng pinamili namin at ibinigay saakin ang resibo, agad ko naman itong binayaran at kinuha na ang pagkain

Habang naglalakad ako patungo sa table namin ni Jean ng bigla akong mabangga ng isang lalaki dahilan ng pagkatapon ng mga pagkain ko, nakakuha ito ng atensyon galing sa ibang tao na pati si jean ay nakita kong napatayo

Im FadedWhere stories live. Discover now