Chapter 34

30 3 0
                                    

Chapter 34

“Are you guys ready?” tanong ni Elle sa amin, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

“Katie, bilisan mo na!”

Agad akong bumaba, ngayon na namin ihahatid si Dianne sa airport. Nalulungkot lang ako kapag naaalala kong malalayo siya sa amin, lumabas na lang ako at sumakay sa kotse.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Dianne, I will really miss this girl.

“I will miss you, Di…” bulong ko sa kaniya.

“Two years lang naman ako roon, babalik lang din naman ako. Ano ba kayo!” natatawang sabi niya.

“Pero mamimiss ko rin kayo,” malungkot na sabi niya.

I really wanted her to stay here in Philippines, pero naintindihan ko naman iyon. She needs to stay there for good, mabuti naman iyon. Mabilis kaming nakarating doon sa Pili airport, hindi na kami sasama sa kanya papuntang Manila. Gusto sana namin kaso hassle ang pagpapunta at pagpauwi namin.

“Hanggang dito na lang ang pagsasamahan natin…”

Nagsimulang magkanta si Callein at Bea. Inirapan lang sila ni Brenna, napatawa ako dahil doon.

“Gago, umayos nga kayo! Aalis na nga si Dianne, eh. Para kayong mga sira!” panenermon ni Brenna.

“Ito naman! Nagbibiro lang, eh!” natatawang sabi ni Bea, umirap lang si Brenna.

“Hay, I will really miss this,” malungkot na sabi ni Dianne.

“Ako rin, huwag ka na kasi umalis, girl!” pagbibiro ni Cleia.

“Kailangan kasi, babalik rin naman ako kaagad,” she said.

Ibinuksan niya ang braso niya. Agad kaming lumapit sa kaniya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

“Shit! Naiiyak ako!” sabi ni Bea, nakita kong umiiyak na siya.

Niyakap ulit ni Dianne si Bea, napasimangot ako.

“Di,” bulong ko sa kaniya at niyakap ko siya ulit.

“Mamimiss kita, ingat ka doon palagi, ah. Call ka if you needed someone to talk to, okay?” sabi ko at saka ako umalis sa pagyayakapan namin.

“I will, Katie.”

“Nasaan pala si Friz, Dianne?” tanong ni Andrei.

“Ewan ko roon, sabi niya papunta na raw siya.”

“Okay, hintayin na lang natin siya kung ganoon,” sabi naman ni Cleia.

Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay namin si Friz.

Maya-maya ay biglang tumawag si Friz kay Dianne.

“Ha? Ano?” biglaang sabi niya, napatayo si Dianne.

My brows furrowed, what’s going on? May pinaplano yata ‘to ng kung ano si Friz, eh.

“Yeah, bye!” rinig kong sabi ni Dianne. She must disappointed now.

Ako na mismo ang kusang lumapit sa kaniya.

“Hey, what happened?”

“Hindi daw siya makakapunta, sabi niya,” she said and then she brushed her hair.

“Why?” I calmly said.

“Hindi ko rin alam, hindi niya isinabi sa akin kung bakit.”

“Hayaan mo na, Dianne. Pasok ka na, male-late ka na sa flight mo,” pag-aalala ni Elle.

Be my Boyfriend (Athenians Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن